Yung time na binisita ko noon at mga kasama kong mga pinsan ang dating apartment ng Ate ko, dahil inutusan kami ng ate ko na kunin ang bagay na naiwan ko doon. This is a real story na nangyari, yung araw na iyon mga alas 2 na ng umaga, dahil nagkakasiyahan ang pamilya sa pagbirthday ng aking pamangkin, yung time na ito, at not expectedly na may manika roon pero sa akala namin na wala bagay na maririnig eh, akalain bang mayroong tumatawa ang manika kahit walang battery?
Hahaha.. ewan ko lang kung sa demonyo yung manika, habang binubuksan ko ang pintuan may narinig kami ng mga pinsan ko na tumatawa sa loob sabi ko may tao ba na nasa loob? sagot nila wala namdoon naman sa kabilang bahay. Saka akalain namin na may nakapasok sa loob, wala naman nakakandado ang pintuan. Talagang tumayo ang balahibo namin lahat, so, nakita namin at nakaupo siya sa may unang baitang ng hagdanan, kaya ginawa ng pinsan ko sinipa ang manika pero, tawa ng tawa ito at pinaghahagis namin, siguro yung time na iyon na sakaling binuksan ang loob at nalaman na walang baterya tiyak ko kakaripas kami ng takbo, basta ang ingay namin sa loob basta hindi namin nabuksan iyon para alamin kung may baterya nga o wala pero nang makarating kami sa bahay namin sinabi namin na may manika doon na tumatawa at pinagsisipa namin at inihagis sa ilalim ng upuan. Sabi ng ate ko nasa gilid iyon ng pintuan na nakalagay, so, bakit nasa unang baitang ng hagdaan, gulat ang ate ko, eh ang sabi walang baterya iyon at inalis niya kasi maingay raw, sabi namin basta pinagsisipa namin at inihagis sa ilalim ng upuan yung manika. Yung time na pag-uwi nila noon isang text na aming nabalita, dahil bakit raw nasa tuktok sa itaas ng hagdanan ang manika. Doon na nalaman namin na itinapon ang manika kasi ang sabi ng ate ko tawa raw ng tawa ang manikang iyon na para bagang nang-iinis o nang-aasar kaya niya itinapon sabi ko sayang pwede sanang ilagay sa labas para matakot.
BINABASA MO ANG
My Six Sense
Short StoryLahat ng bagay sa mundo ay hindi pa natin nauunawaan at nanatiling lihim, wala pa sinuman ang nakakapagpaliwanag sa mga bagay na ating nakikita, naririnig at nararamdaman. Kaya lahat ng bagay ay nanatiling Misteryo. At ang mga bagay na nasusulat dit...