"Okay, Beb. Love you." IBinaba na ni Aron ang kanyang cellphone. Kinamusta niya lang ang girlfriend niyang si Jazz. Hindi niya kasi ito madadalaw o makakasama dahil inutusan siya ng Daddy niya na sunduin sa airport ngayon ang Tito Rj niya–ang kapatid ng Daddy niya na binatang matanda.
Matanda ang kanyang Tito Rj kasi magfo-fourty years old na raw at wala pang asawa. Pihikan daw kasi kaya hanggang ngayon ay binata pa rin sa kabila ng edad nito. At ngayon ay magbabakasyon daw ulit dito sa Maynila galing probinsya para naman maiba ang paligid niya raw.
"Aron, hindi ba dapat ay umaalis ka na? Dapat ay mauuna ka sa Tito mo roon," katok ng Daddy niya sa pinto ng kuwarto niya.
"Yes, Dad. Magbibihis na lang ako," pasigaw niyang sagot sa ama. Nakaligo na siya magbibihis na lang ang gagawin niya.
"Bilisan mo, Aron. Alam mo naman ang Uncle Rj mo, ayaw na ayaw na naghihintay siya."
Minadali niya ang kilos. Ni hindi na siya nagsuklay. Daliri na lamang niya ang pinang-ayos niya sa buhok.
"Dad, alis na ako!" at paalam niya dala ang susi ng kotse ng Daddy niya. Pinapaikot sa kanyang hintuturo.
Pinahiram sa kanya ang kotse kaya naman pumayag siyang sunduin ang tiyuhin sa airport. Gustong-gusto niya talagang mag-drive pero paminsan-minsan lang siyang pinapapagamit ng kotse, kapag ganito na lang na may lakad o importanteng puntahan. Ayaw ng Daddy niya na nagda-drive kasi siya dahil baka kung mapa'no raw siya. Wala pa itong tiwala sa kanya pagdating sa kalsada. Pero may promise naman ito sa kanya na kapag nasa edad twenty na siya ay ibibilhan na rin siya ng sarili niyang kotse. And kulang-kulang dalawang taon na lang 'yon. Konti na lang ang hihintayin niya.
"Sige. Ingat sa pagda-drive. Huwag sisingit at mag-overtake."
"Yes, Dad."
Excited siya na humawak sa manibela ng kotse nang nakalabas siya. Pinaharurot niya agad ang sasakyan. Napapa-yes siya dahil drive-to-sawa na naman siya.
Sa kamalasan nga lang ay nakalayo na siya sa bahay nila nang biglang tumirik ang kotse.
"Sh*t!" napamura na siya dahil kahit anong gawin niya ay ayaw nang umandar talaga ang kotse.
Naisip niyang tawagan ang Daddy niya pero pagkapa niya sa pantalon niya ay wala ang cellphone niya.
"Ang malas naman!" Naalala niyang nailapag niya pala ang cellphone niya sa kama niya pagkatapos niyang tawagan si Jazz kanina at dahil sa kamamadali na makapag-drive ay nakalimutan niya iyon.
*Napamaywang siya na naiiling sa kotse ng Daddy niya. Bakit ngayon pa ito nagloko?! Nanadya yata, eh!
Inis na inis siyang sinipa ang gulong ng sasakyan.
SA AIRPORT...
Dumating na si Rj doon. Pinasadahan niya ng tingin siya sa mga sumasalubong na mga tao pero wala siyang makita na Aron.
Napakunot-noo siya. Akala ba niya ay susunduin siya ng pamangkin?
Kinapa niya ang bulsa. Kinuha roon ang cellphone niya at tinawagan si Aron, ngunit ring lang nang ring ang kabilang linya. Walang sumasagot.
"Anong nangyari sa batang 'yon?" takang tanong niya sa sarili.
Hindi nagtagal ay napapabuntong-hininga na lang siyang lumabas ng airport at sa labas ay pumara ng taxi. Kahit paano ay alam naman niya kung saan nakatira ang kapatid sa magulong lungsod. Ilang beses naman na kasi siyang nagbakasyon doon. Hindi na niya aantayin ang mga sundo niya. Hate na hate niya talaga ang mag-antay. Siya 'yung taong walang pasensya. Kaya nga pati sa LOVE ay hindi siya nakapag-antay, eh.
'Yung girlfriend niya na mahal na mahal niya na nagpuntang Saudi para mag-nurse roon ay kinalimutan na lang niya kaysa mag-antay siya ng matagal sa pagbabalik nito. Ano siya waiting shed na mag-aantay sa paparating at papaalis?! No way!
"Sa Quezon City tayo, Kuya," aniya sa driver ng taxi.
Pag-alis ng taxi ay siya namang pagdating ni Aron sa airport. Nagkasalisihan silang magtiyuhin.
*********
BUSY NA BUSY sina Gerlie at Diane sa paghahanda ng kanilang maliit na stall na magkaibigan sa plaza. Maaga pa lang ay nagtitimpla na sila ng mga palamig na ititinda nila. Mas maaga, mas madaming mabebenta.
"Okay ka na ba rito? Aalis na ako?" paniniguro ni Gerlie nang maiayos na nila ang lahat. Aalis ito saglit daw. May lalakarin lang daw.
"Oo, sige na. Easy lang 'to," pa-good vibes na sagot ni Diane. Kahit heartbroken siya kahapon ay good mood pa rin siya ngayon.
"Magbenta ka ng marami, ha?"
"At bumalik ka rin agad."
"Okay."
Wala na si Gerlie at habang wala pang customer ay Famebook muna ang inatupag niya sa kanyang cellphone. Panay ang like at comment niya sa mga post ng kanyang mga kaklase at mga kamag-anak.
"Excuse me?" Hanggang sa may nagsalita na isang lalaki ang umagaw sa kanyang pansin.
Tingin siya sa lalaki. Lalaki na guwapo pero halatang may edad na. "Ano po 'yon?"
Ngumiti ito sa kanga. "Paarang naliligaw kasi ako, Miss. Aam mo ba 'yung lugar na Paretas Street dito?"
Natigilan siya kasi street 'yon ng bahay nina Aron. Lihim siyang kinilis. Naalala na naman niya ang crush niya. Dadaan kaya ulit sila rito sa stall nila? Miss na niyang makita si Aron.
"Ehem!" tumikhim ang lalaki.
Nahiyang ngumiti siya sa lalaki. "Sorry po, pero opo alam ko 'yung street na iyon."
Lumawak ang pagkakangiti ng lalaki. Lalo itong gumwapo. Sayang at may edad na.
"Doon po 'yung street na tinatanong niyo," turo na niya sa lugar.
Sinundan naman ng lalaki ng tingin ang kamay niya. "Yeah, doon nga. Naalala ko na. Salamat."
"You're welcome po."
Nagngitian pa sila. At ewan ni Diane pero parang sumikdo ang puso niya. Mas gumwapo pa kasi ang lalaki. Ang ngiti nito'y nakakatunaw. Kakilig.
"Sige, salamat ulit." Sumakay na ulit ang lalaki sa taxi at umalis na.
Wala na ang taxi pero nakatanaw pa rin siya. Saglit lang ay siya na rin ang sumaway sa sarili niya. Ano 'yon?! Mayroong uncle fantasy na ba siya at kinikilig siya sa lalaking mukhang uncle na niya?
Umasim ang kanyang mukha at umiling-iling.
"Kadiri ka, Diane! Malandi ka na masyado!" saka sermon niya sa sarili. Kakamot-kamot sa ulo na lang na tinuloy ang pagfe-Famebook. Pilit niyang kinalimutan ang lalaki. Hindi puwede na magka-crush sa iba. Si Aron lang ang crush niya. Si Aron lang!
BINABASA MO ANG
MY EPIC GAYUMA
RomanceSa kahibangan ni Diane sa kanyang ultimate crush ay may nagawa siyang kagagahan, kalokohan, at katangahan. Sa tulong ng isang matanda ay gumawa siya ng gayuma upang mapaibig niya sana ang lalaking crush na crush niya. Kahit pa suntok sa buwan para...