Chapter 3

225 34 15
                                    

Aria's Point of View

"H-Hindi..." umiiling na sambit ni Rohanne pagkasabi namin na siya na ang maaaring susunod na sorority queen.
"Niloloko niyo lang ako, di ba? Ako? Qualified maging sorority queen?That's just ----"

"AMAZING." Agad kong sabat na nakangiti

"N-No, feeling ko pinagtutulungan niyo lang ako. Paanong mangyayari iyon?"

Nagkatinginan naman agad kaming mga leaders at saka nagsenyasan.

Nilingon ko si Rohanne na nakakunot noo.

"Follow us, Rohanne. May ipapakita kami sa iyo." seryosong sabi ko.

Makikita ang pag-aalinlangan niya sa mukha pero tumango din siya nang naglaon.

Habang naglalakad kami ay di ko mapigilang ngumiti dahil sa wakas ay makakahinga na rin kaming leaders nang maluwag.

At ang Beta Kappa ay magiging maayos na din sa wakas.

Ako si Aria Moiselle Montaviste, ang leader ng Beta Kappa.
Ang sorority na laging may ipagmamalaki pagdating sa katalinuhan.

Ang tinitingala nilang lahat pagdating sa katlinuhan at academics.

Pero noon iyon.

Noon iyon nang hindi pa nagkaroon ng issue sa sorority namin.

Noon iyon nang hindi pa nahahalal na queen si Hendra.

Hindi hinding ko makakalimutan
ang araw na naging dahilan kung bakit naging major disappointment ang Beta Kappa.

*FLASHBACK*
"Goodluck Aria! Alam naming kaya mo iyan!"

"Thanks!" pilit ngumingiti na sabi ko.

Sa totoo lang, first time kong makadama ng ganitong sobrang pagkakaba. Hindi ito kaba dahil sa gaganaping quiz bee kundi dahil nararamdaman ko na para bang may mali or parang may hindi mangyayaring maganda mamaya.

Ngayon ang Interhouse Quiz Bee ng lahat ng sorority groups at kami na mga Beta Kappa ang talagang kailangang magseryoso sa Quiz Bee na ito dahil ang paggamit ng katalinuhan ang forte ng mga miyembro ng Beta Kappa. We have brains . Iyon ang panama ng grupo namin. Kung ang mga ibang sororities ay nananalo palagi sa extra curiccular activities , sa pageants at sa athletics , kaming mga Beta Kappa naman ang nanalo palagi pagdating sa academics.

Sa amphitheather gaganapin ang quiz bee kaya doon na kami diretsong nagtungo ng mga kasamahan ko na isasabak din sa quiz bee.

Habang naglalakad ay nakita ko ang mga ibang sorority leaders na halos di maipinta ang mukha.

Kumunot ang noo ko habang tinitignan silang lahat.

Tama ang hinala ko kanina pa.
I can sense that something's going wrong and its really weird.

Hinarap ko agad ang mga ka- groupmates ko at kinausap sila na mauna na sa amphitheater. Sumunod din naman agad sila at dumiretso na.

Nilapitan ko ang mga ibang leaders at humalukipkip.

Tumikhim muna ako bago magsalita upang makuha ang atensyon nila.

"Just so you know , magsisimula na ang Quiz Bee within 30 minutes , uso ang mag-ready para mamaya girls kaysa sa tumambay kayo dito." sabi ko na mahinahon na nakapagpataas naman ng kilay ni Glaizelle na leader ng Nu Spurnity Sorority.

"Don't start Aria,okay? Badtrip kami. And please stop insulting us!"

"Whoa. Hold on there sister! Me? insulting you?.." ako naman ang tumaas ang kilay at tumawa ng mapakla. "Seriously? Saang part ba sa sinabi ko ang nakapagpa-insulto sa inyo? I'm just being concern here!"

Sorority Girls (ON-HIATUS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon