Nag-uuwian na ang mga empleyado ngunit ang mag-asawa ay mag-o-overtime ata.
"Baby, mamaya ah." Kindat na sabi ni Winston sa asawa.
"Arrgghh! Hey! 'Wag mo ako kindatan ng ganyan." Pa-cute na sabi ni Vanessa.
"Hahaha. Basta mamaya, Baby. Maghanda ka na." Banta ni Winston sa asawa. Tumahimik sandali. "Baby, nagseselos ka ba sa treatment ko kay Kirsten?" Seryosong tanong nito.
"Bakit? May kailangan ba ako ipagselos?" Kunot na noo na sagot ng asawa niya.
"Wala naman. Eh niyakap niya ako kanina. Okay lang ba sa'yo 'yun?" Ani Winston.
"Oo naman. Hinayaan ko na. Kirsten needs us. Naawa na ako sa kanya. Wala naman tayong magawa." Buntong hiningang sabi ni Vanessa.
"Ano? What do you mean 'Kirsten needs us'? What happen to her?" Bungad na sabi ni Vince na nasa harap nila. Nataranta ang mag-asawa sandali.
"Wala, Vince. Hehe." Palusot ni Vanessa. Ayaw kasi ni Kirsten na malalaman ni Vince ang mga nangyayari sa kanya. Ayaw niya daw kasi ng gulo.
"I heard you. Sabi mo naaawa ka sa kanya? May problema ba siya?" Tanong ng binata. Naguluhan siya kung bakit nga ba niya tinatanong ang mga iyon sa dalawa gayong wala na naman nga siyang pakialam sa dalaga. "By the way, bakit nga pala siya wala dito? Pumasok ba siya?" Tanong niya ulit sa dalawa.
"Pumasok siya. Nag-half day lang." Sagot ni Winston.
"Bakit daw?" Tanong ulit ng binata. Napagtanto niya na bakit ba parang concern na concern siya sa dalaga? Napakamot siya sa ulo niya. Sasagot na sana si Vanessa ng palusot niya nang nagsalita si Vince.
"By the way, pakisabi na lang kailangan ko siya bukas. Kailangan namin ni Ella ng secretary." Nabigla ang mag-asawa sa narinig nila. Si Kirsten? Gagawing secretary ng dalawa? Paano na iyon? Lalo siyang masasaktan.
"Ahhh Vince, pwede bang ako na lang or si Vanessa?" Suggestion ni Winston. Napakunot noo si Vanessa sa asawa niya.
"Gusto ni Ella, si Kirsten. I have no choice." Supladong sagot ni Vince. Napatango na lang ang mag-asawa. Bumalik na ulit si Vince sa office niya.
"Sh*t! Bakit si Kirsten pa? Baby." Hindi napigilan na sabi ni Winston.
"Hindi ko din alam." Nagtatampo na sabi ng kanyang asawa. Pabebe kasi si Vanessa minsan na ikinatutuwa pa minsan ni Winston.
"Hayyy..." Buntong hininga ni Winston. "Tampo ka? Baby." Sweet na tanong ni Winston sa asawa. Nag-pout si Vanessa na lalong nagpangiti sa kanya. Lumapit ito kay Vanessa at niyakap niya ito mula sa likod. "I love you, Baby." Sincere na sabi nito.
Tumingin ito sa mukha ni Winston. "I love you too, Baby." She gave him a smack on the lips.
BINABASA MO ANG
You're Still The One
FanfictionMahal pa din kita. Ikaw pa din ang gusto kong makasama balang araw. Ikaw pa din ang itinitibok ng puso ko kahit halos labing-isang taon na ang nagdaan. Hanggang ngayon, YOU'RE STILL THE ONE.