Pumasok na ulit sa trabaho si Kirsten Mae. Isip-isip niya panibagong araw na naman. Panibagong araw na naman na makakasama niya ang boss na si Vince Josuel Hernandez. Naging ex niya ito noong sila'y high school at hanggang ngayon, mahal pa din niya ito. Oo. That was 11 years ago, pero si Vince pa din ang mahal niya. Si Vince pa din ang gusto niyang araw-araw nakikita. Araw-araw, pasakit ang kanyang nararanasan sa trabaho dahil sa ngayon ay may bago na itong girlfriend at sa kasamaang-palad, engage na sila nito. Siya ay si Marie Ella Swift. Siya ay half pinay, half American. Ano namang panama niya dito? Hindi naman siya makaalis sa trabaho niya dito dahil sa laki ng sweldo niya. At siya ang pinakamalaki ang sweldo. Buwan-buwan, may P50, 000 siyang sweldo. Sapat na para sa kanyang sarili at sa kanyang pamilya. Minsan, sobra pa nga. Kaya nagpapasalamat na din siya kay Vince dahil dito. Kung tutuusin, maganda naman ang treatment ni Vince sa kanya ngunit syempre, masakit sa kanya na makita ang binata at si Ella na masaya. Nag-time in na siya sa kanilang biometrics at dumiretso siya sa kanyang cubicle. Napaaga ata siya ngayon kasi siya pa lang ang nasa buong room. Ang tahimik ng paligid. Nagsimula na siyang magtrabaho. Nagsimula na siyang magtype ng mga kailangang papers na ipapasa niya mamaya sa kanyang boss. Napabuntong-hininga siya.
"Good morning, Mae." Bati ni Ella kay Kirsten. Lingid sa kaalaman ni Ella na ex ni Kirsten ang binata. Laging nasa office ng kanyang boss si Ella dahil malaki ang naitutulong nito sa kumpanya. Sa America kasi nag-aral ang dalaga kaya marami itong nalalaman sa pagpapatakbo ng kumpanya.
Tumayo si Kirsten at binati ang dalaga. "Good morning, Ma'am." Ngiting bati ni Kirsten. Pero, sa loob-loob niya, napipilitan lang siya. Fiance ito ng kanyang boss at isa siya sa mga respetado sa kumpanya kaya wala siyang choice.
"Di ba I said before na 'wag mo na akong tawaging Ma'am? Pare-pareho lang tayong nagtatrabaho sa kumpanya. Ella is enough." Paliwanag nito. Napatango na lang si Kirsten at ngumiti. "By the way, nasa office na ba si hubby?" Hubby means husband. Yon ang tawag ni Ella sa binata and it makes Kirsten na matusok ang puso kapag naririnig niya ito.
"Wala pa po." Tipid na sagot ng dalaga. Sa loob-loob niya gusto na niyang matapos ang usapan sa pagitan nila. Ayaw niya ng ganoon. Nasasaktan lang siya.
"Ah. Sige. Hintayin ko na lang siguro sa office niya. Ok ka lang ba dito? Mukhang ang aga mo." Masayang sambit ni Ella. Si Ella ay sweet, thoughtful, mapagkakatiwalaan, at mapagmahal. Kaya, siguro ganoon na lamang kamahal ni Vince ang dalaga.
Tumango na lamang si Kirsten. Ayaw niya na kasi talaga na magtagal pa ang usapan. Naaalala niya ang mga times na nagkakausap sila ni Ella sa oras ng trabaho na nagkwekwento si Ella tungkol sa kanilang dalawa ng binata. Kesho, mahal na mahal nila ang isa't isa. May forever daw sila which is lalong dahilan kaya lagi siyang nasasaktan.
Nagtungo na si Ella sa office ng kanyang hubby at naiwan ulit na mag-isa si Kirsten sa room. Maya-maya pa lamang ay dumating na ang mga kaibigan ng dalaga na sina Vanessa at Winston. Si Vanessa at Winston ang pinaka-close niya dito sa kumpanya dahil friendly ang dalawang ito. Actually, they're married to each other. Oo. Mag-asawa sila. They have their own company at sinisimulan nang gawin ang building nila. Nagtatrabaho sila sa kumpanya upang mag-training at makakita ng pera para maipagpatuloy ang building. Pumayag si Vince na tanggapin ang dalawa kasi they're schoolmates noong sila'y high school. Pagkatapos kasi ni Vince at Kirsten na maging mag-on ay lumipat si Vince nang school and doon nila nakilala ang binata.
"Good morning." Bati ni Vanessa sa dalaga. "Oh? Kirsten, ang aga mo ngayon ah." Dagdag niya.
