Buong gabing naguluhan ang puso't isip ni Shaira ng mga panahong iyon. Lagi na lamang may gumugulo sa kanyang isipan. Tila natupad na ang matagal na pinapangarap ni Jade, tila umiibig na nga si Shaira sa kanya.
Sa mga oras na iyo ay napatunayan na ni Shaira sa kanyang sarili na "inlove" na nga siya kay Jade. Ngunit hindi iyon ang bumabagabag kay Shaira. Naguguluhan siya ngayon dahil kailan lamang ay umamin ang dalawa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Anne at Rein ay nagkakagusto sa binata. Ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila lalo na pag nalaman ng mga ito na nahulog na ang loob niya kay Jade. Sino ba namang kaibigan ang gustong saktan ang kapwa niya kaibigan hindi ba? Sa mga huling oras bago mananghalian napag-isip isip ni Shaira na hayaan na muna niya sina Rein at Anne na magkagsto kay Jade at mananatili na lamang lihim ang nararamdaman niya para kay Jade, tutal alam niya sa sarili niya na ngako si Jade na kaya niyang mag-antay kahit pa sa loob ng SAMPUNG TAON.
Sa paaralan, katulad ng dati ay palagi pa rin silang magkasama. Nahuhuli naman ni Shaira na tumitingin kay Jade ang dalawa niyang kaibigan. Hindi niya malaman kung tama ba ang naging desisyon niya na itago na lamang ang kanyang nararamdaman sapagkat nakkita niyang nahihirapan di si Jade.
Inaasar ng mga kaklase nila ang dalawa at hindi na tulad ng dati na umiiwas si Shaira kapag sila'y tinutukso. Tinatawanan na lamang niya ito at itinutuloy kung ano man ang pinag uusapan nilang dalawa ni Jade.
Hinatid ni Jade si Shaira sa sakayan ng Jeep nang sila'y pauwi na galing ng paaralan. Habang nag-aantay sila ng jeep muling natulala si Shaira. Iniisip pa rin niya kung tama ba o mali ang naging desisyon niya. Nanibago naman si Jade kaya tinanong niya kung ayos lang ba si Shaira at mabilis naman na sinagot ni Shaira na "oo ayos lang ako" sabay ngiti. Umuwi si Shaira na gulong gulo ang isip kaya naman dinaan na lamang niya ito sa pahinga.
MASYADONG KUMPLIKADO ANG LAGAY NGAYON NI SHAIRA. PERO KUNG INIISIP NATIN NA MAGULO NA ITO, NAGKAKAMALI KAYO DAHIL MAS GUGULO PA ANG MGA PANGYAYARI. TAMA NGA KAYA ANG NAGING DESISYON NI SHAIRA? HMMM :))))
BINABASA MO ANG
Bakit ngayon pa? Kung kailan naman mahal na kita! >.<
Подростковая литератураNagmahal ka na ba ng isang tao kung kailan huli na ang lahat? Kung ikaw siguro ang nasa posisyon niya grabeng panghihinayang rin ang mararamdaman mo... Kaya kung ako sayo hanggat may nagmamahal sayo at nandyan sa tabi mo, huwag mong antayin ang oras...