Chapter2: That Night and That Kiss part 1

30 0 0
                                    

( Lynn's POV )

#FlashBack

............................

8:56 ng gabi naglalakad na ako pauwi galing sa school. Ginabi na ako ng uwi kasi gumawa pa ako ng mga assignments sa library, kailangan kasi.
Napahawak ako sa tyan ko ng makaramdam ako ng gutom. Gutom na ang mga bulate ko sa tyan hahah.
Kinuha ko ang wallet ko sa bulsa ng pantalon ko. Nakapantalon kasi ako kasi nakafreestyle kami sa school namin, wala kaming uniform though academy siya, at isa siyang private school para sa mayayaman, meron kasing freedom ang mga studyante na suotin ang damit na gusto nilang suotin as long as sinusunod namin yung mga patakaran sa pananamit sa school at wag susuwayin ang batas hahah. Tiningnan ko lang kung may barya ako. Madalas kasi papel lagi ang pera ko kaya hirap akong bumili sa mga karinderya lalo na pag wala silang maipang sukli sa binibili ko hahah hilig ko kasing kumain sa mga karinderya. Mas gusto kong kumain dun kesa sa mga restaurant na kung anu-anong imported na sangkap ang nakalahok. Atsaka mas masarap naman yung mga pagkain sa karinderya kesa sabrestaurant eh, mas mura pa. Nakakatipid at nakakapag-ipon ako hahah. Pagbukas ko sa wallet. Ngek! Limang 1 thousand bill at isang kumikinang na bagong piso. Pano ako makakakain sa karinderya sa baryang piso huhuhu hahah  isinara ko na ang wallet ko at ibabalik na sa bulsa ko ng biglang may pusang puti na dumaan sa harapan ko at muntik ko ng masipa. Mabuti na lang nakita ko kagad. Lumuhod ako at tiningnan yung pusa. Ang cute niya puting puti ang kulay niya. Hahawakan ko sana siya kaso tumakbo na siya palayo

Tumayo na ako at naglakad na ulit.

Naglalakad lang ako ng biglang...

" hoy! Babaeng maliit na mukang baby! " sigaw ng isang lalaki mula sa likuran ko

Ha? Babaeng maliit na mukang baby? Insulto ba yun o papuri? Teka! Sino ba ang tinatawag niya? Eh wala namang tao sa unahan ko? May babae ba  sa likuran ko?

Huminto ako at tiningnan kung sino ang tinatawag nung lalaki, kaso wala akong nakitang ibang tao kundi yung lalaki lang na naglalakad papalapit sakin

" ha? Ako? " nagtataka kong tanong

" tss. May iba ka pa bang nakikita? "

Awts! Ang sama naman ng ugali nito, ang ayos naman ng tanong ko tapos ang sagot ganun.

" e? Wala. So ako nga? "

" bobo ka ba? Oo ikaw! tss. Ambobo "

Awts. Ang sama ng ugali talaga. Hindi niya ba naiisip na baka nasasaktan ako sa mga sinasabi niya?

" ang sakit mo naman magsalita. Pagkatapos mo akong sigawan ngayon naman tatawagin mo akong bobo " tanong ko sabay pout

" tss. Andrama mo miss "

E? Tinawag pa akong madrama

" ano bang kailangan mo sakin? "

Eh ako daw tinatawag niya eh. Edi sakin siya may kailangan. Tama naman diba? Hahah

" hindi ka ba sinabihan ng mga magulang mo na wag kang makikipag-usap sa mga taong di mo kilala? "

Ha? Ano daw? Hindi ko magets!

" e? " tanging naisagot ko sa tanong niya

Napakamot ako sa ulo

" tss. Bopols. Oh! "

Awts! Tinawag pa akong bopols. May iniaabot siya sakin

" wallet mo. Di ko na pinagdiskitahan, walang laman eh. Geh miss. Alis na ako. Ngapala. Mag-iingat ka... Tanga ka pa naman "

Sabi niya tapos ngumiti siya at naglakad na palayo sakin.

Aba! Sumosobra na 'tong lalaking 'to ah. Kanina bobo, tapos bopols tapos ngayon naman tanga! Ansakit kaya! Tsk. Ang yabang! Bopols din naman siya. Wala daw laman eh 5,001 pesos ang laman nitong wallet ko tapos wala daw. Ano yun? Bulag ba siya? Malabo ang mata? O talagang Di lang siya marunong magbilang ng pera?

Teka!

Pano napunta sa kanya ang wallet ko?

" ano? Hoy! " tawag ko sa kanya at hinabol ko siya kasi medyo malayo na siya

Malapit ko na siyang maabutan. Kaso nung malapit na ako bigla akong nagulat ng may pusang nakatapid sakin at bigla rin siyang lumingon kaya bumagsak siya sa sahig.... At.... Bumagsak ako sa kanya.

* blog *

At ng dahil sa di inaasahang pangyayari. Nagdikit ang mga labi namin. At nakuha niya ang iniingatan kong first kiss. Ang masaklap pa nito dahil sa aksidente kaya naibigay ko ang una kong halik. Di ko nagawa at di ko na magagawa ang pangarap ko na ibigay ang una kong halik sa taong mamahalin ko.

" aray! "

Bigla niya akong itinulak palayo sa kanya at agad siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa sahig. Tumama ng malakas ang puwetan ko sa kalsada kaya napaaray ako.

Pinagpag niya ang damit niya at tinitigan ako

" what the f*ck are you trying to do? " nangagalaiti niyang tanong

" hey! Watch your mouth! Hindi ko sinasadya yung nangyari atsaka isa pa ikaw kaya ang may kasalanan, bigla-bigla ka na lang lumilingon! " pagtataray ko.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo at pinagpag ang damit ko

" ano? Ako pa talaga ang sinisi mo? Hahahah astig ka din eh noh? Eh sigaw ka kaya ng sigaw! Wag mo nga akong masisi-sisi dyan sa katangahan mo! "

" ano? Sumosobra ka na ah! Anong gusto mo? Ha? Away? Game! Di kita uurungan" paghahamon ko tapos tinaas ko ang dalawa kong kamao at nagpose na parang lalaban sa boxing

" hahahah nagbibiro ka ba mi---" hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nasuntok ko na siya sa panga at bumagsak na siya sa sahig

" K.O!!!! " sigaw ko

                     #EndOfFlashBack..................

" e? Ganun talaga ang nangyari? Sinapak mo siya at nakatulog siya sa isang suntok mo? " tanong ni bessy

" parang ganun! " sabi ko habang natatawa.

" e? Ano ngang naging ending? "

" wala! Wag mo ng alamin! "

" e.e naman bessy eh ang damot mo naman eh! "

" bleeehhh XP " sabi ko with matching pagdila pa hahahah XD

" e.e naman eh. Bili na kasi ikwento mo na. Andaya mo naman eh. Bili na bes---"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil dumating na sa room si ma'am kaya umayos na kami ng upo at nag-umpisa na ang klase namin

+++

( Max's POV )

" oh! Anyari diyan sa may baba mo? Bakit may pasa? Nakipagsuntukan ka na naman? " tanong ng kaklase kong si dan pagkaupo niya sa upuan na katabi ng inuupuan ko

" wala kang pake tol! " sagot ko

" hahah ok tol " sagot niya at sinaksak niya na sa tenga niya ang earphones niya

Bigla kong naalala yung nangyari kagabi at yung babaeng loka-lokang nananapak at nagnakaw ng first kiss ko

Di pa kami tapos! She'll pay!!!

{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}

End Of C2

BackOff!!! She's MineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon