( Max's POV )
#FlashBack
............................
* blog *
What the f?
* slap!!! *
Shhiiiii!!!!!
" arayyyy!!!! " sigaw niya
bigla niya akong sinampal kaya naitulak ko siya ng malakas palayo sakin at agad akong tumayo at pinagpagan ang damit ko
" bakit mo ako sinampal ha? G*gi ka ah! Pagkatapos mo akong halikan sasampalin mo ako! "
Tumayo siya at pinagpag ang damit niya
" hoy! For your information di kita hinalikan! Natapid ako sa pusa kaya ako bumagsak sayo! At malay ko ba na lambutin ka palat di mo nagawang pigilan ang sarili mong bumagsak sa sahig! " pagtataray niya habang nakapamewang pa
" hoy ka din! For your information nakatalikod ako at lumingon nung bumunggo ka kaya wala akong bwelo kaya di kita nasalo at isa pa tinulak mo ako pababa kaya hindi ko napigilan ang pagbagsak. At isa pa ulit! Dinamay mo pa talaga yung pusa sa katangahan mo noh? Ayos ka din pala eh"
" hoy! Hindi ako nandadamay! Hindi kita tinulak! At lalong di ako ayos! Ansakit kaya ng pwet ko! " reklamo niya
" at ako pa talaga ang sinisisi mo dyan sa pwet mo? Ha? Eh kung di mo ako sinampal di mangyayari sayo yan! "
" ewan ko sayo! Bakla ka! " sabi niya at tinalikuran niya na ako at maglalakad na sana palayo pero pinigilan ko at hinawakan ko sa may braso. Humarap siya sakin
" bitawan mo nga ako " sabi niya habang pilit na kumakawala sa hawak ko
" anong sabi mo? Ako? bakla? "
" bakit? Hindi ba? "
" bawiin mo yang sinabi mo "
" ano ba? Bitawan mo na ako! " pagmamakaawa niya
Hindi ko pinansin ang pagmamakaawa niya
" bawiin mo sabi! "
" e? Bakit ba? "
P*cha 'to ah! Ang kulit!
" di mo babawiin? "
" bakit? Anong gagawin mo sakin pag di ko binawi? Ha? "
" babawiin mo o hindi? "
" ano ngang gagawin mo pag di ko binawi? "
" babawiin mo o hindi? "
" pag di ko binawi? Hahalikan mo ko? Ha? Hahahah "
" inuulit ko! Babawiin mo o hindi? "
" hindi mo naman kayang gawin yun! Bakla ka kasi "
Napahigpit ang hawak ko sa braso niya kaya bigla siyang napa....
" arrrayyyy!!! Ano ba? Bitawan mo na nga ako! Nakakasakit ka na eh! "
" babawiin mo o hindi? "
" ano ba? Bitawan mo na ako"
" isa na lang! Babawiin mo o hindi? "
" bakit ba kasi? Totoo nam----"
hindi niya natapos ang sasabihin niya dahil nagsalita na ako.
" di mo talaga babawiin ha!!! "
I sealed her lips with mine... I kissed her. At gulat na gulat siya
Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa ko pero di siya pumalag. Langya gusto din pala talaga nitong bopols na'to na halikan ko siya. Bigla siyang pumikit. Tamo! May pagpiki--- * pow!!!! *
* blog!!! *
What the f*ck??? Babae ba 'to? Anlakas niyang manapak. Sh*t!
Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo. Napahawak ako sa may baba ko. Ansakit! P*cha!
Nakatulala siya sakin.
" sorry! " sabi niya atsaka siya mabilis na tumakbo palayo
" hoy! Teka lang! " sigaw ko pero di na siya lumingon.
G*gi yun ah! Tinakbuhan ako! Yari yun sakin pag nagkita ulit kami!
Maglalakad na sana ako paalis ng may napansin ako sa sahig. May kumikinang. Dinampot ko yung kumikinang sa sahig. Isang bracelet na silver at may nakalawit na L.A
Paniguradong kanya 'to. Mukang binigyan ako ng langit ng dahilan para makita siya ulit.
Humanda ka sakin babaeng mukang baby!!! You'll pay!!! Bwahahahahah
#EndOfFlashBack..................
( Lynn's POV )
Patay!!!!!!!!
Patay! Patay! Patay!
Yung bracelet ko??? Huhuhuhu patay na! Asan na yun? Hindi pwedeng mawala yun!!! Ahhhhhhh mama!!!! Yung bracelet ko!!!!
Teka!!!
Hindi kaya?
Oh no!!!! Wag naman sana!!! Hala!!! Sana naman nandun pa yun! Kung dun man yun nahulog sana nandun parin yun! Huhuhuhu sana naman hindi nakuha ng mokong na lalaking yun yung bracelet ko. Kung nagkataon.... Patay na talaga ako... Huhuhuhuhu
{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}{}
End Of C3
BINABASA MO ANG
BackOff!!! She's Mine
Teen FictionHe's the pretty boy... Gwapo, Matangkad, Matalino, Mayaman, Malakas, Maangas, Siga, Basagulero, Mayabang at Mapride Yan ang sabi ng lahat... Pero di nila alam.... Mapagmahal din siya... +++ She's every boys dream Maganda, Sexy, Mayaman, Makulit, Mas...