Pyre's Pov
"THORIN! Sumagot ka!" sigaw ko kay Thorin na tumatawa lang sa harap ko.
"Hindi ko alam, mahal na prinsipe. Ikaw lang naman ang may gawa nyan. Tingnan mo ang itchura mo. Yan ba ang anak ng hari ng Aesir?" sagot niya sakin. Ano pinagsasabi ng halimaw na to?
"Ano pinagsasabi mo jan?!" galit kong tanong. Wala na nga akong maintindihan sa mga nangyayari nagawa pa akong pagtripan nito. Asar.
Tumawa nanaman siya ng malutong. At inabutan ako ng salamin. "Tingnan mo sa salamin na ito ang ibig kong sabihin."
Kinuha ko ang salamin at tumingin dito.
*CRASH!*
"A-ano ito?! B-bakit ako meron nito?! Tanggalin mo to sakin! AHHHH!!" naramdaman kong parang kumakalat sa mukha ko ang kakaibang marka.
Nakaramdam ako ng parang unti unting nasusunog ang balat ko habang kumakalat ito.
Napaluhod ako sa hapdi ng nararamdaman ko. Ano ba kasi to?!
Lumapit pa ng onti sakin si Thorin. Hinawakan niya ko sa may damit ko, at inangat pataas.
Napapapikit ako sa sobrang hapdi.
"Yan ba?! Yan ba ang tinataglay ng anak ng hari ng Aesir huh?! Magsalita ka!" at binitawan niya ko.
*BLAG!*
Napaupo ako at kinuha ang salamin sa lapag. Pinagmasdan ko mabuti ang nasa mukha ko. kulay itim siya. Para siyang tattoo, mula sa may kaliwa kong mata, papunta sa pisngi ko. Hindi siya umabot sa kabilang parte ng mukha ko.
"Ikaw ang may gawa niyan, Phoenix. Sinabi ko naman sayo diba, wag na wag kang magpapadala sa galit mo. Ayan ang nangyari sayo. Oras na lumabas ang marka na yan sayo, kahit nasan ka man, sa isang iglap mo, mapupunta at mapupunta ka dito sa lugar ko. Dahil yan, ang nag-kokonekta sa ating dalawa. At hinding hindi yan masisira basta basta. naiintindihan mo ba ang mga sinasabi ko?" bahagya siyang lumingon sakin at sinamaan ako ng tingin.
Hindi ko maintindihan. Bakit ako magkakaroon ng ganitong marka? Saan ko to nakuha?
"Bakit ako may ganitong marka? May ganito din ba si Ama?" tanong ko.
"Natural. Kanino ka ba magmamana ng ganyan? Nakakapagod magpaliwanag sayo. Bumalik ka na sa mundo niyo. Doon mo malalaman ang kasagutan sa napakarami mong katanungan." sabi niya sakin. Pero hindi ako kontento. Kailangan ko malaman ang kasagutan, ngayon mismo.
"Hindi ako aalis dito hangga't di mo sinasabi ang kasagutan!" matigas kong sagot.
"Problema mo na yan. Hindi ko kasalanan na pinalaki ka sa kasinungalingan. Ang akin lang, dahil malaki ka na, at nasa tamang pag-iisip, karapatan mong malaman ang katotohanan."
"Pero bakit naman ganto ang problema ko?! Maiintindihan ko naman kung sinabi na mismo nila sakin eh! Bakit kailangan pa kong pahirapan, ngayong malaki na ako?!"
"Di talaga mawawala ang thrill sa buhay kung walang problema. Nabuhay ka para matuto, hindi para magrelax. Tandaan mo yan."
"Pero Thorin..---- AHHH!!" unti unting nagliwanag ang paligid, unti unti ding nawawala si Thorin.
"THORIN!! TULUNGAN MO KO!! TULUNGAN MO KO MASAGOT ANG MGA KATANUNGAN KO!" sigaw ko.
Ngumiti lang siya "Hanggang sa muli, mahal na prinsipe."
At nagliwanag na nag buong paligid.
"Pyre?" boses ng babae.
"I-ino..?" matamlay kong sagot. Nanghihina pa ako. Hindi ko maimulat ang aking mata.
Nakaramdam ako ng kung anong dumampi sa labi ko. Ang babaeng to, hindi rin makapag-pigil minsan.. Ngumiti ako ng malungkot. At hindi ko na alam ang sumunod na nangyari sakin.
Hindi ko pa nga nasosolusyunan ang mga una kong tanong, nadagdagan na naman. Ano ba naman 'to. Pero tama si Thorin, Nabuhay tayong mga tao para matuto, hindi para mag-relax. Sana malaman ko na ang kasagutan sa tamang panahon. At sana, hindi ako masaktan sa malalaman ko, kundi magkikita na naman kami ni Thorin.
-----
Heaven's Curse ©
BINABASA MO ANG
Heaven's Curse (on hold again)
Mystery / Thrillerisang nilalang na pinadala sa ibang mundo dahil sa kasalanang di niya ginawa.Malaman nya kaya ang tunay na may pakana ng lahat ng iyon? Ngunit paano? Lalo't siya'y tinanggalan ng alaala? Sino nga ba siya? at ano ang sumpang kaakibat niya?