Ria's POV
Nang eksaktong ala una ay nag-assemble na kaming mga freshmen sa gymnasium ng Sorority Grounds.
Kinakabahan ako. I don't wanna face the sorority leaders yet. Paniguradong sasabihan ako ng mga masasakit na salita dahil sa pagtanggi ko sa trono.
Isang tugtog ang umalingaw-ngaw sa buong gymnasium na siyang nagsilbing hudyat na simula na ng ceremony. Matapos nun ay nag flag ceremony na kami at saka agad nagproceed sa pag-recite ng Sorority Oath.
Ito ang highlight ng ceremony kung saan ipinapahiwatig na sa buong campus na magiging official member na kaming mga freshmen sa sorority.
Sa gitna ng gymnasium ay biglang may lumabas na isang golden cup mula sa sahig. Parang sa movies kung saan may isang part sa underground kung saan nakatago ang isang rocket at bigla nalang aangat sa lupa kapag pinipindot ang switch.
Lahat kami ay pumila kung nasaan ang golden cup. Sa gilid ng golden cup ay isang mesa na puno ng mga papel, ballpen at needles.
Tinignan ko naman agad kung ano ang ginagawa ng mga nasa unahan ng pila.
Napalunok ako.
Nagsusulat sila sa papel ng marahil ay ang kanilang pangalan . Ang aking ikinagulat ay ang pagtusok nila ng karayom sa right tumb nila upang magsilbing thumb mark gamit ang droplet ng dugo nila. May mga naka- clinical uniform na marahil ay kasama sa Medics ang nag-aassist sa pag prick ng needle sa mga thumb ng students.
They say this ceremony strengthens our bonds as it represents our covenant.
Nang ako na ang sumunod sa pila ay agad na din naman akong lumapit sa golden cup at nagsulat na ng pangalan. Halos mapahiyaw pako nang i-prick ng Medics ang thumb ko.
Nag-thumb mark agad ako at pagkatapos ay hinulog ko na ang papel sa loob ng golden cup. Nagulat ako nang nasilip kong may apoy pala sa loob ng cup. Sabi ng iba, may purpose daw ang ashes na maiipon sa cup from the burnt papers, hinayaan ko nalang at di na gaanong nagtanong kung anong purpose ba yun. Basta ang alam ko kinakabahan na ako. Hindi ko kasi alam kung anong sorority ang tatanggap sa akin. Also, I'm not sure if I would pass the tests.
After ng ceremony ay dumiretso na ako sa Sorority Grounds para pumili ng sorority house.
Gusto kong sumigaw. Parang ayoko na atang ituloy ito. I'll just ask my parents if I could transfer to other school instead.
Wait. Who am I kidding? They won't allow me for sure.
Bumuntong hininga ako at napayuko nalang habang naglalakad.
Masiyado ng occupied ang utak ko. I need to calm
"Ouch!" Mula sa pagkayuko ay inangat ko agad ang ulo ko para lingunin kung sino ang nabangga ko.
Napasinghap ako nang makita ang nasa harapan ko.
What the? Siya nanaman?!
Yung mala may lahing espanyol na gwapong lalaki kanina sa cafeteria!
Napalunok ako nang makitang seryosong nakatingin siya sa akin.
"Sorry, are you okay?" mahinahong sabi niya.
Hindi agad ako nakapagsalita. Lumingon agad ako sa gilid ko upang makaiwas ng tingin na ikinadahilan nanaman ng aking pagkagulat. Kasama niya din yung chinitong gwapo! At ngumiti nanaman siya sa akin!
Duh! this can't be good! may sa kamalasan tong dalawang to! Kanina, sobra ang pagkahiya na naranasan ko magmula nang naka-encounter ko sila.
Fraternity Princes.
Yun ang narinig kong itinawag sakanila kanina. Tinaas ko ang isang kilay ko. Kailangan ko nang lumayo!
Akmang tatalikuran ko na sila nang biglang hinawakan ni kuyang may lahing espanyol ang braso ko.
"Wait."
Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niyang paghawak sa aking braso. Tumikhim siya at saka nagsalita.
"Uh, about what happened lately---"
"Rade! Chad!" sigaw ng isang lalaki na ikinadahilan ng hindi niya pagtapos sa kanyang sasabihin. Tinignan ko kung sino ang sumigaw. May kasama siyang tatlong lalaki na patungo na din sa amin.
Okay, Now I'm surrounded with boys.
Lahat sila matatangkad. Lahat mapuputi. Lahat matatangos ang ilong. At lahat ay magaganda ang mga mata. Not bad.
Well, there's no use of denying it. Lahat sila ay gwapo.
"I can't believe this! hindi ako pinansin ng mga Omega Phi girls!" sabi ng isa sa apat na lalaki .
"What's with the AZ girls pre-initiation? That's so gay dude. Fashion, my butt." Sabat naman ng isa pa.
"Anong masama dun? Palibhasa kasi porn lagi ang inaatupag. " Wika naman ng isa.
"Porn?What the?" gulat na tanong naman ng isa.
"Food Porn, bro."
"Tss."
Nakanganga ako habang tinignan ko silang lahat. Anong ginagawa ng mga boys sa Sorority Grounds!
Lalo pa akong nabahala nang may napansin. May mga matatalim nanaman na mata ang nakapukol sa akin!
Uh-oh! This can't really be good.
"You girl!" Sabi ng isang babae mula sa aking likuran. Alam kong ako ang tinatawag niya. Marahil ay nakuha ko ang atensyon niya dahil nanaman sa mga pahamak na lalaking to.
Tinignan ko kung sino ang nagsalita. Nang lingunin ko ito ay bigla akong napasinghap.
"Tell me, why are you hanging around with the Fraternity Princes and Fraternity Leaders?!"
It's Hendra. The Sorority Queen.
BINABASA MO ANG
Sorority Girls (ON-HIATUS)
Novela JuvenilAlpha Zeta Beta Kappa Omega Phi Delta Gamma Nu Spurnity Iyan lamang ang mga ibat ibang sororities sa Cloudmount University. Nang mag-quit ang queen ng overall sororities , Nagkaroon ng malaking problema . Namuno ang leader ng nangungunang soro...