( Lynn's POV )
8:26pm...
andito ako ngayon sa lugar kung san satingin ko nahulog ang bracelet ko. Ang bracelet na bigay sakin ng mama ko bago siya namaalam.
Maglilimang buwan na simula ng binawian si mama ng buhay ng dahil sa atake sa puso
Napaka halaga niya sakin dahil siya ang huling alaalang naiwan sakin ng mama ko. Ang mama ko na mahal na mahal at miss na miss ko na. Si mama ang laging nandyan pag may problema ako, pag kailangan ko ng maiiyakan, kalaro ko nung bata pa ako, nagturo sakin ng maraming bagay, nagparamdam sakin na di ako nag-iisa sa mundo. Dahil busy lagi si papa ng dahil sa negosyo at kompanya namin sa ibang bansa si mama lang ang lagi kong kasama, kausap, kakwentuhan, at kakulitan. Minsan naiisip ko bakit ganun? Buo naman ang pamilya ko pero bakit pakiramdam ko hindi? bakit pakiramdam ko may kulang? bakit pakiramdam ko si mama lang talaga ang pamilya ko?
Tatlong araw bago mamatay si mama ng dahil sa atake sa puso, nagpunta pa kami sa paborito naming lugar sa pinas, sa bagiuo. Dun kami nagbakasyon at nagcelebrate ng birthday ko at dun niya ibinigay ang regalo niya sakin, ang bracelet na may nakalawit na L.A. sabi ni mama tuwing titingnan ko daw ang bracelet na yun maaalala ko si papa dahil nasa L.A ang kompanya ng pamilya namin at sabi niya maaalala ko siya kahit di kami magkasama, malalaman ko daw na di ako nag-iisa, na lagi lang siyang nasa tabi ko hangga't suot ko ang bracelet na bigay niya. Tuwang-tuwa ako noong araw na yun at hindi ko alam yun na pala ang huling araw na makakasama ko si mama sa bagiuo at ang huling araw na makakasama ko siya sa birthday ko, at ang bracelet na yun ang magiging huling regalong matatanggap ko mula kay mama.
Kaya't ganun na lang kahalaga sakin ang bracelet na yun kaya sana naman mahanap ko na siya.
Nandito ako ngayon sa eksaktong lugar kung san kami bumagsak ng lalaking yun kagabi. Sa eksaktong lugar kung san niya ninakaw ang una at pangalawa kong halik. Kung san ko unang naramdaman ang sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Ang tibok na parang sasabog na sa sobrang lakas, sobrang lakas ng dahil sa di ko malamang dahilan
Biglang bumalik sa utak ko yung mga nangyari kagabi.
Yung mga mata niya na nakatingin at nakatitig sa mga mata ko, yung lambot ng labi niya, yung tibok ng puso ko na nagwawala at yung lakas ng sapak na binigay ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit pero feeling ko umiinit ang buong muka ko sa mga naaalala ko.
Napailing ako. Ano ba naman 'tong utak ko? Nandito ako para maghanap ng naihulog kong bracelet hindi para alalahanin ang lahat ng mga nangyari kagabi. Sinampal-sampal ko ang sarili ko
" gising! gising! " sabi ko habang pinapalo-palo ang pisngi ko
" focus! Kailangan mong magfocus! Kailangan mong mahanap yun! Hindi dapat mawala yun! Alalahanin mo si mama! Focus! "
Nagsimula na akong uliin ang paligid para hanapin ang nawawala kong bracelet.
Pero makalipas ang more than 30mins. hindi ko pa rin siya nakita
Napaluhod ako bigla.
" nasan ka na? Bakit ganun? Bakit ngayon ka pa nawala kung kailan kailangan kita? Lumabas ka na! " sigaw ko
" please bro tulungan niyo po akong hanapin yung bracelet ko! Bro sana po mahanap ko na po siya bago ako umuwi samin ngayong araw na 'to please po, tulungan niyo po ako. Please bro! Please! " pagdadasal ko habang nakaupo sa malamig na sahig ng kalsada
" Hahah andrama mo pala! hahahahah XD "
Bigla akong nakarinig ng boses ng isang lalaki mula sa likudan ko at pamilyar ang boses na yun. Dahan dahan akong lumingon para tingnan kung sino yung nagsalita at nagulat ako sa nakita ko.
" hi ^-^ " sabi niya ng nakangiti
" ikaw? "
{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}
End Of C4
BINABASA MO ANG
BackOff!!! She's Mine
Novela JuvenilHe's the pretty boy... Gwapo, Matangkad, Matalino, Mayaman, Malakas, Maangas, Siga, Basagulero, Mayabang at Mapride Yan ang sabi ng lahat... Pero di nila alam.... Mapagmahal din siya... +++ She's every boys dream Maganda, Sexy, Mayaman, Makulit, Mas...