Kathang isip

6 0 0
                                        


December 31, 2017

Nasa tapat ka ng bahay namin, nagulat ako, Gabi na no'n at maingay narin ang paligid , konting Oras nalang matatapos na ang taon to.

"Bakit ka Nandito?" Bungad ko sayo, Isa ka sa matalik Kong kaibigan. close tayo , sobra , Diba? Pero hindi ko na alam kung ano nangyare sating dalawa ngayon.

'Di Mo ko sinagot , nakatitig kalang Sakin , binalikan din Kita ng tingin, tinitigan din Kita, don kolang napagtanto na may kakaiba sayo.

"Lasing kaba?" Tanong ko ulit sayo. Mariin kong tinitigan ang mga Mata mong nakatitig din salon, malungkot din Ang mga Ito at parang may gustong ipahatid. Ganon Lang Tayo ng ilang segu do, Hindi Mo pinansin ang sinabi ko.

Naiinis ako, bakit kaba nagkaganito?
Ako ba ang dahilan?
Gusto Kong maiyak sa harapan mo
Pero kailangan Kong maging bato.

"Mahal Kita." Bigla mong sinabi sa gitna ng malalim na titig sa aking mga Mata, Nakatitig parin ako sayo noong sinabi Mo yon, pero nanlalamig ako, Hindi ko alam Kung dahil ba sa mga salitang binitawan mo o siguro ngayon kolang naramdaman na malamig pala ang Simoy ng hangin.

Sobrang lamig.

" D-" Bago ako tuluyang nakapag salita, may inabot ka saking papel.

"Aalis nako, hindi moko problema, problema ko sarili ko "

Lumunok ka saglit.

" Basahin Mo tong sulat, pagpatak ng alas dose."

Hindi Na ko nagsalita at inabot Na ang sulat, tumalikod kana at nagsimulang maglakad. Habang ako, nakatitig lang sa likod Mo.

Nakatitig ng matagal, Hanggang sa tuluyan ka ng mawala sa paningin ko.

Napalunok ako, at dahan dahang binuksan ang laman ng sulat mo.

"Pasensya kana sa mga kathang isip ko, Wag kang mag-alala Gigising na ko sa Panaginip ko"

at sa unang pagkabasa ko palang ng unang pangungusap, naging malinaw na sakin na kasabay ng paglalakad mo papalayo sa akin , ay kasabay ng tuluyang pag-alis mo sa buhay ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Papel ni LunaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon