ten> part 2

565 8 4
                                    

Buong araw kaming nagkwentuhan halos hindi na kami matapos tapos sa mga pinag-uusapan namin. Ang tagal din kasing hindi kami nagkausap. Ang sabi lang nya nabago daw ang schedule nya. Mas gugustuhin nya na makapagpahinga na lang daw kami ni baby kasi medyo alanganin na kung mag-uusap pa daw kami through phone or skype. Pero maski na kahit minsan man lang tumawag naman sya kasi hindi ko talaga maiwasan ang mamiss sya. Nasanay kasi ako na minuminuto eh tinatawagan nya ako kahit na madalas sinesermonan nya ako.

"Sige once makabalik na ako tatawagan na kita lagi kung yan talaga ang gusto mo ha? kaya wag ka ng magtampo" himashimas nya ngayon ang tiyan ko habang nakahiga kami sa kama. 

"Kailan ka ba babalik dun?" malungkot kong sabi. Nakahiga ang ulo ko sa dibdib nya habang nakasandal sya sa headboard ng kama. Pinipilit pa rin nyang ngumiti kahit na pareho kami ng nararamdaman.

"May mga kailangan pa akong ayusin dito bago ako makabalik dun." hinalikan nya ako sa noo.

"So matatagalan ka pang magstay dito?" iniangat ko ang ulo sa mukha nya. Tumango lang sya.

"we'll see" sabay hatak nya ng labi ko palapit sa labi nya.

"Namiss kita sobra." malumanay kong sabi na may kasamang malabing na tono. At muli nya akong hinalikan ngayon mas lumalim pa ang halikan namin.

*****sex----xy time****** (^_~)

Nauna akong nagising. Mahimbing pa rin syang natutulog sa tabi ko. Inayos ko ang kumot na tanging bumabalot sa kanya ngayon. Pagkatapos kung magbihis binuksan ko agad ang kurtina. Wala pang sikat ng araw kaya hindi sya magigising agad. 

Bumababa na ako para makapagluto ng almusal namin. Naghuhugas ako ng kamay ng  mahagip ng mata ko ang isang greeting card. "To a very special person" ang nakaprint dun. Hindi ito isang sulat kamay. Binalewa ko na lang ito ng maalala ko ang sinabi sakin ng kagabi ng asawa ko.

Flashback...

"Talaga bang walang iba?" putol ko sa paghahalikan namin.

Dumilat sya at sinabing.

"Walang iba... Ikaw lang... Ikaw lang buong buo..." hawak nya ang magkabilang pisngi ko at muling dumampi ang labi nya sa labi ko.

end of flashback...

Nagpunta kami sa OB nya para magpacheck up. Nabanggit nya sa akin noon na minsan sumasakit ang tiyan na.

"Sabi ko naman sayo beh wala namang problema samin ni baby. Madalas lang akong mapagod. Nasanay na kasi kami ni baby na maglakwatsa eh" sabi nya. Medyo kampante na ako ngayon dahil wala naman palang problema sa pagbubuntis nya. 

"Simula ngayon bawal ka ng umalis at magpunta kung saan saan lalo pag malayuan yan. Wag kang pasaway iniingatan ko lang kayo" tumawa lang sya ng napakalakas kaya napatawa din si doc.

"Tama nga naman Misis. Makinig ka po kay mister." sermon sya kay sarah at bumaling din sakin "Pero mister hayaan nyu po ang misis mo na maglakadlakad kahit paminsan minsan para masanay ang katawan nya. Magandang exercise yun sa mga buntis. Pwede na syang pumirme sa bahay kapag malapit na ang kabwanan nya."

"Oh narinig mo yun!" sabi ni Sarah habang nakatingin pa rin ako sa doctor nya.

"Doc may tanong po ako." tumingin ako sa kaliwa kung saan nandun si Sarah at nginitian sya ng nakakaloko. 

"anong itatanong mo?" Biglang  kunot ng noo nya. Binalik ko na ang paningin ko sa kaharap naming doctor.

"Doc advisable pa rin ba na kagabi gabi kaming-----" naramdaman ko na lang na kinukurot na ako ni Sarah sa tagiliran ko kaya hindi ko na natuloy ang sasabihin ko. Mukha nakita naman ni doc ang naging reaksyon ni Sarah kaya nakuha nya ang ibig kong sabihin.

"Tungkol po ba sa inyo ni Misis?" tango ko. 

"Opo doc" hinawakan ko na ang mga kamay nya para makalmahin sya. Alam kong hiyang hiya na sya ngayon sa harap ng ibang tao. Normal lang naman sigurong itanong yun para makasiguro kami. 

"Hindi namin ito inaadvise sa mga buntis pero dahil iba iba naman ang pagbubuntis ng mga babae. Sa kalagayan naman ni Sarah eh hindi naman ito ikakasama. In fact, inadvise ko nga sya na gawin yun dahil masikip ang dadaanan ng baby. Baka mahihirapan syang ilabas ito on normal delivery." paliwanag ng doctor samin. 

Pagkatapos namin pakinggan payo ni doc umalis na din kami. Malaki ang chances na baka babae nga ang unang baby namin. 

Ipagpapatuloy...

wag masyadong seryosohin! HAHAHAHA pawang imahinasyon ko lang ang nababasa nyu dito.  (^_~) 

I will take you foreverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon