"Ikaw Ang Aking Mahal" Rommel A. Lopez

24 1 0
                                    



"Ikaw Ang Aking Mahal"

Rommel A. Lopez

Kabanata 1

Bagong Landas

Buwan ng Mayo 2011.Nagkakatipon ang mga estudyante sa Mataas na Paaralan ngMakati,Maynila sapagkat unang araw ng klase.Naglalakad ng mabilis ang isang mag-aaral na katatapos lamang ng elementarya at ito ang una niyang taon bilang estudyante sa paaralan na ito.Unang araw ng klase kayat minabuti niyang makapasok ng maaaga.Hindi niya maiwasang kabahan dahil nag- umpisa na naman ang panibagong takbuhin sa kaniyang buhay.Naisip niya sa kaniyang sarili kung sino ang mga magiging kaibigan niya dito dahil ang iba niyang kaklase noon ay sa ibang dako na nag-aral. Ngunit,sa kabila ng mga ito ay hindi niya nakalimutangmanalangin sa Diyos at ihabilin na ingatan siya nawa sa araw-araw at lagi siyang tulungan ano man ang kaniyang gagawin.

Sa kakamuni-muni ni Mark R.Cruz at di niya namalayan na malapit na mag umpisa ang kaniyang klase.Nagmadali siyang pumasok sa kaniyang silid-aralan at hinintay niya ang unang guro niya na siya ring tagapayo niya.Mapalad siya dahil siya ay nakuha sa unang seksiyon sa kabila ng kaydaming kumuha ng pagsusulit upang makapasok sa paaralng ito.Itinanim niya sa kaniyang utak na kailangan niyang mag aral nang mabuti na para rin naman sa kaniyang kinabukasan at para sa ikatutuwa kaniyang mga magulang.Di nagtagal at dumating na si Mrs. Susan Valentin,maybahay ni Mr. Raul Valentin,isang pulis na nakadistino sa Paranaque at sinusundo siya nito tuwing pagkatapos ng klase.Hindi maikakaila na may kasungitan ito ngunit mabait naman ito sa mga may disiplinang estudyante

Nagkakilala ang marami niyang kamag-aral at marami siyang nakilalang guro na nakagaanan niya ng loob.Isa na rito si Charles Santos na kaklase at katabi niya.Naging matalik na kaibigan niya ito dahil ito ay marunong at mabait na tao na nakaiintindi ng kaniyang damdamin.Bagamat hindi mayaman si Charles ay tinutulungan siya nito kung sakaling kinakapos ng panggastos.Si Mark ay gwapo at matangkad na maraming talentong alam na minana niya sa kaniyang ama at isang lalaking kakikitaan mo ng pagiging mabait,marunong,at masipag sa pag-aaral.

Dumaan ang maraming buwan at di niya namalayan na malapit ng magbakasyon
at konting tiis na lamang at nasa ikalawang taon na siya.Kasali pa naman si Mark sa mga natatanging mag-aaral sa kanilang klase ngunit sadyang mapagbiro ang panahon,hindi na masyadong tumutok sa pag-aaral si Mark bagkus ay nagbubulakbol na lamang ito at dumating sa punto na bihira at palagtaw-lagtaw na itong pumasok.Hindi nagkulang magbigay ng payo ang kaniyang Lola na si Felicidad Rodriguez,nanay ng kaniyang ina na si Soledad Rodriguez-Cruz at ama niyang si Roberto Cruz na kapwa nagtatrabaho sa ibang bansa.Ang ina niya ay sa Miami,Florida bilang isang nurse at ang kaniyang ama naman ay sa Chicago,Illinois bilang inhinyero.

Muntik nang maalis si Mark sa kaniyang eskwelahan at hindi makapasa dahil sa mga kalokohan nitong pinaggaga-gawa.Buti na lang at mabait ang kaniyang tagapayo na si Mrs.Valentin na pinakiusapan ang punong-guro ng kanilang paaralan dahil alam nila na handa namang magbago ito at marunong namang mag-aaral si Mark.

Kinausap ni Fele ang kaniyang apo isang gabi.

"Psst,psst!,oy Mark umupo ka muna rito at kakausapin kita"

"Bakit po?",sabi niya

"Eto talagang batang eto oo,alam mo namang nagpapakahirap ang mga magulang mo sa pagtatrabaho mabigyan ka lamang ng magandang kinabukasan,kaya naman sana suklian mo naman ito ng pag-aaral ng mabuti",pangaral nito.
"Pasensiya na po,simula ngayon pagbubutihan ko na ang aking pag-aaral"

"Mabuti,mabuti,siya,siya matulog ka na at gabi na't may pasok pa bukas"

"Opo,pipilitin ko po na makatapos ako ng pag-aaral para na rin kila mama at papa"
Marahan na pumasok si Mark sa kaniyang kwarto at ti-nxt nito si Charles na kailan siya magpapa-enroll.Malapit na kasi muli ang pasukan at gusto niya na kasabay si Charles sa pagpapa-enroll.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw Ang Aking MahalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon