BROD FOREVER UNO

12 1 1
                                    

Third person P.O.V.


***143***




Isang tawag ang gumambala sa pamamahinga ni Joshua sa kalaliman ng Gabi.

Hello!

Bakas pa sa tinig nito ang pagkairita.

Sir! Natagpuan na po namin siya!

Ang inaantok pang si Joshua ay biglang nabuhayan ng dugo.

Na...nasaan ka..kayo?

Nauutal na tanong ni Joshua sa nasa kanilang linya, bakas sa kanyang mukha ang magkakahaling emosyon, nag uunahan sa pagdausdos ang kanyang mga luha.

Hindi na nag dalawang isip pa si Joshua ng ipaalam ng nasa kanilang linya ang kinaroroonan nila, halos paliparin na ni Joshua ang minamaneho niyang kotse makarating lag ng mas mabilis pa sa oras na kanyang inaasahang dating sa naturang lugar.

Finally, magkikita na rin tayo, makikita na rin kita, it's been 15 years na rin nang huli kitang makita, marami akong gustong malàman, marami akong katanungan ikaw lamang ang nakakaalam ng kasagutan!

Anang isipan ni Joshua, habang tinatahak ang napakagandang kalsada patungo sa kanyang destinasyon.

Bakit ka malamang biglang naglaho? Bakit ni isang bakas ng palatandaan ay Hindi ka manlamang nag iwan? Bakit mo ako iniwan?

Mga katanungan nabubuo sa isipan ni Joshua, mga katanungan na gusto niyang mahanapan ng kasagutan.




***143***



Ano bang problema nyo? Ano bang atraso ko sainyo at ayaw nyo pa akong paalisin?

Bakas ang takot sa tinig na iyon ng nilalang na makaupo sa silya.


Saamin wala, pero sa boss namin, Ewan lang namin!

Sagot ng lalaking nakaitim ng jacket triple ang laki ng katawan nito sa katawan ng nilalang na bihag nila ngayon.

Wala pala eh, bakit Hindi nyo pa ako pauwiin?

Tanong ng nilalang.

Utos kasi ng boss namin na Hindi ka paalisin hanggat Hindi siya dumarating.

Wika naman ng isa na mas matangkad sa kasama nito, nakasuot din ito ng itim na leather jacket.a

Naitukod ng nilalang ang kanyang siko sa lamesa at naisandal sa palad ang ulo.

Ilang sandali pa ay pumasok ang isang lalake na nakasuot ng outing vneck na T-shirt at pajama, bakas sa mukha nito ang magkakahalong emosyon.

Sandaling napahinto sa kanyang paghakbang si Joshua, may dalawampung dipa pa ang layo niyasa mesang kinaroroonan ng tatlo, Hindi siya makapaniwala sa kanyang nakikita.

Bumibilis ang tibok ng puso niya habang unti unting humahakbang papalapit sa taong nakatalumbaba sa Mesa, Hindi na rin  napigilan pa ni Joshua ang pagdausdos ng mga luha niya sa namumula niyang mga pisngi.

Bawat hakbang na ginagawa ni Joshua upang makalapit sa nilalang ay siya namang humihigop sa kanya pabalik sa ala ala ng nakaraan.






***143***

End of this chap.

Sundan po ang kwento ng dalawang nilalang na ito, lalo na ang pag babalik tanaw ni Joshua!!!

Please vote and comment po!!!

Salamat po sa pag babasa!!!!

God bless!

The one that got away
Brod forever

Vince ferari.😘

The One That Got Away ( BROD FOREVER)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon