1 - Monster Teaser

44 2 3
                                    

"Falling down is part of life, getting back up is living." Sabi ni Ms. Trinidad ang aming hugoterang Guro sa EsP.

"Kaya class, kung nasasaktan kayo ngayon. Don't give up easily. Parte lang yan ng buhay."

"Miss Trinidad!" Taas ng kamay ni Bea.

"Yes Ms. Gomez?"

"Eh kasi Miss Trinidad ang sakit e." Sabay turo niya sa dibdib niya. Nagsitawanan naman ang buong klase.

Loko talaga 'tong si Bea. Haha! Sa bagay, Maraming natatamaan sa mga sinabi ni Miss Trinidad.

"Oh siya, That's all for today. Good bye class!"

Yes! Lunch break.

"Uy Danielle! San tayo kakain?" Tanong ko kay Danielle.

"Uuwi ako e."

"Eh ikaw Cam? San ka?" Tanong ko rin kay Cam.

"Alam mo naman, umuuwi rin ako lagi eh." Oh sige! Lahat na, magsi-uwi na kayo!

"Ikaw Jae?" Last chance. Kung hindi magiging Loner ang peg ko ngayon.

"Sorry Reenne, alam mo na kasama ko si ano, hehe." Sabi ko nga oh, Diba? Mag-isa ko kakain ngayon. Magsisi ka Jae! Magbrebreak din kayo!

"Magsi-layas na nga kayo, leshe!"

Sabay naman tumawa ang tatlo. Kainis naman wala akong kasama.

"Sige una na kami." Sabi ng tatlo habang tumatawa pa rin. Problema nila? Sila na nga 'tong nagiiwan e.

Pagkatapos ko ayosin gamit ko, Lumabas na rin ako ng room namin at bibili pa ako ng ilaLunch ko.

"Pangit!" Di ako lumingon. Hindi kaya ako yun.

"Pangit!!!"

Sige, lakad lang Reenne. Dedma mo lang yan. Di naman ikaw.

"Oy pangit!"
"Reenne! Pangit!"

Ako? Pangit? At walanghiya!

Paglingon ko. Sino pa ba nakita ko? Eh syempre. Yung nagiisang papansin lang naman sa buhay ko.

"Problema mo?" Pataray kong tanong.

"Mukha mo." Ay aba.

"Aba Daniel, Eh bat' ako? Nagreklamo ba ako nung nakita ko mukha mo? Tabe!"

"Wala naman ka rekla-reklamo sa mukha ko ah? Pogi naman."

Hangin ah, ang lakas!

"Gutom lang yan. Tabe nga gutom na ako!"

"Edi sabay na tayo." sabay kindat at akbay sa akin. Aba! hockage si Daniel!

Makaakbay 'tong kupal na 'to. Close kami? Close!?

"Tabe nga sabe!" At oo, inapakan ko lang naman ng kay lakas ang paa niya. Ang hangin kasi! Gutom na ako eh. Tsk!

Pagkatapos nung eksenang yun e. Pumunta na ako ng Cafiteria. Dahil gutom na gutom na ang mga bulate sa tiyan ko.

At nagsimula na akong kumain ng mag-isa. Oo, MAG-ISA. Ang galing kasi mang-iwan ng mga kaibigan ko eh.

Sarap na sarap na ako sa aking mga masasarap na pagkain ng may tumakip sa aking mga mata.
"Ano ba!" Patabog kong sabi. Kitang kumakain ako eh.

"Hulaan mo." Ang papansin talaga neto.

"Isa papansin ka nanaman."

"Easy lang, panget. Este reenne." Sabay tawa ng malakas. Maka-panget. Kala kung ang gwapo. Mukha naman daga!

"Maka-alis na nga, andaming nagkalat na papansin dito e." Pag uwi ko na lang ako kakain.

Kawalan ng gana eh.

Sabay walk out ko. Wew. Haha!

"Oops! Pikon!" Sigaw niya. Di ko nilingon leshe panira talaga yun.

"Pangit!"

Di ko na pinansin. Leshe, Kala mo kung ang gwapo gwapo!

Pagkapunta ko ng Room eh, 12:46 pa lang. At wala pa ang magagaling kong kaibigan. Tsk!

Leshe, malate sana kayo!

"Oy Reenne!"

"BAKIT?!!!?!" Pasigaw kong tanong. Kainis eh, na-out ako!

"Beastmode ata tayo?"

"Leshe, bismud talaga ako Danielle! Bismud talaga! Nasira lunch break ko sayo! Dahil sayo Danielle!!!"

"Hala? Bat' ako?"

"Si Daniel, na ever papansin. Nagpapansin nanaman!" Irita kong sabi.

"Ay oh? Ayie! Feeling ko talaga may gusto yun sayo eh."

O_______o?!?!

"Huh! Asa! At yun? Baka naman. Hindi imposible! Hahaha!" Enemies into lovers? Uhhh? Sounds like 'ew'.

"Tignan mo lagi ka kaya niyang inaasar, for sure gusto nun magpapansin. Kasi may gusto siya sayo." Ay haluh, talaga. Jusq!
"Ay nako, Kumain ka ba? Aba. Ikain mo na yan. Ewan ko sayo!"

At tumatawa pa rin ang gaga. Hayyyy, luh? Yun? Magkakagusto? Kanino? Sa akin? Ay wow!

Pagkatapos nun e. Maraming nangyare. Well, buhay estudyante nga naman.
Nagdaan na ang buong hapon. At dismissal na!

"Oh uwi na ba kayo?" Tanong ni Cam.

"Oo guys, uwi na ako ng maaga. Madami pa kasi ako gagawin ehm ingat na lang kayo. Bye!" Sabi ni Danielle.

"Ako rin. May pupuntahan pa kami nila Mommy e."

"Eh ikaw cam?" Tanong ko. Kaming dalawa na lang kasi natira dito sa room.

"May ipapass pa ako sa faculty eh. Tara sabay na tayo."

"Ay wag na, may aayosin pa ako eh. Ayosin ko pa mga notes ko. Una ka na. See you. Ingat ka!"

"Sige. Ikaw din."

Di ko pa rin pala napakilala ang tatlong toh.

Sina Danielle, Cam, at Jae.

Louis Danielle Delgado- o mas sanay na tawaging Danielle. Nuxx, kapangalan si pangit. Bat ko nga pala iniisip yun? Erase erase. So back to topic, Mabait 'daw' maganda 'daw' matalino din 'daw' . Hahaha! Kalog din yan. Rich kid din yan. May ari ng isang sikat na clothing shop ang family niyan. Pero di mayabang. Pinaka-palaasar samin.

Hilary Cam Lee- or mas sanay naming tawaging Cam. Maingay din yan. Mabait din. Maganda siguro (wooaah! Jk) Lagi inaasar samin magbabarkada. May kaya din yan. Both abroads kasi nagtratrabaho parents niyan.

Trixia Jae Laforteza- or mas sanay na tawaging Jae. Hugotera yan! Miss Trinidad the second lang ang peg eh, Maganda daw e. Haha! Mabait. Kaso masungit. Ano raw? Laging may mood swings yan e. Weirdo kumbaga. Broken family yan. Kaya spoiled yan.

Okay okay, too much explanation for that.

Habang nasa corridor ako at hawak mga notes ko e, bigla na lang ako nabumagsak at napaupo. At ang mga notes ko ay nafall este! Nahuloooooog!!!! >________<

Pag angat ko ng aking ulo ay nakakita ako ng isang pangit. Oo, di kayo nagkakamali. Si Daniel nanaman! Grrrr!!!

"Oopsie, masyado mo naman ako tinitignan at pati dinadaanan mo eh, di mo napapansin."

WOW!

"Ang hangin mo naman! Tignan mo nahulog mo pa mga notes ko! Papansin." Sabay pulot sa mga notes na nahulog.

"Beastmode ka nanaman. Eto na eto na oh." At tinulangan niya ako magpulot. Ay anong nangyare sa planetang Earth? Nagbago ang ikot ng mundo?! WTH!!! Chos!

"Wow pangit, may ganyang ugali ka pala?"

"Pangit ka pa!"

Gwapo mo haaaa! Wow. Ang gwapo mo grabe! Wooooh!

"Sige, bye pangit."

At tumakbo na dahil gumagabi na rin. Konti na rin kasi tao dito sa building ng mga 4th year. Ano kaya pinunta nung pangit na yun? ( ay yuck! Bat' ko yun iniisip? Erase erase!!!)


Everything that Falls, gets Broken.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon