.Maaga ako umuwi noong araw na yon. madalang ko lang ginagawa ang pagiging maaga umuwi dahil ako ang yung tipo ng lalaki na lagi mong makikita sa lakwatsa. isa ako sa mga taong tinatawag ng maraming malikot ang paa. hindi kasi ako makumpirme sa bahay. lalo na at ako lang ang mag-isa sa apartment na tinutuluyan ko. Wala ako sa mood non,kaya naman gusto ko lang magpahinga.
Pagkalapag ko ng bag ko sa sofa dumiretso ako sa balkonahe sa likod ng apartment ko. binuksan ko ang sliding door ng balkonahe at gaya nga ng inaasahan ko isang bahay ang nakita ko na may balkonahe rin.
Napatingin ako sa kasalukuyang lumulubog na araw sa gawing kanan ko.ngayon ko lang napagtanto na masarap pala sa mata titigan ang papalubog na araw. hindi siya masakit sa mata, hindi nakakasawa titigan hanggang sa tuluyan na itong mawala sa paningin mo.
Habang nakatingin ako sa papalubog na araw ay may nasagap ako sa peripheral vision ko sa may balkonahe na katapat ko, napalingon ako at nakita kita. di ko napansin na nandyan ka pala simula pa kanina. nakaupo ka sa isang rocking chair at nagbabasa , medyo naka side ka ng konti at nakaharap sa may kanan kung saan lumulubog ang araw. tuon na tuon ka sa pagbabasa noon kaya di mo namamalayan na nakatingin na ako sayo. Napangiti ka bigla, naisip ko na baka sa binabasa mo kaya ka napangiti pero mali pala ako.
" Natutuwa ka ba sa view? baka matunaw ako niyan." pabiro mong sabi dahilan para mamula ako, napayuko ako nun. at narinig ko ang mahina mong pagtawa, medyo malapit lang kasi ang apartment ko at bahay niyo mga dalawang metro ata ang layo non kaya dinig ko ang hagikhik mo.
" Ah.. S-sorry. hindi kasi pamilyar ang mukha mo sakin. kaya iniisip ko kung nakita naba kita." pag dadahilan ko. nakita ko naman ang mabagal mong pagtango bilang pagtugon sa sinabi ko, pero totoo naman ang sinabi ko sayo kasi hindi pa talaga kita nakikita.
siguro ay dahil late na ako umuwi at di naman ako mahilig sumilip sa balkonahe kaya di kita napapansin. tulog at kaen lang kasi ang ginagawa ko at kung minsan naman ay nanunuod lang ako ng tv mag-isa. kaya hindi narin nakakapagtaka kung hindi ko kilala ang mga kapitbahay ko.
Napatingin ako ulit sayo. binaba mo na yung libro mo kaya kitang kita ko na ang mukha mo. nakangiti kang nakatingin sa sunset.
"Ang Ganda ng Sunset no? " tumingin ka sakin ng nakangiti. nag nod ako at napatingin sa papalubog na araw, hindi kita kayang titigan. masyado kang nakakainlove kaso nung nakita ko ang ngiti mo. para akong nabitin at gusto kitang lingunin ulit.
" Magpapaalam na siya, Pero bukas babalik siya ulit., napagod siguro si araw kaya nagpapaalam siya, magpapahinga lang muna siguro siya, pero babalik din naman siya agad kinabukasan." napatingin ako sayo dahil na wierduhan ako sa sinabi mo. pero baka isipin mo na di ako mahilig sa mga pa deep kaya sinakyan nalang kita.
" Matagal kana bang nakatira diyan sa inyo.?" natanong ko dahil sa pagka curious, Umuo ka naman
" Simula nang pinanganak ako, dito na ako nakatira. " sabi mo habang tumatayo sa rocking chair,
" Aalis kana agad?" Nagulat ako sa biglang pagtanong ko sayo ng ganung bagay, napansin ko din na nagulat ka pero ngumiti ka din naman agad.
" Babalik naman ako ulit dito bukas. siguro makakapagkwentuhan pa tayo ng matagal. huwag ka mag-alala kilala naman kita eh. matagal na kitang nakikita. " Nagulat ako ng sabihin mo na kilala mo na ako. sinabi mo pa ang pangalan ko. kaya napangiti ako lalo, ako lang pala ang hindi nakakaalam na nag eexist ka sa mundo, kasi ako matagal mo ng alam na nag eexist. Ang daya naman.
Nagpaalam kana at umalis pero mukha pa rin akong tanga na nakatingin sa balkonahe niyo na parang nandun kapa. napangiti ako. siguro nung araw na yun na love at first sight ako sa ganda mo.
BINABASA MO ANG
Papel ni Luna
Short StoryNapatingin si Luna sa mga papel na nakalagay sa kanyang mga lamesa. Kasalukuyan siyang walang magawa. kaya naisipan niyang sulatan ito ng kung ano-ano na tumatakbo sa kanyang malikot na pag-iisip. at di niya namalayan na nakagawa na siya ng isang kw...