CHAPTER 3

52K 1.1K 16
                                    

Hanggang ngayon nabubuwisit pa rin siya sa nangyayari kanina. Hindi makapaniwalang tumulo talaga ang laway niya sa mismong harapan ng lalaki.Napasapo siya sa kanyang noo, bakit ba kasi tumulo ang laway niya na hindi man lang niya namamalayan? Tapos nakatunganga pa siya rito. Napatampal siya sa kanyang ulo, tanga ka nga talaga Zia. Tama nga naman ang lalaki may pagkaingot talaga siya.

Napabuntong-hininga siya at napailing, huwag na niyang isipin ang kung ano ang ginawa niyang kahihiyan kanina. Ang importante ay hindi siya nito kilala at hindi naman niya ito kilala. Hindi naman sila magkikita sa susunod dahil ang laki naman ng Manila para magkita sila.

Naglakad siya patungo kung saan ang opisina ng CEO, ang sabi kasi ng isa sa staff rito ay sa kanang bahagi makikita ang opisina ng CEO. Okupado nito lahat ang bahagi na iyon kung saan maaliwalas ang buong paligid. Makikita niya ng malinaw kung saan naglalakihang mga gusali.

"Ikaw ba si Miss Ramos?"

Hindi niya namamalayan na nasa may malapit na lamesa na pala siya kung saan nandoon nakaupo ang sekretarya.

Napapitlag siya dahil sa gulat, bakit ba kasi sumulpot bigla sa harapan niya ito? Hindi niya namalayan na may tao na pala sa harapan niya. Abala kasi ang mga mata niya sa kakatingin sa labas kung makikita niya ang mga gusali o di kaya ang mga sasakyan sa ibaba.

Natawa ang babae sa reaksyon niya "You are Zia Ramos, am I right? "

"Yes I am"

Tumayo ito sa pagkakaupo, may bitbit itong papel kung saan nakita niya ang kanyang resume "Halika, naghihintay na ang Chief Executive Officer"

Bigla nalang kumabog ang dibdib niya sa nabanggit nito. Napapikit siya, Diyos ko naman . Bakit ngayon pa siya nakaramdam ng kaba?

"Are you okay? Do you feel nervous? " narinig niya ang pag-alala sa boses ng sekretarya "Or you want water? "

Ngumiti siya sa babae para malaman nitong okay lang siya "Bigla kasi kumabog dibdib ko"

She chuckled "Normal lang iyan kapag nasa interview Miss Ramos,ganyan din ako noon kapag nasa mismong interview talaga. Just be yourself huwag mong ipahalata na kinakabahan ka. Ipakita mong deserving ka bilang P. A ng boss namin kaya pumasok ka na kasi ayaw pa naman ni boss ang late. So good luck for your interview" pampalakas loob nitong sabi na ikinangiti niya. Kahit papaano eh nakaramdam siya ng ginahawa at nawala kaunti ang kaba niya.

The secretary knocked three times before she open the door "Sir, nandito na po si Miss Ramos"

"Come in "

Napakunot ang noo niya ng marinig niya ang pamilyar na baritonong boses ng lalaki. She tilted her head to the side, saan nga ba niya narinig ang boses ng nasa loob? Parang narinig na nga niya ito pero hindi lang niya maalala. Saan nga ba?

Ipinilig niya muna ang kanyang ulo bago siya pumasok sa opisina ng CEO. Pagpasok palang niya ay ang malamig at mahalimuyak na amoy ang sumalubong sa kanya. Napapikit siya sa sobrang manly ng perfume ang naamoy niya. Hindi siya matapang na amoy kundi nakakaadik siyang amoy-amuyin na para bang sinasabing feel free to smell.

Napabalik siya sa kanyang katinuan ng marinig niya ang pamilyar na baritonong boses.

"You are Miss Ramos"

Napatingin siya sa harapan, nakita niya ang lalaking nakatutok ang atensyon sa papeles na pinipermahan nito.

"Yes I am Zia Ramos, Mr. Cordova"

Umangat ang ulo nito para tingnan siya. Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita kung sino ang lalaking nakaupo sa mismong swivel chair.

"I-ikaw? " nauutal niyang sabi. Huwag mong sabihing ito ang CEO na kanyang pinag-aapplyan bilang P. A?

POSSESSIVE BACHELOR 1:   WAYNE CORDOVATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon