Reenne's POV
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si mommy sa salas at may binabasa.
"Hello mom!" Bati ko.
"Oh, bat ngayon ka lang. Aber?" Pataray na tanong ni Mom.
"Ah e, Inayos ko pa kasi mga notes ko. Ayaw niyo yun? Mag-aaral ako." Sabay tawa ko.
"Ay sus!"
"Sige Mii, punta lang ako Kusina. Gutom ako mii eh." Kainis kasi yung Daniel na yun!
Habang nasa kusina ako eh, nakakita ako ng isang pizza box. Yan na kakainin ko.
"Mii! Kanino 'tong pizza box dito?" Sigaw ko. Dahil nasa salas si mom eh.
"Sayo na yung natira jan Shay. Nagmerienda kasi ako kanina!" Pasigaw din ni mommy.
"Eh si Kuya mommy? Asaan?!" Sigaw ko ulit.
"May night class pa! Kaya mamaya pa dating nun!"
Di ko na si pinansin si mommy dahil nilantakan ko na yung natirang pizza sa mesa. Gutom ako eh!
Nga pala, siya si Kate Velasquez. My one and only mommy, Mas Close kami niyan kaysa kay papa. Parang barkada nga lang kami eh. Wala siyang pasok siguro ngayon. At nga pala, may ari kami ng isang bookstore. Kaya yun ang pinagkakaabalahan ni Mommy. While, Dad is nasa ibang bansa. Name niya is Sam Velazquez. Kaya nasa ibang bansa si Dad kasi. inaasikaso niya yung mga ineexport na mga libro galing ibang bansa. Pero close din kami ni Daddy.
Okay. Too much for that.
Pagkatapos ko nilantakan yung pizza eh nagbihis na ako at humiga na sa kama. At inopen ko yung wifi ng biglang tumunog yung cellphone ko. May friend
request sa facebook ko.Pagkakita ko eh. Dinelete ko agad, sino pa bang nag-add? Eh yung Christian Daniel lang naman.
Christian Daniel Vasquez added you
ACCEPT or DELETE REQUESTMagpapansin nanaman ang pangit. Manigas ka!
Sabay tapon ng cellphone ko.
At nagpop and vibrate nanaman yung cellphone ko.
Nagaadd pa rin ang pangit. Delete lang reenne!Habang inaayos ko ang kama ko eh, nagpop nanaman ung phone ko. Kaso hindi na sa Friend request. Sa Notification na.
Christian Daniel Vasquez posted on your wall.
"Si pangit ayaw i-accept friend request ko. Uyyy, ayaw niyang hanggang friends lang kami, kasi ang gusto niya MORE THAN FRIENDS ;)"Pag tapos kong basahin nag comment ako.
"Asa! Kasi alam kong mag-papapansin ka nanaman."
Sobra bang assuming? Haha.
Nag vibrate nanaman phone ko. Grrrr... alam ko siya nanaman un.
Christian Daniel Vasquez
Replied on your comment."Gusto lang naman kitang maging kaibigan eh! Yieee! Accept mo na kasi!" sabi niya.
Hindi ko na nireplyan kabanas kasi!
Iaccept ko na nga. Baka umiyak pa ehh! Haha. Sabi ko sa isip ko.
"Reenne Velasquez and Christian Daniel Vaquez are now friends."
Siguro naman hindi na siya mang-gugulo niyan.
Tinapon ko ulit sa kama ung phone ko.
Pagka talikod ko nag vibrate nanaman ung phone ko. Urgggh!
Pagkakita ko may one message ako.
Christian Daniel message you.
Problema nanaman nitong lalaking 'to?
"Hi Pangit!"
Sabi niya.
"Alam mo? Nagmumukha kang tanga jan. Tinatawag mo sarili mo?"
Hmp, akala mo ha!
"Ohhh, sakit nun ah? Ikaw naman pangit ang sungit sungit mo."
Sabi niya.
"Paki mo ba? Ang kulit mo papansin pa!"
Inis na sabi ko.
"Ang init naman ng ulo mo sa akin pangit, may kasalanan ba ako?"
Sabi niya sakin, wow lang.
"Oo, meron. Yang pagmumukha mo! Mukha ka kasing daga!"
Totoo naman kasi eh. Haha!
"Grabe ka naman, ikaw pangit. Sa pogi kong 'to magmumukha akong daga? Baka nga may gusto ka sakin eh."
Wooooooh! Ang hangin!
"Manigas ka! Ako magkakagusto? Kanino? Sayo? Lakas mong makajoke ah."
Ang lakas makajoke nitong kupal na 'to. Nagmumukhang clown. haha!
"Hindi kaya iyon joke, malay mo magkagusto ka sakin."
Sabi niya.
"Asa ka naman!"
Lakas ng self-esteem. Grrr!
"Nga pala, may naging boyfriend ka naba?"
Tanong niya sakin. Anong nakain nito?
"Huh! Wala pa noh! NBSB kaya ako!"
Yeah, NBSB ako. Love? Bibigyan ka lang niyan ng maraming problema. Buti pa mga single, chill lang. Haha!
"Di na ako magtataka, na No Boyfriend Since Birth ka, kase naman oh No Beauty Since Birth ka rin eh, hahahaha!"
Pangaasar niya pa sa akin.
"You teaser! Nakakainis ka na ha! Akala mo kung gwapo gwapo mo. Bye!"
Makapag-logout na nga. Pati ba naman dito sa bahay. Panira yang lalakung yan!
"Sige pangit! Good night! See you!"
Sabi niya.
"As if my good sa night! See you mo mukha mo!"
Anong good dun?! Ang magpapansin buong araw!
"Meron kayang good, nakachat kita. ;)"
Nagpapaka-hockage nanaman 'tong pangit na 'to. Di ko na nireplyan. Kainis!
Log-out na nga ako, Kabanas 'tong lalaking 'to. Buong araw niya sinira araw ko! Humanda yun sa akin! Masyadong papansin! Pwe!
BINABASA MO ANG
Everything that Falls, gets Broken.
Random"Please, Don't fall for me." She uttered. The guy asked why. "We should love. Not fall in love. Because, Everything that Falls, gets Broken." She answered Reenne, is one of the girls out there na natatakot mahulog, ma-fall-in-love dahil sa mga posi...