Chapter 6

4K 115 28
                                    

HIS POV

It’s been a week mula ng dumating siya sa buhay ko. I’d say my life has completely turned around – up, down, sideways, everywhere. Sobrang gulo lalo ng buhay ko ngayon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o maiinis sa babaeng ito.

Oo, wala siyang ala-ala. It’s 99.9% possible that she really is indeed Emerald. Pero napaka-kulit niya! Hindi ko alam kung hanggang kailan ko siya kayang pagtiyagaan. Napaka-kalat niya. Hindi siya naglilinis. Masyado niyang sinasamantala ang kabaitan ko sa kanya. Pakiramdam ko nga, nananadya na siya.

Saan ka nakakita ng babaeng sobrang feel at home sa bahay ng isang lalaking hindi daw niya kilala? Kulang na lang, lumakad siya paikot ng bahay ng nakahubad! Sobrang torture talaga ang dinadanas ko dito. Nang pangalawang araw nga, sagad-sagad na talaga ang pagtitimpi ko. Nagsuot lang naman siya ng manipis na damit at walang panloob. Wala daw kasi siyang pamalit. Sana naman hindi na siya ng nagsuot ng manipis, ‘di ba? At sana, iyong medyo loose. Hindi iyong ganoong… Hay grabe! Nakakabaliw siya! Inaakit ba talaga niya ako?

“Kakain na!” Tawag ko sa kanya. Parang naging katulong pa ako sa sarili kong bahay. Nang sabihin pala niyang food and logding lang, iyon nga lang talaga. As in. Wala siyang gagawin kundi makitira at makikain. Iniisip ko nga, baka siya talaga si Emerald at niloloko lang niya ako e. Baka pinagti-tripan lang ako nito. Sinasakyan ko na lang. Ginusto ko ito e.

“Ano yan?” Nakasimangot na naman siya ngayon. Gusto ko na hilahin iyong labi niya. O kaya naman matuka. Grabe! Iyong hindi ko naramdaman ng dalawang taon, parang naipon at isang bagsak na nararamdaman ko ngayong nandito siya.

“Pagkain.”

“Ayoko niyan.” Haay… Heto na naman kami. Sabi niya, hindi daw siya choosy. E napakaarte sa ulam! “Hindi pwede. Iyan ang nandyan kaya iyan ang kakainin mo.” Puro unhealthy ang gusto niya kainin. Kaya nagluto ako ng gulay ngayon.

“Ayoko.” Matigas siyang umiling. “Bahala ka magutom diyan.” Umupo na ako at nagsimula kumain. Bahala siya. Kung ayaw niya ng pagkain, ‘wag siya kumain. Magutom siya. Matulog siya ng kumakalam ang tiyan niya.

I heard her heavy footsteps away – nagdabog na naman ang prinsesa. Napabuntong-hininga na lang ako at napailing. Bahala nga siya. Hindi pwedeng laging siya ang masusunod. Masyado ng matigas ang ulo niya.

“Amy, labas na diyan. Amy.” Nakakailang katok na ako dito, ayaw pa rin niya buksan ang pinto. Haay… “Amy!” Medyo nasanay na rin akong tawagin siyang Amy. Siya daw si Amy e. Anong magagawa ko? Mas mabuti nga iyon. Baka mas madelay ang pag-alala niya sa nakaraan kung hindi ko siya tatawaging Emerald.

“Amy, ano ba!” Pumasok na ako sa kwarto ko para kumuha ng spare key. Nagkulong siya sa kwarto niya. Anong plano niya? Matulog ng hindi kumakain? Magpapagutom siya? Hay naku. Oo, hindi ako nananalo sa kanya. Nagluto ako ng ibang pagkain. Alangan namang patulugin ko iyon ng gutom. Mamaya magka-ulcer pa siya.

Pagpasok ko sa kwarto niya, patay na ang mga ilaw. Sa kwarto niya noon siya natutulog. Wala na siyang natirang gamit dito. Itinapon lahat ni mom. Masyado kasi akong na-depress kaya pinakealaman niya. Nagalit talaga ako noon, kaso ano namang gagawin ko? Wala na e.

Nakita kong nakahiga siya sa kama at nakatalukbong ng kumot. Grabe. Para akong nag-ampon ng batang alagain dito. Kung hindi lang talaga siya si Emerald at kung hindi ko lang siya mahal na mahal, hindi ako magta-tiyaga sa kaniya.

Ipinatong ko sa mesa iyong pagkain at niyugyog siya. “Amy. Hoy. Bangon na. Kumain ka muna. Amy.” Gusto ko na talaga siya sakalin! Umiinit na talaga ang ulo ko sa babaeng ito. Lagi siyang ganito. Parang lagi niyang tinitingnan kung hanggang saan ako magtitimpi – kung hanggang saan ko siya susuyuin, at lagi naman siyang nananalo. In the end, laging ako ang susuko. Haay.

ROP2: Forgetting the ForgottenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon