Dati akala ko parehas lang sila porket maliit silang nilalang akala ko Tao na sila, pero di pala mga nilalang na galing sa isang Punso. Isang Araw sa Pagsapit ng gabi tinatawag ako ng isang maliit na Tinig. Di ko na kasi alam ang mga Tunay na Pangalan nila sa tagal na panahon, pero tawagin natin siya sa Pangalan na Jopet. Isang matalik na kaibigan kong Duwende noon. Sabi ng Abularyo sa amin, Kulay Puti at mabait na nilalang na Duwende itong si Jopet. Dahil nagbibigay sila ng Mayabong na bunga sa likod ng bahay namin noon. Inaalagaan nila at pinapalaki ang puno ng Balete at mayabong ang bunga ng Puno ng Mangga. Noon nakikipag-laro ako sa kanila sa Pagsapit ng Gabi. Dinadala nila ako sa kanilang Kaharian, at lalo na sa kanilang Palasyo talagang magarbo at malamayaman ang mga kasuotan nila. Mula sa itaas maladiamante at nagbubusilak na ibat- ibang mga mahalagang bato. At pagtingin ko sa ibaba malaginto ang kinang. Sa aking paglalarawan malapalasyo at kakaibang mga nilalang ngunit tinatawag akong Panginoon nila. Isang bagay na hanggang ngayon hindi ko pa rin lubos maunawaan. Lahat sila lumuluhod sa akin at inaalayan ako ng isang mabangong amoy na kakaiba at tinanong ko sila. Anong klaseng amoy ang aking naamoy? tanong ko sa kanila. Sinabi nila ikaw ay hindi mortal na tao, nagkatawang tao ka at nagkukunwaring tao aming Panginoon. Mula sa harapan dumapa ang isang nilalang Panginoon ko!, parusahan mo po ako sa aking kasalanan na nagawa noon sa mga tao, Hindi ko nagsalita sa kanya, panginoon ko. Hinahawak ang aking mga paa. At ang lahat ay dumapa at nagsasabi ngayon na ba ang aming Parusa? Sapagkat ikaw ay isang Makapangyarihang Bathala na syang lumikha sa mga Mortal at sa Amin. Isa ka pong Manlalang at Makapangyarihan ka kayat Aming Panginoon Parusahan mo po kami.
Yung araw na iyon takang taka ako sa kanila, pero napaisipan ko, Oo ngat pagkatapos namatay ang Panginoong Hesus, nagpunta siya at nangaral sa Espiritu ng Bilangguan.
Lumapit sila at nagsiyukod ang mga ito. Kami ay nasa anyong Espiritu, naniniwala kami na ikaw ay aming Dios. Yung mga araw na iyon nagbago ang lahat nagbago ang mga anyo nila, nakita ko ang mga katawan na naglalaho at nagbabago. Lahat nag-iiba sa kanilang katawan, Nagtataka ako sa mga sinasabi nila, na ikaw ay nagbalik upang hatulan kami, bawat isa nagsasabi ng ganito, Patawarin mo po kami Panginoon. Nasa Gitna nila ako at mga bagay na nasa anyo nila ay nag-iiba iba, hindi ko maisulat kadahilanan wala akong maihahambing sa kanila.
Na ayon sa biblia na ang mga ito ay mga makasalanan sa panahon ni Ninunong Noe.
1 Pedro. 3:18-22
18Sapagka't si Cristo man ay nagbata ring minsan dahil sa mga kasalanan, ang matuwid dahil sa mga di matuwid, upang tayo'y madala niya sa Dios; siyang pinatay sa laman, nguni't binuhay sa espiritu; 19Na iyan din ang kaniyang iniyaon at nangaral sa mga espiritung nasa bilangguan, 20Na nang unang panahon ay mga suwail, na ang pagpapahinuhod ng Dios, ay nanatili noong mga araw ni Noe, samantalang inihahanda ang daong, na sa loob nito'y kakaunti, sa makatuwid ay walong kaluluwa, ang nangaligtas sa pamamagitan ng tubig: 21Na ayon sa tunay na kahawig ngayo'y nagligtas, sa makatuwid baga'y ang bautismo, hindi sa pagaalis ng karumihan ng laman, kundi sa paghiling ng isang mabuting budhi sa Dios, sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli ni Jesucristo; 22Na nasa kanan ng Dios, pagkaakyat niya sa langit; na ipinasakop sa kaniya ang mga anghel at ang mga kapamahalaan ang mga kapangyarihan.Nangaral ang panginoon sa bilangguan mula sa ibang lugar na tinutukoy, hindi kaya ito napuntahan ko? at ako ang tinuturing na Panginoon?
bakit ako? yung araw na ito, talagang mistery para sa akin. hanggang ngayon walang nakakasagot.
BINABASA MO ANG
My Six Sense
Cerita PendekLahat ng bagay sa mundo ay hindi pa natin nauunawaan at nanatiling lihim, wala pa sinuman ang nakakapagpaliwanag sa mga bagay na ating nakikita, naririnig at nararamdaman. Kaya lahat ng bagay ay nanatiling Misteryo. At ang mga bagay na nasusulat dit...