CHAPTER III: Krace the playboy

23 0 0
                                    


Eme's POV

Saturday ngayun at plano naming lumabas ni Donz para naman makapag bonding kami, matagal tagal na rin nung huli kaming magshopping at stressful din kasi ang week na 'to so napagdisisyunan naming maging maagang lumabas para marami-rami kaming magawa. Maaga akong gumising at nag-almusal para mas maaga din akong makaligo.
9 o'clock pa lang naka bihis na'ko, hindi halatang excited, haha :D . Itetext ko na sana siya para sabihing hinihintay ko na lang siya at pwede na kaming umalis nang biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko,.... haha anggaling talaga nitong kaibigan kong 'to, naunahan nanaman ako.

"Ambilis mo naman, itetext pa nga lang kita eh narecieve mo na agad? Wow hanep ah!"

"Daldal mo nanaman, bilisan mo na para maka-alis na tayo."

"Halika na."

Nagpaalam na kami kay mama at tinawag na namin si Mang Sim.

***

Pagdating namin sa mall naghanap muna kami ng cafe para kumain, umorder lang kami ng cake at tea, pagkatapos naglibot-libot lang at pag may nagustuhan bibilhin.

"Andami nating napamili ah."

"Oo nga eh! Nag-enjoy ako. Alam mo Donz bagay talaga sayo yung damit na pinili ko para sayo, sana binili mo na lang yun."

"Bagay nga, kaya lang nasyadong showy.. eh conservative pa naman akech! HAHA....sorry ka na lang pero yung napili ko para sayo binili mo, panalo nanaman ako..... "

"Oo na, saan na tayo pagkatapos?"

Nagkatinginan kami bigla, at sabay pa kaming napasigaw....

"Nuod ng sine!!!!!"....

"Haha.... halika na shut up na tayo, pinagtitinginan nanaman ang magandang peslak natin.."

"Nakakatawa ka talaga Donz pag hyper, sana ganyan ka na lang parati."

"AH ganun, so naboboard ka pag hindi ako hyper?"

"Oo....ARAYYYY!!!!"

"Haha... tara na nga."

Binatukan ko rin siya para makabawi ako tas tumakbo na papunta sa movie world.Inantay ko na lang siya dun at bumili ng ticket. Action movie ang pinili namin para daw hindi siya antukin, mahilig kasi talaga si Donz sa mga action. Ayaw niya daw sa mga drama kasi napipilitan siyang umiyak, pag umiyak pa naman yun tuloy tuloy,mahirap patahanin, kayo ba ganun din? Ako hindi eh, iiyak lang ako pag may nakita akong kawawa at umiiyak pero lumalaban parin. Oh siya tama na, andaldal ko nanaman, nuod na tayo baka mainip nanaman si Donz sakin.
13 Hours : the secret soldiers of Benghazi ang papanuorin namin, mukhang maganda.


Pagkatapos ng movie umuwi nadin kami, pagod na rin at nakaka-antok so tinext na namin si mang Sim para magpasundo.

Habang pauwi kami ni Donz, medyo malapit na sa village namin, may napansin akong dalawang babae at isang lalaki na naghaharutan. Anlalandi naman ng mga to, mukha namang mga bata pa sila, excited much sila ah. Di ko na lang pinansin, nakatalikod kasi kaya halos hindi mo maaninag. Malamang dito rin nakatira sa village ang mga yan.
Nagtuloy tuloy lang si mang Sim sa pagda-drive, ihahatid daw muna namin si Donz dahil tinatamad nanaman daw siyang maglakad.Ihahatid naman talaga namin siya eh, to talagang besty ko!!

"Bye Ems, bye mang Sim, thank you sa psghatid."

"Bye! Pupunta ka ba samin bukas?"

"Titignan ko.Sige na alis ka na."

"WOW... Just wow!!"

"haha, love you besty"

CRUSH BUT HATE = LOVE  (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon