Don't Cry 5

137 8 2
                                    

Ilang bwan lang ang lumipas, may nakilala kong babae Sam ang pangalan nya. Niligawan ko sya ilang bwan lang napasagot ko na agad sya at ngayon ipapakilala ko na sya kila mama..

maganda naman sya, mabait din.. yun nga lang .. hindi ko alam kung magugustuhan sya ni apple.

"Mag punta ka sa bahay mamaya"

"bakit?" hinawakan kong lamay nya

"gusto kong makilala mo rin yung mga babaeng importante sa buhay ko.. dahil isa ka na rin sakanila.." ang ganda ng ngiti nya saken pagkatapos niyakap nya ko.

kinabukasan pinapunta ko si tita alice at si apple sa bahay para sabay sabay kaming maghapunan kasama si Sam, ganun padin kami ni apple... hindi nya ko pinapansin..

saming lima, si apple lang ang walang kibo.. hindi rin nya ginagalaw yung pagkain..

"apple, nag da-diet ka parin ba? tigilan mo na yan masama na yan." sabi ko .

Tiningnan nya ko ng mata sa mata, hanggang sa napansin kong nangilid nanaman ang luha nya ..

hindi nya siguro gustong mapansin yon nila mama kaya agad syang tumayo at nagpaalam na.

"problema nun?" tanong ni mama

" excuse lang po .. Sam iwan lang muna kita kila mama saglit" hindi ko na hinintay na tumango si Sam sinundan ko na agad si apple.

pagbukas ko palang ng pinto nakita ko na sya..nakaupo, nakadukmo ang ulo nya sa tuhod nya..

Umiiyak nanaman sya...

niyakap ko sya mula sa likuran habang nakaupo kaming dalawa.

"wag ka nang umiyak.. tahan na.. "

"pinipigilan ko naman eh... kaya lang kuya... ang kulit ng luha ko... pati ng puso ko... ayaw mag paawat .."

"tama na..tama na.. nakakalimutan mo rin yang nararamdaman mo.. unti-unti lang.. "

"bakit ba kuya hindi mo ko kayang mahalin.. "

"mahal kita ... alam mo yan.."

"mahal mo nga ako, pero bilang kaybigan lang pati nakababatang kapatid mo.. kuya... ang sakit eh.. ang sakit sakit!"

hinampas hampas nya yung dib dib nya pinigalan ko naman sya..

"kuya.. ano bang dapat kong gawin .."

"tahan na.. wag kang umiyak.. lalo ka lang mahihirapan.. ituloy nalang muna natin ang pag iwas sa isa't isa.. baka sakaling makalimutan mo na ko kapag hindi na tayo magkasama.."

lalo lang syang umiyak dahil don.. sino nga naman ang matutuwa? pero yun lang ang naisip ko na pwede naming gawin.. siguro minahal nya ko dahil simula pagkabata palang nya ako na'ng kasama nya..

kaya satingin ko.. kaylangan na muna naming maghilay..

***

nahirapan ako sa pagiwas dahil nga sa magkapit bahay lang kame, hindi ko rin muna pinapapunta si Sam sa bahay dahil baka makita o magkasalubong sila ni Apple.. ayokong mangyari yon dahil baka umiyak nanaman ang kapatid ko..

nagkakaron kami ng pagtatalo ni Sam madalas dahil kay Apple.. mas inaalala ko pa daw kasi si Apple kaysa sakanya. Pero ganun talaga.. wala akong magagawa.. mahal ko rin naman ang kapatid ko..

****

lunes , pa-out na ko sa trabaho ng may matanggap akong text mula kay mama.

From: mama love

jhon umuwi ka kaagad.

kinabahan ako sa text nya, parang pakiramdam ko .. may hindi magandang mangyayari..

nanginginig ang kamay ko, dahil don hindi ako makapagtext ng maayos kaya tinawagan ko nalang sya.

"anak.. si Apple .." lalong lumakas ang pagkabog ng dib dib ko nahaluan pa ng nerbyos dahil sa umiiyak na si mama.

"ano pong nangyari kay apple?!" sigaw ko

"sinubukan nyang magpakamatay.. anak magpunta ka na dito sa ospital "

agad akong tumakbo palabas, dahil sa sobrang kaba naibato ko nalang kung saan ang cellphone ko, Hindi ko tuloy alam kung saang ospital ba ko pupunta. Bahala na, dun nalang sa pinakamalapit

pagdating ko don tinanung ko agad yung pangalan ni apple .. nasa emergency room pa sya..

parang ayaw ng gumana ng mga tuhod ko.. pakiramdam ko konti nalang babagsak na ko..

ano bang pumasok sa isip nya!

Nakita ko sila mama at si tita alice na naghihintay sa labas ng emergency room, pareho silang umiiyak. ako lang ang lalake kaya kaylangan kong tatagan ang sarili ko.. hindi ako dapat magpakita ng takot ..

"ano po bang nangyari." garalgal ang boses ko..

"n-nakita ko nalang sya sa kwarto nya .. walang malay.. uminom sya ng maraming gamot .. bakit ba nya ginagawa to sa sarili nya.."

hindi ko alam ang isasagot ko.. dahil sakin.. kaya sya nagkakaganito ...

apple. . ano na bang gagawin ko..

(comment naman po :'( may next update pa. )

Don't Cry (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon