Oras na ng lunch break at sibsib na sibsib pa si Kirsten sa trabaho niya. Parang wala siyang gana ngayon na kumain.
"Uy! 12:30 na, Kirsten. Kumain muna tayo sa labas." Pagyayakag ni Vanessa sa dalaga.
"Tatapusin ko muna ito, Vanessa." Tugon ng dalaga. Magka-age lang halos sila ni Vanessa kaya parang magkapatid lang ang usapan nila kahit may asawa na ito.
"Tama na muna yan, 'wag makulit." Malumanay na sabi ni Winston. Si Winston ay maalaga sa mga babae kaya ganoon na lamang ang pagmamahal ni Vanessa para dito. Gentleman din ito. Makulit nga lang kapag naka-vibes mo.
Nagkatinginan ang mag-asawa kasi nakatingin si Kirsten sa office ni Vince. Napatingin din sila at nagulat sa mga pangyayari. Naghahalikan ang dalawa na para bang gutom sa isa't isa. Tinakpan agad nilang dalawa ang mata ni Kirsten. Napaalis din ang mga mata ng mag-asawa sa office ni Vince at binaling sa kanilang dalawa ang titigan. Akala siguro ng mag-fiance ay walang nakakakita sa kanila kasi it's lunch break at kapag lunch break, walang tao. Napahawak si Kirsten sa dalawang kamay na nakatakip sa mata niya.
"Guys, ano ba?" Inis na sabi ni Kirsten.
"Nako! Nako! Kirsten, please lang. Tama na." Inis na sabi ni Vanessa.
"Tara na! Maglunch na tayo." Pagtitimpi ni Winston. Hinila ni Winston ang kamay ng kanyang asawa at kay Kirsten.
Nag-try pa si Kirsten na tumingin pa sa likod ngunit binilisan naman ni Winston ang paghila sa kamay niya. Nakipag-holding hands si Vanessa sa asawa niya.
"Baby, baka naman masaktan si Kirsten sa paghila mo." Saway ni Vanessa sa asawa niya.
Nang makarating sila sa elevator at sumara ang pinto nito ay binitawan na ni Winston si Kirsten. Napansin nila na naiyak na ang dalaga.
"Kirsten, please. Tama na." Pagtitimpi ni Winston. "Tama na ang pagpapantasya. Iyon na ang reyalidad oh! Kitang-kita mo naman di ba?" Controlling anger na sabi ni Winston.
"Guys, I can't. You know, I can't." Iyak na sabi nang dalaga.
"We know that you can't 'cause you're not trying." Trying to be calm na sabi ni Vanessa.
Napabuntong na lamang ang mag-asawa at binigyan na lang siya ng panyo para punasan ang luha niya kasi malapit na sa ground floor ang elevator.
Nagpunta ang tatlo sa favorite nilang restaurant. Araw-araw, dito sila nakain ng tanghalian. Umorder sila at kumain. Habang sila ay nakain, walang ni isang nagkwekwentuhan kundi ang mag-asawa. Wala sa wisho niya ngayon ang makipag-kwentuhan. Hinang-hina siya at parang walang gana kumain. Natapos ang pagkain nila. As usual, may tira na naman siya. Halos hindi nagalaw ang pagkain niya.
"Oh? Kirsten, 'wag mo sabihing wala ka na namang gana?" Malumanay na sabi ni Vanessa.
"Finish your food, Mae." Mae ang tawag ni Winston sa dalaga kapag alam niyang hindi na okay ang lagay ng dalaga. It's his way of comforting her.
"Guys, pwede kayang umuwi na ako?" Mahinang sabi ni Kirsten.
"Bakit? Masama ba pakiramdam mo? Anong masakit?" Pag-aalala na sabi ni Winston.
"Puso ko." Ayun! Bumuhos ang emosyon ni Kirsten. Napahagulhol siya. Damdam ng mag-asawa ang lungkot at sakit na dinadanas ng dalaga. Napayakap siya kay Winston. Niyakap din ito ni Vanessa. Feeling ng dalaga ay down na down siya. Mabuti na lamang at andito ang mag-asawa upang damayan siya.
She decided na umuwi nga. Nag-time out lang ito sa trabaho at umuwi na. Inihatid ito ng mag-asawa sa kanilang bahay. Pagkapasok niya sa kwarto niya ay hindi niya na napigilan ang kanyang emosyon. Nakaramdam siya ng sobrang bigat sa damdamin. Nag-flashback sa isip niya ang mga nakita niya kanina na lalong nagpasidhi sa kanyang damdamin.
"Anak!" Tawag ng kanyang ina sa kanya.
"Po?" Sagot ni Kirsten sa ina.
Pumasok sa kwarto ang ina niya sa kwarto niya.
"Nay, si Vince po." Napayakap siya sa kanyang ina.
"Bakit? Inaway ka ba? May ginawa ba siyang masama sa'yo?" Pag-aalala ng nanay niya. Hinimas-himas ng kanyang ina ang likod ng dalaga.
"Hanggang ngayon po kasi mahal na mahal ko pa din siya tapos nakita ko siya kanina na nakikipaghalikan sa fiance niya. Nay, ansakit po. Bakit ganun? Nay, hirap na hirap na ako." Hagulhol na iyak nito sa kanyang ina.
"Anak, di ba sabi ko naman sa'yo, 'wag mo nang ipagpatuloy pa ang pagtatrabaho mo doon. Tamo, nangyayari sa'yo. Ayaw ni nanay na nagkakaganyan ka." Concern na sabi ng kanyang ina.
Umiyak lang ang dalaga sa mga tinuran ng kanyang ina hanggang sa nakatulog ito.
BINABASA MO ANG
You're Still The One
FanfictionMahal pa din kita. Ikaw pa din ang gusto kong makasama balang araw. Ikaw pa din ang itinitibok ng puso ko kahit halos labing-isang taon na ang nagdaan. Hanggang ngayon, YOU'RE STILL THE ONE.