this chap is dedicated to MissNiNoah
Ria's POV
"So bakit ka pala tinawag last time ng mga Leaders?" Tanong sakin ng bestfriend kong si Ella. Nakapalibot ang mga new found friends niya sa akin na lahat ay nakataas ang kilay habang hinhintay ang isasagot ko. Nandito kami ngayon sa school cafeteria.
Napalunok ako. I can't tell them the Legacy thing, or the possibility of me becoming a queen and the fact that I rejected it, they would all think I'm absurd, and besides this is supposed to be a secret yet.
"Ah wala. May urgent call lang from home. May emergency kasi nung time na yun sa bahay." sabi ko na ikinabuntong hininga ng lahat.
Napakunot-noo ako. What was that?
"Girl, to be honest, Akala namin threat ka, like favoritism ganon. Akala namin ikaw agad ang pinaboran ng mga sorority leaders nung sinama ka sa meeting nila. Like duh, a girl like you? Boring manamit. A nerd. that's totally a wacko." Sabi ng mataray na siyang new found friend din ni Ella.
Tumawa si Ella.
Kumunot ang noo ko lalo. Ella why? You should be defending me.
"Girls, alis na tayo, this is a waste of time" Sabi naman agad ni Ella. Nakipagbeso beso din naman agad siya sakin.
"Uh, Ella---"
Magtatanong pa sana ako kaso agad niya ng pinutol na para bang alam niya na ang tatanungin ko."No. Ayoko. I mean, Di ka na pwedeng sumabay sakin. I'm sorry pero kasi tatarayan ka lang nung mga new found friends ko, ayokong maging ganon. You know what I mean? I hope you understand , Bestie."
Napalunok ako at napayuko. Right.
"Well yeah that's fine." Pilit kong ngumiti at di nagpaapekto.
Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo siya kasama ang mga kaibigan niya, tumatawa sila.
"Bestie daw pero ang pinili yung new found friends" isang boses ng lalaki ang narinig ko mula sa aking likuran.
"Oo nga tol, yung mga ganon dapat friendship over na." Wika naman ng isa pang lalaki na kasama niya.
It's so obvious ako ang pinapatamaan nila.
Lumingon ako at agad nagtaas ng kilay.
Pareho naman silang nakatingin sa phones nila habang kumakain.
Tumikhim ako. "Excuse me pero ako ba ang pinariringgan niyo? Didn't your parents tell you that it's rude to eavesdrop?"
Lumingon ako sa paligid at aking ikinabigla nang nakitang suminghap ang ibang mga students.
Wait? Bat sila nakatingin saakin? At bat parang shocked sila?
Tumingin ako sa dalawang lalaking kinakausap ko na patay malisya.
Dalawang matangkad at mapuputing lalaki na may matatangos na ilong ang kaharap ko ngayon , ang isa ay may singkit na mga mata, chinito. Ang isa naman ay mukhang may lahing espanyol, dahil sa malalalim na mata.
"Let me guess, you're a freshman." sabi nung chinito at agad ngumiti sakin.
Why is he smiling anyway? It's cute. Wait, what?
"Yes, So what if I am?" sabi ko naman. Naiilang pa din ako dahil madami pa rin ang mga mata na nakapukol sa amin,
Tumawa lang ang mukhang may lahing espanyol dahil sa tinuran ko. "Come on dude , I think she's annoyed."
"Really? now that's interesting, she looks cute when she's annoyed. Shall we annoy her more then?" sabi ng chinitong lalaki sabay ngiti with matching kindat na ngayon.
Umirap ako. Okay, whatever. They're fooling me around now. This talk is nonsense.
Kinuha ko agad ang bag ko at saka aakma ng umalis.
"No! Wag ka munang umalis!Delikado!" mahinang usal ng chinito.
"He's right, Miss. Dito ka lang" sabi naman nung isa.
Inirapan ko lang silang dalawa dahil halata namang pinagti-tripan lang ako.
Dali dali akong naglakad palayo sa dalawang lalaki. Bumuntong hininga ako.
What's happening? Bat sinusundan ako ng tingin ng mga tao?
"Look! agaw eksena nanaman siya! Isn't that the girl from the freshman's orientation the other day ? yung tinawag sa stage ng mga Leaders? She sure loves the attention."
Napalunok ako sa mga naririnig ko. Ako ang pinaguusapan nila.
"Oo nga, tas sino ba siya para ganonin si Chad at Rade?"
Ha? Chad at Rade? sila ba yung mga lalaki?
Lalo akong nagmadaling maglakad upang makalayo na agad nang biglang may humarang sakin na isang student na may hawak na tray na may baso ng juice at bowl ng ramen. Nanlaki agad ang mata ko ng itinapon nya sa damit ko ang laman ng tray.
"Hey! What did you just do?!" inis at gulat na sabi ko.
"That's what you get for messing around with the Fraternity Princes." She uttered angrily as she crossed her arms.
What the fck? Fraternity Princes?
Lalo akong nataranta. Dali dali akong tumakbo, nakita ko naman si Ella na nakatingin sakin. Feeling ko siya lang ang kakampi ko.
Mangiyak ngiyak ako. Akmang lalapit ako sa kanya dahil gusto ko na talaga siyang yakapin nang biglang siyang umiling , umirap at tinalikuran ako, nakita ko din kung paano niya ako tinawanan.Lalong bumagsak ang balikat ko. Sa di kalayuan ay nakita ko ang mga Leaders na papunta sa Cafeteria. Napalunok ako, For sure tatawanan din nila ako dahil hindi ko tinanggap ang trono. They would think I'm pity because I rejected it.
Ni-reject ko lang naman yun dahil hindi ako karapat dapat! like hello? Ako? si Ria? ay isang Queen? Malabo, hindi ko kaya.
I have never been this helpless before, pinigilan ko ang aking luha at nagpatuloy sa paglalakad na hindi tinitignan ang mga leaders.
Habang naglalakad ay saka naman tumunog ang lahat ng speakers sa buong campus . Hudyat na may announcement.
"To all the freshmen girls, please proceed to the sorority grounds' gymnasium at exactly 1:00 P.M for the Sorority Picking ceremony ! Please choose wisely and good luck!"
Right, Kailangan ko pa palang pumili ng sorority group. That only means, kahit anong iwas ko sa kanila, magkikita at magkikita pa din kami.
Cloudmount University, You're such a hell.
BINABASA MO ANG
Sorority Girls (ON-HIATUS)
Teen FictionAlpha Zeta Beta Kappa Omega Phi Delta Gamma Nu Spurnity Iyan lamang ang mga ibat ibang sororities sa Cloudmount University. Nang mag-quit ang queen ng overall sororities , Nagkaroon ng malaking problema . Namuno ang leader ng nangungunang soro...