CHAPTER 9: Training of Fire Element/ The Truth

133 3 0
                                    

Fierra's POV

Pupunta kami ngayon ni ABEGAIL sa training area. Last niya na itong training ng fire element. Susunod ay Earth, susunod naman ay Water, susunod sa Water ay Air, susunod sa Air ang pinakamadali at pinakamahirap din. Ang mga basic na ability like mind reading, teleportation, speed, and etc. ang gagawin niya, siguro nagtaka kayo kung bakit nauuna ang mahirap dahil pagnatapos na nito ay madali na lang para sa kanya ang mga basic na ability. At ang pinakamahirap na part ay paglaban mo kay Liza dahil siya ang pinakamalakas sa aming lima.

Back to the topic tayo. Nandito na kami ngayon at magkatapat.

"Ang huli nating training para sa fire element ay labanan mo ako. Upang maibigay ko ang kulang na kapangyarin mo sa fire element. Kung matalo mo ako" sabi ko at ngumisi sa kanya.

"Iyon lang ba?" Tanong nito. Kampanteng kampante ito ah.

"Oo" sagot ko naman.

"Umpisahan na at ng matapos na ito" walang emosyong sabi nito.

Hinintay ko siyang umatake at mukhang hinihintay niya ako ang unang umatake. Kaya inatake ko siya ngunit naka-iwas ito. Magaling rin ito. Umatake na rin siya at umiwas rin ako. Gumawa ako ng pasikretong fireball at itinira ito sa kanya. Nabigla ako dahil bumalil ang atake ko sa kanya. P-paano niya ito na gawa. Papalapit na ito sa akin at umiwas ako pero may sugat ako sa kaliwang braso ko. Hindi naman ito malalim. Hindi inaasahan na nasa harapan ko na pala siya. Ang bilis nito, kaya sumeryoso na ako. Inatake ko siya ng fire spike sa kanyang likod naiwasan naman niya ito pero may maliit na sugat siya sa kanang pisngi. Ngumisi naman ako.
Nagbibigayan kami ng atake pero na iiwasan namin. Ilang beses ganito ang nagiging pagatake namin sa isa't isa. Nakita ko naman na sumeryoso na ito kaya naging alerto ako. Mabilis ang kanyang pagkilos kaya hindi ko namalayan na nasa likod ko na siya at may patalim na gawa sa apoy ang nasa leeg ko.

"Ano suko ka na ba?" Tanong naman nito sa akin.

Magaling siya pero meron pa akong hindi nagagawa na technique. Sinipa ko ang kanyang paa at gumawa ako ng fire wolf na malaki at inatake ito sa kanya. Nagpalabas naman ito ng fire dragon. Naglalaban ngayon ang mga sinummon namin. At kami ay naglalaban din. Hindi ko inaasahan may nakatusok sa aking tagiliran kaya na paupo ako sa sakit. Paano nya nagawa iyon.

"Paano ba yan natalo na kita" sabi naman nito na may ngisi.

Inaamin ko magaling ito sa mga laban. Mabilis kumilos. Malakas din ito kaya nahirapan akong labanan siya. Pinagaling ko naman ang sugat ko at tumayo. Nginitian ko naman ito.

"Magaling, mabilis at malakas ka ABEGAIL. Pinahanga mo ako. Gaya ng sabi ko ay ibibigay ko ang buong  kapangyarihan mo" sabi ko ng nakangiti.

Hinawakan ko naman ang kamay niya at ibinigay sa kanya ang buong kapangyarihan ng fire element.
Umilaw naman ang kanyang katawan at lumutang. Bumaba naman ito at makikita mo ang paglakas niya sa tindig pa lang nito. Umiba naman ang kanyang mata. Naging kulay pula ito pero di nagtagal ay bumalik ang kanyang tunay na kulay ng kanyang mga mata.

"Dito na nagtatapos ang ating ensayo sa pagkontrol mo at paglakas ng iyong kapangyarihan sa Fire." Sabi ko.

Ngumiti naman siya. Ang ganda niyang ngumiti dapat lagi na lang siyang ganyan. Bumalik na kami sa bahay.

》》》》》》》》》》》》》》》》》》

ABEGAILS POV

Natapos na ang aming ensayo sa pagkontrol at paglakas ng aking kapangyarihan sa apoy. Bumalil na ako sa kuwarto at nagpahinga. Nahirapan ako sa paglaban kay Fierra malakas siya. Pero hindi ako magpapatalo sa kanya. Ilang araw ko na ba dito. 6 na araw ko na pala so isang araw na lang ay isang linggo na at isang araw na doon sa Mortal World.

The Legendary Powerful PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon