Nagbabasa siya ngayon ng dyaryo para maghanap na naman ng ibang trabaho. Nagresign na kasi siya sa dating trabaho niya bilang secretary dahil napaka manyak ng dating boss niya. Okay na sana kung gwapo eh hindi naman.Kaya sobra namang bastos ang mukha. Nakakaimbyerna sa sobrang kamanyakan, ang sarap ingudngod dito ang p*ke ng babae. Buwisit, sa kaganda-ganda pa naman ng sahod eh iyong boss mo naman eh sobrang manyak huwag nalang. Kabago-bago pa niya minamanyak na siya? Inalok pa talaga siyang makipags*x dito at babayaran siya ng malaking halaga?! Huwag na oy! Mas mabuting mag-resigned nalang kaysa manatali sa boss na ubod ng bastos ang mukha, ubod sa laki ng tiyan, ubod sa kamanyakan. Ewan ko nalang nasa ex-boss na lahat ang kapangitan.
"Diba naghahanap ka ng bagong trabaho ate?" tanong ng kanyang kapatid na si Zandro.Napabaling siya dito at nakita din niyang busy din ito sa kakabasa sa dyaryo
"Oo,bakit mo naitanong?" kunot-noong tiningnan niya ang kapatid
"Subukan mo kayang mag-apply dito bilang Personal Assistant kay Mr. Cordova" nilapag nito sa mesa ang dyaryo at takang tiningnan ito
"Sino naman iyang Mr.Cordova na iyan baka naman katulad yan ng dati kong boss? "tanong niya dito "huwag na oy, takot na ako sa ganyan. Na-trauma na ako"
Natatawa ito sa kanya kaya sinimangutan niya ito. Tumikhim ang kapatid
"Ate saang planeta ka ba nanggaling kilalang tao yan "na-weweirdohang tiningnan siya ng kapatid
"Sa earth, saan pa ba? " kibit-balikat niyang sabi . Paano niya malalaman kung hindi nga siya taga Manila, diba?
"Patingin nga niyan" kinuha niya sa mesa ang dyaryo at binasa kung saan ang Hiring na sinasabi nito
HIRING:
THE CEO OF CORDOVA's FURNITURE COMPANY NEED A PERSONAL ASSISTANT. TOMORROW
WHEN:FEB. 25,20** 3 O'CLOCK IN THE AFTERNOON
WHERE:CORDOVA's FURNITURE COMPANY
"What? Sa makalawa agad ang interview ?! " gulat na sambit niya. Napakamot siya ng ulo dahil malayo pa naman sa kanila ang Manila.
"Aalis muna ako, hihiram ako ng pera pambili ng ticket"
Sa totoo lang hindi niya alam kung anong gagawin niya. Natataranta siya dahil kaunti nalang ang pera niya dahil na sa gamot ng kanyang ama tapos ang mahal pa ng ticket. Sino kaya ang magpapahiram sa kanya ng pera?
"Good luck Ate"
Tinalikuran na niya ito para lumabas na ng bahay para umutang ng pera. Bubuksan na sana niya ang pintuan ng biglang bumukas ang pinto at nakita niya ang Nanay Esmeralda pala
"Saan ka pupunta nak?"nagtatakang tanong nito
"Nay lalabas muna ako, pupunta ako sa kaibigan ko para mangutang ng pera. Mag-aapply po ako bilang P.A sa Manila ng isang CEO ng Cordova's furniture company. Hihiram ako ng pera para pambili ng ticket tapos babayaran ko din kapag may pera na ako"
" Ganoon ba anak? " napakunot ang noo nito at taka siyang tiningnan "Paano iyan kung wala kang ticket eh sa makalawa na ang interview? " pag-alalang tanong nito pero biglang lumiwanag ang mukha ng ina "akong bahala anak,wait lang babalik ako may tatawagan ako sandali.Naalala ko kasi na nagtatrabaho pala ang anak ni Nena sa Pacific Airline" dali-dali itong lumabas sa silid niya "Hihiram muna ako ng pera sa kapitbahay natin tapos babayaran din natin kapag may pera na" kita niya sa mga mata ng Inay na sobrang saya . Mas masaya pa nga ito sa kanya siya ito baliktad kasi siya ang kinakabahan.
"Ang problema po natin eh baka hindi tayo makakuha ngayon dahil fully book na "
"Magpupumilit akong makakuha ng ticket sa anak ni Nena para sayo anak. Tamang-tama din anak may kakilala rin ako doon na si Ising at asawa niyang si Dante. Siya ang makakatulong sayo. Tatawagin ko rin siya na hanapan ka ng matutuluyan doon sa Manila. Kapag makausap mo siya baka ikaw ang mapapagod dahil sa kadaldalan niya. Sige aalis na muna ako anak"
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE BACHELOR 1: WAYNE CORDOVA
RomanceZia Ramos isang simpleng babae ang hangad ay makatulong sa pamilya.Gagawin ang lahat para makaraos sa buhay.Pumasok siya bilang isang personal assistant ng nagngangalang Wayne Cordova. Pagpasok niya bilang P.A nito hindi niya inaasahang aakitin si...