HelloWHo y0u p0?
Secret :), Jejemon ka pala, haha
HUh? s0 Wh5t?
Napangiti naman ako sa ng maalala ko ang una nating pag-uusap Online, Ayoko mang aminin, dun tayo nagsimula, Jejemon ako, ikaw hindi, Isa ako sa mga kabataan na nagpauto sa panahon ng pag usbong ng kajejehan at may jeje days.
yun ang lagi mong pinagtatawanan sakin, at pinagtataka ko sayo, Bakit ikaw? hindi ka nagiging jejemon? Ang daya, Wala tuloy akong pang asar sayo, buo ka magtype kumpara sakin na kung hindi kulang, Eh sobra, Kung Di numbers, Up and Down ang letters.
Inaasar mo ko dahil ganyan ako magchat, Natutuwa naman ako kasi naasar ka at hindi mo ko naiintindihan, pilit mong iniintindi, Nakakatuwa kasi kahit ganon, Kinakausap mo pa rin ako,
Inuubos mo ang oras ko, At sinasayang mo naman ang oras mo sakin,
Umabot tayo ng ilang araw, Linggo, at umabot sa buwan , Puro kalokohan lang pinag-uusapan natin, Basta pagka online ko at online ka, wala mang ilang Sigundo, Chinachat mo na agad ako.
San ba tayo unang nagkausap? friendster? oo nga pala, nagpapasalamat ako dun kasi nakilala kita, nakakagulat lang at nalaman ko na kapitbahay lang pala kita, naalala mo yung paborito mong kanta? Yung Ewan ng APO?, Natatawa ako sayo kasi damang dama mo ang pagkanta non, naririnig kita mula samin, Habang malakas mong pinapatugtog yung Stereo.
Lagi kang nakangiti, hindi Ko maintindihan kung bakit mo kinakanta sakin yun, Ngayon Napapangiti ako kasi, Naiinitindihan ko na,
hanggang sa Dumating tayo sa pagiging Binata at dalaga na, Nagtanong ka sakin kung pwede mo kong ligawan, Nakakatawa lang dahil ang sabi ko sayo nun 'ewan'
Hindi ko alam kasi ang isasagot ko sayo nun, Nagulat ako sa sinabi mo, pero kahit alam kong di mo inaasahan ang sagot ko, nagpatuloy ka pa rin, May sasabihin ako sayo, Alam mo bang naiinis ako sayo nun?, Kasi yung mga napapanuod ko sa sine, Hindi mo ginagawa, Hindi ka romantic, Binabatukan mo ko, Inaasar mo ko, Hindi ka sweet,
Pero Kahit ganun, Hindi ka man romantikong tao, mas lalo akong nahulog sayo, Hindi ko napansin, Na nahuhulog na pala ang loob ko sayo, Normal lang naman ang pagmamahalan nating dalawa, Ngunit masasabi kong hindi siya katulad sa kahit anong napapanuod ko o nakikita ko na magkasintahan sa paligid. Iba ka, Iba ako, Iba sila, Iba tayo.
Hindi ba??
Dumating tayo sa puntong, Awayan, Inisan, Kawalan ng gana, pero
San tayo humantong?
Sa simple ngunit napakasayang kasalan,
Nakakatuwang Isipin,
Pero sabi nga nila, Pag mas maganda ang memorya, Mas matindi ang sakit sa ala-ala,
Nag sumpaan tayo
Na magmamahalan hanggang sa katapusan,
Walang iwanan
from this day forward
for better for worse
for richer, for poorer,
in sickness and in health,
until death do us part.
Sinabi natin sa isa't isa ang Wedding Vow nato, noong una, wala lang sakin ang mga salitang to, Parang mga letra lang na binubuo ng mga salita, Pero iba pa rin talaga, pag may kahulugan
Pag sayo ko sinabi,
Damang dama ko.
Lumipas ang mga panahon, hindi nalang tayong dalawa ang nagmamahalan.
Nagkaroon na tayo ng Pamilya, At mas lalo tayong sumigla.
Sabay natin silang pinalaki, inalagaan, Pinagsabihan, at sinubaybayan.
Naiisip mo dati? parang ganun lang mga Mama at papa natin dati satin, Ngayon, Tayo na ang magulang, Ako ang Mama, At ikaw ang Papa.
Mula sa pagiging sanggol, Unang pasok sa Eskwela, Pagtatampo nila, Paghihingi ng luho, kasama kita, Hindi mo ko iniwan.
Hanggang sa Graduation ng panganay natin at ang pagbubuntis ng ating pangalawa, Kasama kita sa saya at paghihinagpis, Natanong ko pa sayo kung naging mabuti ba kong ina, At ngitian mo lang ako at pinakita sakin, na Ang swerte mo dahil ako ang ina ng mga anak mo
Hindi ko akalain na darating tayo sa ganto kalayo.
Nagkaroon na sila ng Pamilya, at tayong dalawa muli ang nagsama, katulad natin, Bumuo din sila ng bagong kwento mula sa kanilang pagmamahalan.
naalala mo pa Kung gaano tayo kasaya nung umuwi sila galing amerika at pinasyal tayo?, Sobrang Sayang Pamilya ang meron ako at dahil sayo yun, Ang laki ng pasasalamat ko.
Ang sarap isipin ang nakaraan
Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako, Bakit mo ko chinat ng araw na yun? Anong Naisipan mo? oo nga no? Hindi ko man lang natanong sayo?
Kamusta kana Miguel?
Naalala mo paba tong lahat,?
matapos kong alalahanin ang nakaraan lahat, saglit akong napadilat at nakita ko ang mga anak ko kasama ang kanilang pamilya sa paligid, At bago ako tuluyang sumunod sayo.
Nag iwan muna ako sa kanila ng matamis na ngiti at saka pumikit muli.
------------------
Authors Note: ang story po na ito ay Advanced kong ginawa , so ang year po dito ay past, present at Future, kaya matanda na agad sila kahit sa Friendster lang sila nagkakilala, at dapat nasa 30's palang sila. :)
BINABASA MO ANG
Papel ni Luna
Short StoryNapatingin si Luna sa mga papel na nakalagay sa kanyang mga lamesa. Kasalukuyan siyang walang magawa. kaya naisipan niyang sulatan ito ng kung ano-ano na tumatakbo sa kanyang malikot na pag-iisip. at di niya namalayan na nakagawa na siya ng isang kw...