"Oo nga. Ok ka lang ba? Napansin namin na tulala ka noong natanawan ka namin." Sabi ni Winston sa dalaga.
Nagkatinginan ang mag-asawa dahil tulala na naman si Kirsten sa kung saan. Lumapit sila sa table nito. "Uy!" Sabay na panggugulat ng mag-asawa. Nagulantang si Kirsten sa dalawa. "Ano bang problema? Kirsten." Malumanay na tanong ni Vanessa sa dalaga.
"Wala. Andiyan na nga pala si Ma'am Ella." Paglilihim ng dalaga. Ayaw niya kasi masermonan na naman ng mag-asawa niyang kaibigan. Maririnig niya na naman ang mga salitang, "move-on, let go, tama na" which is sawa na niyang marinig.
"Hala! Anong konek ni Ma'am Ella sa problema mo? Ay nako! Si Vince na naman ano?" Pagsisimula ni Vanessa sa kanilang sermon sa dalaga. Si Vanessa ay napakalaki ng concern sa dalaga. Ayaw nito na nagkakaganito ito. Ang turing na niya kay Kirsten ay kapatid. Napatango lamang ang dalaga sa kanya.
"Kirsten, engage na silang dalawa and soon, they will be Mr. and Mrs. Hernandez. Hanggang kailan ka pa ba magkakaganyan? " Malumanay na sabi ni Winston. Maalaga naman si Winston sa dalaga. Para siyang tatay minsan dito.
"Guys, hindi ko alam. I'm still in love with him. That was 11 years ago, alam ko iyon but..." Mangiyak-ngiyak na sabi ng dalaga.
"But you still love him?" Agad na sabi ni Vanessa. Napatango lamang ang dalaga. "Ay nako." Buntong hininga ni Vanessa. "Maganda ka, Kirsten. You're sexy. Mabait. Madami pang lalaki ang magkakagusto sa'yo. Bigyan mo naman ng chance ang sarili mo na sumaya." Payo ni Vanessa sa dalaga.
"At tsaka, hindi mo deserve ang pagmamahal ni Vince. You deserve someone better. Kirsten, maikli lang ang buhay, spend it with happiness. Don't stick to a situation like that." Payo ni Winston sa dalaga.
"Pero, siya lang ang happiness ko." Tipid na sabi ng dalaga sa payo ng dalawa. Napabuntong hininga ang dalawa. Magsasalita na sana si Vanessa nang bumungad ang kanilang boss.
"Good morning, Sir." Sabay-sabay na bati nilang tatlo. Madami na din palang mga empleyado ang nandoon. Bumati din ang mga ito ng good morning sa kanilang boss.
"Good morning." Seryosong balik na bati ni Vince sa empleyado niya. Bumalik na sa trabaho ang mga empleyado noong malapit na ang binata sa office niya.
"Good morning, Hubby!" Bati ni Ella sa may pinto ng office ng binata. Nakangiti ito sa binata
"Hey! Good morning, my wife to be!" Lumapit si Vince sa dalaga at hinalikan agad niya ito sa forehead nito. Nakita ito ni Kirsten. Ramdam niya ang biglang pagtusok sa puso niya dahil sa nakita niya. Pumasok na ang dalawa sa office ni Vince. Napaupo si Kirsten sa swivel chair niya at napatulala. Naawa ang mag-asawa sa dalaga kaya niyakap nila itong dalawa. Lingid sa kaalaman ng ibang empleyado na ex ni Kirsten ang binata. Ang nakakaalam lang nito ay ang mag-asawa. Napaiyak na si Kirsten na nasa arms pa din ng mag-asawa. They comfort her pero walang sasakit pa sa nangyayari sa kanya ngayon. Araw-araw, ito ang sitwasyon. Paulit-ulit. Walang bago sa araw-araw niyang buhay simula noong unang araw niya dito sa trabaho. Kumalas sa pagkakayakap ang mag-asawa.
"Everything will be alright, Honey." Sabi ni Vanessa na ngumiti ng pilit para sa dalaga.
"You'll see." Dagdag ni Winston na ngumiti din ng pilit para sa dalaga. Bumalik na ang mag-asawa sa kani-kanilang cubicle. Nagpunas siya ng luha at pinagpatuloy ang ginagawa niya kanina. Napabuntong hininga siya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One
FanfictionMahal pa din kita. Ikaw pa din ang gusto kong makasama balang araw. Ikaw pa din ang itinitibok ng puso ko kahit halos labing-isang taon na ang nagdaan. Hanggang ngayon, YOU'RE STILL THE ONE.