CORDOVA'S FURNITURE COMPANY
Pagtungtong niya sa kompanya ng Cordova parang nalula siya sa sobrang laki ng gusali. Akala kasi niya ay simple at ordinaryo lang na kompanya pero nagkakamali siya. Mapapanganga siya sa sobrang ganda ng gusali, wala siyang masabi kundi wow. Sorry naman ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang gusali. Tama nga naman ang mga kapitbahay nila na iba talaga kapag nandito sa city, magkaiba ang pamumuhay rito kaysa sa probinsiya. Pagtingin palang niya sa kagamitan nalula na siya sa magandang desinyo ng muwebles, sahig, dingding at statue. Alam niyang mamahalin ang mga kagamitan rito dahil sa bawat detalye ng pagkakagawa wala siyang masabi. Napapahanga siya sa sobrang ganda, bilib talaga siya sa mga architect, engineer at interior designer.
Naglakad siya patungong front desk kung saan may dalawang babae at isang lalaki sa harapan na abala sa pakikipag-usap sa telepono
"Good Morning" bati niya sa mga ito na agad namang tumingin sa kanya ang mga nasa front desk at ngumiti sa kanya. Tinakpan muna ng isang kamay ang telepono.
"Good Morning to you " nakangiting pabalik na bati ng babae sa kanya "Wait for a while, okay? "
Tumango siya rito at naghintay ng ilang minuto bago siya nito bigyan ng atensyon.
"Yes Sir ,okay bye Sir. Have a good day" paalam nito sa kabilang linya.
Nang ibinaba na nito ang telepono ay maaliwalas siyang nginitian na nagpangiti din sa kanya. Nakakahawa ang ngiti ng kaharap,para bang ang gaan niyang kausap
"Yes Miss, how may I help you?"
"Mag-aapply sana ako bilang P.A ni Mr. Cordova"
Napatango-tango ito "Do you have your complete documents para sa interview mo ngayon? " tumango siya rito "Mabuti naman kung ganoon, nasa 2nd floor nasa may left side sa may malaking hall. Marami ng mga tao doon na nag-aapply..I hope ikaw ang makukuha"
"Thank you and you are? " inilahad niya ang kamay sa harapan nito na agad namang tinanggap
"Jeeann"
"I'm Zia Ramos by the way. Nice talking to you,sige mauna na ako sana nga ako ang makuha bilang Personal Assistant"
"Good luck for your job interview " nang sinabi nito iyon ay nakaramdam siya ng sigla at nakadagdag ng kompiyansa sa sarili.
Nagpaalam na siya rito upang aalis na patungong 2nd floor na sinasabi ni Jeeann.
Tumigil muna siya sandali para manalangin na pagpalain sana siya ng Diyos na makapasok bilang Personal Assistant ng big boss ng Cordova's Furniture Company, na bigyan din siya ng lakas na loob at hindi magkamali sa interview. Baka tamaan na naman siya ng katimangan doon patay na talaga. May pagkaingot pa naman siya minsan.
"Sana Lord, pagpalain akong makapasok rito sa kompanya na ito" nagsign of a cross siya bago siya nagdesisyon na tumuloy na sa job interview.
"Kaya ko ito,kaya ko ito" she took a deep breath and relax herself para kahit papaano mawala ang kaba niya.
Nang makita ang pagbukas ng elevator ay agad siyang pumasok na wala man lang tingin-tingin kung may tao ba sa loob o wala. Okupado talaga ang isipan niya sa pagpakalma sa sarili.
" Kaya ko ito,kaya ko ito" paulit-paulit na sambit niya para kumalma siya. Wala siyang kaalam-alam na habang nagsasalita siya ay may naweweirduhang nakatitig sa kanya na lalaki. Hindi niya namamalayan na habang gumawa siya ng kaingutan eh pinagmasdan na pala siya at palihim natatawa.
"Stop. You look stupid "
Nang marinig niya ang baritonong boses ng lalaki ay napatigil siya at nanlalaki ang mga matang napatitig sa harapan kung saan makikita niya sa salamin ng elevator na may lalaki sa likod niya. Napangiwing napatingin siya sa kanyang likuran. Salubong ang kilay nitong nakatitig sa kanya, naweweirduhang nakatingin ito na para bang tinubuan siya ng kung ano sa ulo.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE BACHELOR 1: WAYNE CORDOVA
RomanceZia Ramos isang simpleng babae ang hangad ay makatulong sa pamilya.Gagawin ang lahat para makaraos sa buhay.Pumasok siya bilang isang personal assistant ng nagngangalang Wayne Cordova. Pagpasok niya bilang P.A nito hindi niya inaasahang aakitin si...