CHAPTER 2

2 0 0
                                    



Pag pasok na pagpasok ko kitang kita ko agad yung mga kaklase ko. Sinong di mapapatingin eh ang ingay nila -________- May baklang sumisigaw, may mga babaeng hanap ng pogi sabay tili, mga akala mo kinikiliti eh. Nakakainis kaya! yung mga boys nagkwekwentuhan tungkol sa Dota at LOL daw. Malay ko dun :3 Lul lang alam ko :P , yung iba nmn puro kpop yung alam. Dont get me wrong, Di ako hater. Pero kasi -___________- Naiinis ako pagkanta sila ng kanta tapos mali mali lyrics -__- Ako pagkumanta tama lyrics. Pag sila Katono lang okay na. Letse andami nilang alam -____- Lumapit ako sa tropa ko at nakipagsapakan. Wag na kayo magtaka. Di uso samin yung miss miss.Miss. Namiss ko naman sila kahit papaano but unfortunately, I'm not the showy type pagdating sa mga kaibigan ko HAHAHAHA we're 5 in the troupe. Ako Yung parang Leader leaderan sa kalokohan , Si Ryza, bestfriend ko, si Yna, yung bookworm samin, si May , yung siga siga AHAHAHAH wag ka ! Nambabanat yan XD at si Genesis. Genesis sa umaga, Jennie sa gabi XD Natigil yung rumbulan namin nung dumating si Ma'am Kris. Yung magiging adviser ata namin pero naging subject teacher namin sya nung grade 7 kami kaya medyo clooooose na kami

"Ok 10-Sapphire get one whole sheet of paper and write anything about your vacation. We have an urgent meeting so I'll just leave you here. Kaila kindly assist your classmates." At umalis na si mam sa room.Halos isang taon ko ding di nakita si Ma'am Kris. Buhay pa pala to ? XD Ansama ko HAHAHA. Tuloy naman sa kwentuhan at chikahan ang mga kaklase ko. Pero dahil maganda ako ginawa ko yung pinapagawa ni Ma'am.

"Ano nga ulet yung tagalog ng fortunately ?" tanong ko kay Dianne. Siya yung pinakatahimik kong Classmate. Wala magbabasa lang yan ng libro kesa makipagguluhan samin.

"Sa kabutihan palad girl. Ano ? Nagbakasyon ka lang inglishera kana ?" Pagbibiro naman ng kupal na to. Natawa naman ako at nakipagguluhan. Sapak dito. sapak dyan. Tawa dito. Tawa dyan. HAHAHAHA I'm really enjoyi--

*BOOOGSH* Napatingin kaming lahat sa pintuan at sa bagong dating. Natigil lahat ng ginagawa namin.

"Kyyaahh" Sigawan ng mga kaklase kong babae noong matauhan sila. Di ko naman sila masisisi kasi pogi naman talaga tong patpating Zander na to. Pogi, matangkad, varsity, maputi, matalino, mapera. An ideal man for everyone kasoo--

"Hey babaeng tempura, upuan ko yan. Aalis ka o ipagtutulakan pa kita papunta sa pamilya nyong sugpo" pogi sana kaso masama ugali. Definitely not my type. sa kalaliman ng pagiisip ko di ko namalayan napatitig na pala ako sakanya. Those tantalizing dark brown eyes na parang nanghihypnotize. Perfect nose at jawline na akala mo siya na may pinakaperfect na shape ng mukha. That pinkish lips na akala mo lumaklak ng napakadaming lipstick na pink. Naputol naman ang pagmumuni muni ko.

"Quit staring. Baka matunaw ako ng wala sa oras. Alam kong pogi ako pero I want you to know, di ka maganda. Not my type. Flat Chested. So ngayon palang stop that fantasies" he said directly without looking at me. Tsk. Napakakapal. Ako ? Pinapantasya sya ? Kahit mabuhay si Rizal at utusan akong magustuhan tong butiking to di ko gagawin no ! Ganda ng lahi namin tapos malalahian ng PATPATIN ? At FLAT CHESTED ! MANYAK TO. MANYAK >___________< Hell no ! Ok! I smell war

"Alam kong di ako maganda pero gusto ko itanong anong ikinagwapo mo eh mukha kang patpating butiki sa itsura mo!!" naagaw naman namin ang attention ng mga kaklse ko. Ok. I hate attentions. I saw him gritting his teeth. Bwisit ka akla mo sakin ? Demure lang tapos pahinhin ? Excuse me! Modern Pilipina ata ako -______- Ano sapakan !

"Bulag ka ? Kung panget ako ano tawag sayo ? " ang yabang talaga neto. Sarap ibitin ng patiwarik eh.

"Tawag sakin ? Dyosa. Dyosang nahulog sa lupa" pabalang kong sagot.

Two Faces of a Mafia HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon