dont cry (short story)

522 11 1
                                    

note :

T_T

("Don't Cry "- short story)

*kaylangan nyang malaman .. na pareho kami ng nararamdaman..

..pauwi ako sa pilipinas para makita sya .. hindi nya alam kung gano ko sya namiss .. mas bata sya sakin ng pitong taon. 27 na ko ngayon samantalang sya 20 years old palang..

iyon ang dahilan .. kaya ko sya iniwan.. naging mahina ako, pero ngayon handa na kong harapin sya..

** flash back**

*year 1994

kasama ko ang mama ko na naglalakad, hindi lang ako may kasama pa kami.. apat kami kasama ang bestfriend ni mama na si tita alice at si baby majin boo ang anak nya.

majin boo ang tawag ko sakanya dahil ang taba-taba nya ^_^ pero cute sya . apple ang pangalan nya..

" jhon kapag malaki na kayo ni baby apple gusto ko alagaan mo sya ha.. "

"opo, hindi ko hahayaang makalapit sakanya si san goku" nakangiti ako habang nilalaro ko si baby majin boo.

****

*year 1999

first day of school . school mates kami, nasa grade one sya grade six student naman ako. lagi ko syang sinisilip sa room nya bago magsimula ang klase ko at pag time ng reses ko pinupuntahan ko kagad sya katulad ngayon.

"majin boo dapat mag diet ka! tingnan mo nga yang sarili mo.." sabi ko

" mama oh.. si kuya jhon inaasar nanaman ako .." binabantayan parin sya ni tita alice, iyakin kasi sya.

"jhon naman.. wag mo namang asarin si majin boo .. baka ikaw ang kainin nyan sige ka.."

" mama!!!" naka-pout pa sya

"wag ka ngang gumanyan. ang pangit pangit mo, lalong tumataba yang pisngi mo."

"ewan ko sayo! pag laki ko magiging sexy rin ako!"

"pag laki mo walang manliligaw sayo!"

" sigurado ko maski ikaw magkakandarapa sakin pag laki ko!"

"pag laki mo? may girlfriend na ko kaya hindi na ko maghahabol sayo dahil sigurado ko na maganda at sexy yung magiging girlfriend ko .. ayaw ko sa mga batang matataba kaya wag mo na kong pangarapin "

"kasing kapal ng libro ko yung pagmumukha mo!"

nagalit sya sakin pero pagkatapos non, naging pihikan na sya sa pag kain. seneryoso talaga nya yung pagpapapayat .. nakakatawa nga kase kahit gustung gusto na nyang kumain pinipigil nya..

nakalipas ang ilang bwan, sabay na kami laging pumapasok. kapit bahay ko lang naman sya, halos magkatabi lang kami ng bahay.

habang naglalakad kami papuntang school bigla nalang bumuhos ang ulan, mabilis kaming tumakbo at naghanap ng masisilungan.

"oi taba! tulinan mo!" sabi ko habang hawak ko ang kamay nya, hila-hila ko sya. kayalang napatid sya kaya ayun ang dungis nya.

"isusumbong kita kay mama .." sabi nya habang umiiyak ng malakas, hindi ko alam ang gahawin ko dahil sa lakas ng iyak nya.

"wag ka na'ng umiyak.. tara umuwi nalang muna tayo papasanin kita" pareho na kaming basa ng ulan kaya mas minabuti kong umuwi nalang.

habang pasan ko sya at nag lalakad kami pauwi may nakasalubong kaming bata, sa tingin ko halos kaedad ko lang rin, yung ichura nya hindi nalalayo kay apple pareho silang mataba . :p

"anong nangyari sainyo? gusto nyo pahiramin ko kayo ng payong?" sabi nung batang lalaki

" kung papahiramin mo kami, pano ka?" sabi sakanya ni apple

"ok lang ako basta ok ka.." sabi nya.. " ako nga pala si vincent ikaw? anong pangalan mo?"

"apple eto naman si kuya jhon"

"magkapatid kayo?"

"hindi, pasensya ka na vincent kaylangan nanaming umuwi baka kasi magkasakit si majin boo " sabi ko

"kuya!!!"

"majin boo?"

"oo majin boo itawag mo sakanya, sige na kita nalang tayo sa school. salamat sa payong." alam kong school mates kami dahil pareho kami ng uniform.

sa bahay na nila apple kami tumuloy, inabutan namin si mama at si tita alice na nag kwe-kwentuhan

"anong nangyari sainyo? " tanong ni mama

"tara nga kayo dito baka magkaskit kayo nyan.. bakit ba kayo nag paulan.." -tita alice

"inabutan po kasi kami ng ulan habang nag lalakad" sabi ko

"mama may nagpahiram sakin ng payong vincent ang name nya."

"wow may nanliligaw na sa baby ko.."

"bagay sila, si majin boo one at si majin boo 2 tara na mama uwi na tayo" aya ko kay mama ewan ko ba pero naiinis ako hindi ko alam kung bakit

"mama crush ko sya...ang cute ng name nya vincent."

"magsama kayo , tara na mama!"

"uiii ..si jhon ... nag seselos yan... " panunukso ni mama

"bahala ka nga" tapos umalis na ko

kinabukasan nakita ulit namin si vincent, simula non araw araw na kaming nagkikita kaya naging tropa kami.. hindi lang tropa naging matalik kaming magkaybigan ..

Don't Cry (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon