Friday ngayon, at andito kami nila Danielle at Cam sa Soccer Field dahil walang klase, nagpameeting kasi yung Administrator ng School eh, para daw sa SSG. Kaya walang mga teachers.
At kung hahanapin niyo si Jae? Kasama lang naman niya ang 'baby' niya (ew! mais!) Si James Sanchez at kung minamalas ka nga naman. Barkada niya si Pangit ay, este Daniel. Kaya parati ko nakikita ang pagmumukha nung kupal na yun. Maliban lang pag klase na. Kasi section B sila Daniel and friends. Pero ang alam ko top one si Daniel sa B. Nag-aaral rin pala yun.
So back to reality, Andito nga kami ngayon sa Soccer Field at patuloy pa rin ang daldalan.
"Huy Reenne!" pasigaw na sabi ni Cam.
"Oh?" tanong ko.
"Diba nagmemeeting yung mga teachers para sa SSG?" Tanong ni Cam.
"Oo, bakit?"
"Sasama ka ba?" Ehh, yeah. Active ako sa mga School Activities. Wala lang, para plus grades. haha!
"Ah, di ko pa alam eh." Di ko pa kasi sure. Graduating na ako, so magiging busy pa ako. Edi dagdag gawain lang yun.
"Sumama ka na kaya! for SSG President, Eh matalino ka naman at masipag. So pwede ka dun!" Sabat ni Danielle.
"Oo nga Reenne." Sabi naman ni Cam.
"Pag-iisipan." Tipid kong sabi. President? Edi mas magiging busy lang ako at baka matalo lang.
"Reenne, Cam, Danielleeeee!"
"Oh! Jae anjan ka na pala? oh Hello James!" Bati ko sa kanila.
"Hello Reenne!" Bati rin naman ni James.
"San kayo galing dalawa ha?" tanong naman ni Cam.
"Nagpasama lang si James sakin sa Cafeteria para kumain." Sagot naman ni Jae.
"Haysue! Walang forever ha! Pakatatandaan ninyong dalawa." Bitter na sabi ni Danielle.
"Suuuus! Wag nga kayo." Sabi naman ni Jae.
"Eh basta james wag mong saktan'tong babaitang 'to. Kundi malilintikan ka samin!" Sabi ni Cam.
"Eh kayo Reenne? Kamusta na kayo ni Daniel?" Tanong ni Daniel sabay tawa.
"O'nga naman Reenne, nag-improve na ba ang status niyo?"
Daniel?! Hello no!
"Daniel? Pinagsasabi niyo jan dalawa?! Oo nag-improve. Super enemies na!"
Tumawa naman sila."Sus. Hindi sa ganun. Alam mo na." Sabi naman ni James.
"Super duper enemies?" Tanong ko.
Tumawa naman sila ulit. Anong nakakatawa? Eh sa enemies lang talaga eh.
"Sus. Deny pa 'to eh." Sabi naman ni Danielle.
"Eh parang nahuhulog na kayo sa isa'tisa. Eh sa halos araw araw ba naman kayo nagbabangayang dalawa." Sabi ni Cam.
"Kanina nga nakita ko 'tong si Daniel at Reenne eh. Nasa may Cafeteria nagbabangayan." Sabi ni Jae.
"Eh kasi naman. Nauna ako dun sa last na slice ng Orea Cake e." Irita kong sabi. Grr! Naalala ko nanaman yun! Eh sa makipag-agawan ba naman.
Huh! Buti na lang sakin pumanig yung tindera. Ako naman kasi talaga nauna! Hmp!
"Pero pustahan tayo. Mahuhulog din kayo sa isa'tisa." Sabi naman ni cam.
"Anong hulog-hulog ka jan?! Eh kung ihulog kaya kita sa 5th floor building, para masaya eh no?" Anong hulog pinagsasabi nitong cam na 'to. Hindi at hindj talaga yun mangyayari. Kasi everything that falls, gets broken.
"Hay, oh sige na wag ka ng humugot. Ang lalim ng mga hinuhugot mo eh!" Sabi ni Danielle.
"Oh siya, mauuna na kaming dalawa ni James. Uwian na rin at may bibilhin pa ako para sa project natin. Bye girls! Ingat sa pag-uwi!" Sabi ni jae.
"Sige. Ingat din kayo!" Sabi naman namin at tumango na silang dalawa.
Tsaka nagdaldalan pa kaming tatlo tungkol sa kung ano-ano. Kesyo birthday na ni ano, pupunta na ibang bansan si ano, ang sungit ni ano. At kung ano pang kung ano-ano!
Ng maisipan nanaming umuwi. Unang umalis samin tatlo ay si Cam sinundo na kasi siya ng Driver niya.
Kami naman ni Danielle eh pumunta pang Mall. Dahil makikisabay na lang ako umuwi kay Mommy(sa bookstore namin, remember?), at si Danielle naman pupunta na lang sa Clothing shop nila.
So habang nasa Mall na kami naiisipan naming magmerienda muna sa DQ.
Ang inorder ko eh strawberry ice cream. Wala lang fave ko eh. Si Danielle naman e. Cookies n Cream.
Heaven! ^o^
Hindi na namin tinake out dahil mabibilis lang naman kami kumain. Gutom eh!
So kwentuhan lang kami ng..
"Si Daniel ba yun?" Tanong ni Danielle.
"Huh? Ikaw?"
"No no, I mean si Daniel your loves!"
Hello? Loves?! Uhh? Ew.
"Ano?" Tanong ko uli.
"Si Daniel nga, mag-isa lang niya."
"Imposible naman. Anong gagawin nung kupal na yun dito ng mag-isa? Ikain mo na lang yan. Namamalikmata ka lang." Sabi ko.
"Sa bagay. Siguro kamukha lang."
Then yun, pagkatapos namin sa DQ eh pumunta na siyang shop nila. Eh sa ground floor yung shop nila. Yung bookstore naman namin ay sa third floor pa. So mag-isa ko na lang.
While nasa, escalator ako e. Napansin kong nasa SB si Daniel mag-isa niya habang nagbabasa. Wow! Amazing! Dejoke. Siguro nga siya yung nakita ni Danielle.
Pero wow lang talaga! Nagbabasa siya!?
At ang nagpapapogi pa sa kanya eh. Nakasalamin pa siya. Ay shet. Sinabi ko ba yung pogi?Okay, back to reality. Yun nga nandito na ako bookstore sa office na mommy.
So ako naman, todo chika na kay mommy sa mga nangyare.
"Pero alam mo ba mommy? Nakita ko si Christian Daniel nasa Starbucks mii! Nagbabasa siya at nakasalamin pa! Reading glass siguro yun. Di naman yun nagsusuot ng ganoon pag nasa school e."
"Yung ahem. Mortal enemy mo kuno? Ay nako Shayreenne. Anong masama kung nagbabasa siya? Ha? Aber?"
"Wala lang mommy, nakakapanibago lang. Di ko kasi siya nakikitang na ganun siya." Sabi mo naman.
"Asuuuus! Kunware pa. Eh natuturn on ka lang sa kanya. Don't deny it hon.""Huh! Mommy! Asa naman. Kahit basahin niya yung lahat ng libro jan sa book store natin, Di ako magkakagusto sa kanya mommy!" Ano ba naman ito. Pati ba naman si Mommy?
"Ay nako, Reenne. Deny pa Reenne. Pero Ang sabi ko natuturn on lang. Hindi gusto. Ikaw naman." Tsaka ngumiti ng nakakaloko si mommy.
"Ay ewan ko sayo mii! I'm not denying kasi." Hmp. Nuod na lang ako. (Yes! May t.v dito hehe)
"Oh sige, punta na akong labas. May aasikasohin lang ako. Wag malikot baby." Sabi ni mommy.
"Yes mommy!" Sabi ko naman.
Makanuod nga muna.
BINABASA MO ANG
Everything that Falls, gets Broken.
Random"Please, Don't fall for me." She uttered. The guy asked why. "We should love. Not fall in love. Because, Everything that Falls, gets Broken." She answered Reenne, is one of the girls out there na natatakot mahulog, ma-fall-in-love dahil sa mga posi...