Chapter Seven

7.7K 192 8
                                    

ANO BA ang nangyayari sa kanya? Buong hapon matapos nilang kumain ni Red ay hindi na siya nakapag-practice ng piece niya. Lumipat lang siya sa sariling silid at doon nagkampo hanggang lumubod ang araw habang nakatulala sa ceiling at lumilipad ang isip.


Bumalik sa alaala niya ang mga pagkakataong kasama niya ang butler niya noon at sa mga nakalipas na ilang araw kung saan kahit sino ay napansin ang paglalapit nilang dalawa. Hindi man siguro direktang sabihin ng mga tao, alam niyang iniisip ng nakapaligid sa kanila na may 'something' sila nito. Para sa kanya, confirmed ang 'something' na iyon dahil naiilang na siya sa tuwing nagkaka-usap sila ng butler niya. When they pretended as a couple, her heart was beating erratically. Hindi na nila iyon pinag-usapan pa pagkatapos, as if walang nangyari. Para sa kanya, nagpapasalamat siya sa ginawa ni Red dahil sinakyan nito ang trip niya. But she was also thrilled by the looks he was giving her that time. When he said that he was a very lucky man to have her as his girl, it was as if he was telling the absolute truth.


Ang pagiging gentleman nito sa kanya at pagiging maasikaso ay ikinatataba rin ng puso niya. Para kasing may gusto ito sa kanya. Parang gusto rin siya ng butler niya!


"Gusto rin kaya ako ni Red?" bulong niya sa sarili.


And it drowned her. She was starting to have feelings for Red. Alam niyang trabaho nitong alagaan siya subalit mas gusto niyang lagyan ng kakaibang kulay ang mga gawa nito. Mas nagkakaroon siya ng ngiti sa labi kung iisipin niyang ginagawa iyon ni Red sa kanya dahil gusto rin siya nito.


Pero sana niyakap mo na lang ako.


Napangiti siya. Narinig niya ang sinabi ni Red, loud and clear. Ikaila man nito iyon, naitanim na sa isip niya at habang buhay na siyang kikiligin sa tuwing maiisip na sinabi iyon ni Red sa kanya.


"There's no harm in trying, right?" kausap niya sa sarili.


Kinakabahan siya. Subalit may pag-asa rin doon dahil sa malambot na ekspresyon ng mga mata nito sa tuwing pinagsisilbihan siya. Huminga siya ng malalim. With all the courage she had, she stood up and went outside her room to look for her butler.



TATLONG katok ang narinig niya bago bumukas ang kanyang pinto at makita niyang sumisilip si Violet.


Pansin niya na tila nagdadalawang isip itong tuluyang pumasok sa silid niya kahit nakatulog na ito doon kaninang umaga. Pinigilan niya ang sariling mapangiti. Tiyak kasing mamumula lang ang tainga niya kapag naalala niya kung gaano ito kasarap titigan sa sarili niyang higaan.


"Ahm... Red," wika nito.


Tumayo siya upang salubungin ang dalaga. Nag-aalala na siya sa nakikitang halo-halong emosyong dumadaan sa magandang mukha nito. Mukha itong maiiyak anumang sandali. Tuluyan na niya itong nilapitan at hinawakan sa magkabilang balikat. Palihim niyang minura ang sarili. Being this close to Violet was against the rule. Subalit ayaw niyang pigilan ang sarili dahil nakikita niyang may bumabagabag dito. Kailangan siya nito. Besides, he had been violating a lot of rules with her lately. Hindi dapat ganito ang pakikitungo niya sa dalaga ngunit hindi na niya ito kaya pang tiisin at pigilan.

Red Is The Color Of Violet [PHR] - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon