part 3

745 6 1
                                    

John Lloyd’s POV

Kabababa ko lang ng telepono.

“thank you pare maaasahan ka talaga” sabay tapik ng balikat ko. “babawi ako sa susunod” sabi nya.

“alam mo kung hindi lang kita kaibigan hindi ko toh gagawin” pangiwi ngiwi kong sabi

“buti na lang kaibigan kita” nakapa meywang na sabi nito sa akin.

Magpapatuloy na sana ako nang bigla ulet itong magsalita.

“bakit nga pala hindi mo sinabi sa asawa mong uuwi ka?” alam nyang kausap ko si Sarah sa telepono.Matagal kaming nagkausap pero hindi ko nabanggit na uuwi ako. Mas mabuti na wala muna syang alam.

Nagpabook ako ng flight pabalik ng Pilipinas. May kinailangan lang akong asikasuhin at dahil na rin sa pakisuyo nitong kaibigan ko.

“saka ko na sasabihin sa kanya” tinigil ko muna ang ginagawa ko para kumuha ng basong tubig at inumin ito. Lalo akong nasabik makita ang asawa ko. Miss na miss ko na sya lalo pa na buntis ito pero kailangan ko munang gawan ng paraan itong problema ko.

“Sana magawa mo pare. Mag-iingat ka”.

Sarah’s POV

Kasalukuyan akong nasa loob ng aking kotse. Gulong gulo na ang utak ko at parang nagsisisi akong nagpunta pa dito. Mag-isa lang akong nagdrive. Gusto ko sanang papuntahin si Shin kaya lang wala itong alam sa mga nangyayare. Sa oras na may malaman sya nasisiguro kong magagalit yun dahil wala akong sinabi sa kanya.

Tatawagan ko na sana sya ng biglang may narinig akong kumakatoksa bintana ng kotse ko. Napatingin ako sa taong ito. Hindi ko inaasahan na sya ang makikita ko.

“huh? Ang alam ko si Maja yung gustong makipag-usap sa akin? Bakit sya nandito?” kunot noo kong sabi ngunit sa isip ko lang.

Hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko.

Lalabas ba ako o hindi

Ilang sandali pa ay kumatok na uli ito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Hindi ko naman kasi inasahan na sya ang kakausap sa akin. Handa na nga ba akong harapin sya at malaman ang buong katotohanan?

Huminga ako ng malalim at napagdesisyunan ko na rin lumabas ng kotse.

Isang paa pa lang ang nailalabas ko nang bigla nyang ioffer ang kamay nya para tulungan akong makatayo. Nakangiti itong nakatingin sa akin. Tumango lang ako at tinanggap ko ang alok nyang tulungan akong makalabas sa kotse ko habang ang kanang kamay ko naman ay nakahawak sa tiyan ko.

“thank you” sabi ko sabay hiwalay ng kamay namin.

“your welcome” nakangiting sabi nito.

Inabot ko ang kamay nya hindi dahil kailangan ko ng tulong kundi para mabawasan ang tension sa pagitan namin. Kaya ko naman tumayo kung tutuusin ayoko lang isipin nya na hanggang ngayon eh apektado pa rin ako ng nakaraan. 

"nasaan si Maja? kasi alam ko sya may gustong makipagkita sa akin" tanong ko sa kanya habang patuloy kami sa paglalakad. 

"pasok muna tayo" pinauna nya akong maglakad.  habang naglalakad unti unti rin bumibilis ang kabog ng dibdib ko pero hindi ko pwedeng ipahalata sa kanya. parang alam ko na kung saan patungo itong pagkikita namin.

Inurong nya ang upuan at inalok akong paupuin. "thank you" sabi ko. 

Ngayon ay magkaharap na kami. Wala pang may gustong magsalita. Ilang saglit pa tinawag na nito ang waiter at nagsimulang mag-order.

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon