13> part 3

324 5 0
                                    

"Uy Ash! Tagal mong nawala. Daming naghahanap sayo. Tinatanong ka nila sa akin. Wala naman akong maisagot kasi kahit ako hindi ko alam kung nasaan ka. Ano bang nangyare?" 

Bumalik ako sa pinagtatrabauhan ko. Hindi para magtrabaho ulit.

"Aalis na ako." patuloy pa rin ang sa pag-iimpake ko ng mga gamit. Nandito ako para kunin ang mga ito at upang magresign na sa trabaho ko.

"Ano?!" nahalatang nabigla ito sa sinabi ko. "Bakit?! Sa anong dahilan?! Ash naman" napaupo na lang sa tabi ko.

Ngumiti ako ng tipid sa kanya at hinawakan ang kamay nya.

"I'm sorry Klang pero hindi ko pwedeng sabihin sayo kung bakit ako aalis. Oo totoo ang tsismis na magreresign na ako. Gagawin ko ito para protektahan ang anak ko."

"Bakit may nangyare bang masama sa kanya?" hindi na ako umimik sa tanong nya.

"Walang nangyareng masama sa anak ko. Kailangan ko lang iiwas sya sa ama nya. Natatakot ako na baka kunin nya sa akin ang anak ko o gagamitin nya ang pagiging ama nya para sumama kami sa kanya." Tahimik na sabi ng isip ko.

"Paano na lang kami dito kapag wala ka na?" nanlulumong tono nya.

"Anong paano kayo dito? Ano ka ba Klang syempre kaya nyu na yan. Tignan mo nga isang lingo lang akong nawala eh iba na ang mga pinagtsitsismisan nyu." bumalik ang ngiti sa labi ko. Nabalitaan ko kasi na may bago na naman guest sa hotel na gwapo at ubod daw ng yaman kaso binatang ama nga lang.

"Speaking of.... Ay!! Naku kapag nakita mo yun. Hay makalaglag panty. Hindi nga naman inakalang may anak na sya kasi naman teh ang gwapo. Mukhang artista. Ang kinis at ang puti." sobra naman kiligin itong kaibigan ko. Lahat na lang ng makitang gwapo ay kikiligin na agad. Ewan ko nga ba sa babaeng ito. Palibhasa e dalaga pa sya.

Siguro ganun talaga ano kapag may anak ka na. Nawawala na yung pagkainterest mong magkagusto pa sa iba. Ay ano ba ito papunta na naman ako sa pagkateary eyed. Naalala ko na naman sya.

"Sarah!" Tawag sakin ni Mark. Katatapos lang namin mag-usap ni Klang at bumalik na ito sa pwesto nya sa reception area.

"Oh Mark!" nakita ko syang palakad papunta sa kinatatayuan ko.

"Kamusta na si Cloud?" bungad nya.

"Okay naman sya. Hindi naman sya gaanong naapektuhan sa nangyare. Baby pa kasi." natawa ito sa sinabi ko.

"Oo nga pala 1 taon palang si Cloud. Hindi pa nya alam ang mga nangyayare sa paligid nya." 

"Oo nga." Sinamahan nya ako sa pagsakay sa kotse. "Wait sigurado ka ba na okay ka lang dito? i mean you and----" mabilids nitong naintindihan ang gusto kong iparating sa kanya.

"Me and him? Oh it's nothing!" nakikita ko sa kanya ang ang pagkaeasy Man look nya. Parang walang nangyare sa pagitan nila nung huling nagkita sila.

"Kita mo nga oh walang kagalusgalos ang mukha ko" sa pagkamayabang nitong tono. "Hindi man lang ako pinagpawisan."

"Aba ang yabang mo na ngayon ah! Nabigla sa suntok mo kaya hindi na sya nakabawi." pero maigi na din yun atleast hindi na mas lumalapa. Kung sakaling bumawi ng suntok si Matteo malamang sa malamang hindi makakapagyabang ito si  Mark dahil wala syang natamong suntok. Nakakatwa talaga. Pero thankful ako dahil andun sya nung panahon kailangan ko ng tulong.

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon