chapter 39 : Empress's Fiance II

5.6K 70 9
                                    

Empress's POV 

A child? 

My fiance? 

So funny , right? Hahaha. Natatawa ako sa mga naging reaksyon ng mga taong ito dahil sa sinabi ng batang katabi ko ngayon. Ang cute niya. Natutuwa ako sa kanya. Parang ang sarap niyang kurutin hanggang sa mamula ang kanyang mga pisngi. 

I know. Nagiging marahas na naman ako sa bata. May magagawa ba kayo kung ganito talaga ako? Saka attracted ako sa mga cute na bagay. Kahit na hindi bagay itong bata na ito attracted na ako sa kanya. Parang ayoko na pauwiin sa kanila. 

" E-Empress, " tawag sa akin ni Cheska. 

" Yes? Something wrong? " tanong ko sa kanya. 

" Yes Empress , ano ang pinagsasabi ng bata na iyan? " tanong naman ni Jade.

Nakakapanibago ang ikinikilos ng mga ito. Ano ba naman klaseng tanong ang mga tinatanong nila sa akin? I smell jealousy. Hahaha. Mukhang magiging maganda ang mga susunod pang mangyayari huh?

Nakita ko na iniinis ng bata na ito sina Cheska. Iba't ibang facial expression ang pinapakita niya sa Fuentabella's Sisters. At mukhang naiinis naman ang mga ito sa bata. So childish! 

" Enough ! " saway ko sa kanya. 

" But , Empress " angal nila sa akin. 

Kulang na lang kasi sugudin nila sa pwesto ko ang bata na ito dahil sa mga itsura nila. Para bata lang nagkakaganoon na sila? Pano pa kaya kung matured na ang bata na ito? Papatayin na nila sa sobrang inis? 

I know that Fuentabella have their volcanic temper. Kaya naman, bihira lang ang nagtatangka na lumaban sa kanila o kahit na mang-inis o asar. Dahil kamatayan ang kapupuntahan ng pagkakamali na nagawa sa mga Fuentabella. 

" Hmn , little boy ? What's your name ? " tanong ko sa cute na bata na ito. 

" I'm Eugene David de Volkan. " naka-smile na sagot sakin ng bata. 

" ANO ?! DE VOLKAN ?! " sabay-sabay na sigaw ng Fuentabella's Sisters. 

Hindi na ako nagulat sa naging reaksyon nila na iyon. Dahil , kung iisipin naman talaga ay kagulat-gulat ang pangalan ng bata na ito lalo na ang kanyang surname. de Volkan . Family name ng Emperor. 

**

Clifford's POV 

Naiinis na talaga ako ~! 

Saan naman kaya nagpunta ang bata na iyon? Kanina pa ako paikot-ikot sa academy hindi ko pa din siya makita. Ayoko na nga nagpupunta sa ilang building dito dahil tinititigan ako ng mga babae. 

Demon Academy : Black Heartless PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon