Curse 1

83 2 0
                                    

Pyre's Pov

Namulat ako sa kakaibang uri ng pamumuhay. 10 taon na yata ang nakalipas simula ng napadpad ako sa mundong ito. Sa mundo ng mga tao. Nakatira ako sa simpleng apartment, kasama ang kaisa isa kong kaibigan na si Pita. (Fita)

Nakilala ko siya sa lugar kung saan ako nalaglag, yun ung sabi ni Pita. At iyon ay sa may ilog. Nakakadiri nga eh at si Pita ang sumagip sakin. Kaya utang ko ang buhay ko sa kanya pero, wala akong maalala kung paano ako nalaglag. At bakit ako nalaglag. Nagising ako ng walang matandaan ni isa. Kung ano ako, saan ako nanggaling at kung bakit ako andito. Ang tanging alam ko lang ay ang pangalan ko.

Phoenix Aveilus Frazer. At ang kaisa isang kwintas na nakasabit sa aking leeg. Nakaukit doon ang ang unang pangalan ko sa may bandang harap. At sa loob nun may pula at asul na apoy. Hindi ko nga alam kung ano ibig sabihin nun eh.

Sa panahong ito, parang makaluma na ang aking pangalan. Kaya pinalitanko ito ng Pyre. Katulong ko sa pagbuo ng pangalan si Pita. Magkasing edad nga lang pala kami at sa 10 taon na lumipas, siya lang ang pamilya ko.

Ay tama na nga ang drama! Andito nga pala kami ni Pita sa isang fast food chain. Magpapart time lang. Sosyal noh? Syempre! Gwapo yata kami!

"Pareng Pyre, grabe ang daming chix noh?" sabi sakin ni Pita. Umakbay ako sa kanya.

"Oo naman! Ang gwapo kasi natin masyado! Hahaha!" lumapit samin yung manager at sinita kami.

"Oist! Kakaumpisa nyo pa lang, daldalan agad inaatupag nyo. Eh kung nagtatrabaho kayo matutuwa pa ko." mahaba niyang sermon. Ngumiti lang kami ni Pita.

"Oo boss."

At yun nga, nagtrabaho na kami ni Pita. Mga 8;30 na kami nakauwi sa apartment namin.

Agad ako pumasok sa kwarto ko at pumikit.

Ganyan ang buhay namin ni Pita. Simple lang, walang arte at kung ano pa man. Di rin kami mayaman, sapat lang ang aming kita para sa renta at pagkain. Pero kahit ganun, masaya na kami.

------

A/n: Pyre-Fire (pronounce as pi-re)

Heaven's Curse ©

Heaven's Curse (on hold again)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon