Tumagal ng isang buwan ang pagtitiis ni Shaira na hindi aminin ang kanyang mga nararamdaman. Pero dumating yung oras na hindi na niya kinaya at napag-isipan niya na sabihin na ang lahat lahat.
Nagkita ang dalawa ng mga araw na iyon. Sobrang excited ni Shaira dahil magtatapat na siya :)))) nag-ayos siya, nagpaganda, halos maligo na sa pabango, at kung anu-ano pa.
Nang makarating sila sa park, tila may bago kay Jade. Tahimik ito at hindi umiimik. Naiilang siya sa tuwing ngumungiti si Shaira, para bang may gusto siyang sabihin na tinatago lang niya gaya ni Shaira ngayon.
Habang tahimik na naglalakad lakad, Eksaktong dumating din sa lugar na iyon si Hance, dating crush ni Shaira na may gusto sa kanya ngayon. Naging "awkward" ang buong paligid nang mag krus ang landas nila. Natahimik ang dalawa.
Shaira: huy! bakit ang tahimik mo? -__-
Jade: Huh? hindi ah! :)
Shaira: may tanong ako sayo...
Jade: oh ano yon?
Shaira: nagseseslos ka pa rin ba sa kanya hanggang ngayon?
Jade: not anymore.
Shaira: aaah. nuhys :)) ahm, may sasabihin nga pala ako :D (the most awaited moment!!!)
Jade: ano pa? sige lang.
Shaira: mahal mo ba ko? :))
(dumadamoves si Shaira.. isa ito sa mga plano niya para maging madali para sa kanya na umamin. pero hindi niya inisip na ganto ang mangyayari...)
Jade: yung una kong sagot.
Shaira: (napa-isip) not anymore? (<//////////////////////////////3)
Jade: oo
Hindi inaasahan ni Shaira ang mga narinig niya. Nung una'y akala niya na matamis na salita ang mga sasambitin nito pero HINDI!
TUMIGIL ANG MUNDO NI SHAIRA. TUMALIKOD SIYA MULA KAY JADE, NANIKIP ANG KANYANG DIBDIB, BIGLAANG TUMULO ANG LUHA SA KANYANG MGA MATA. HINDI NIYA MALAMAN KUNG ANO ANG KANYANG MGA SASABIHIN. SOBRANG SAKIT. PERO HINDI NIYA HINAYAANG MAKITA ITO NI JADE
Shaira: bakit?
Jade: pagod na kasi ako.
Shaira: paano yung pangako mo? sabi mo bestfriends tayo, walang iwanan. Sabi mo aantayin mo ko kahit pa 10 years yun. bakiiit?! T.T
Jade: ako kasi yung taong hindi tumutupad sa pangako
Shaira: (pinunasan niya ang kanyang mga luha, humarap siya kay Jade) ah. (sabay tumingin sa kanyang relo) mauna na nga pala ako. may lakad pa ko. sige.
Jade: teka! Shaira! saglit!
TUMAKBO SI SHAIRA. PUMUNTA SIYA SA NAPAKALAYONG LUGAR. LUGAR KUNG SAAN HINDI MUNA SIYA MAKIKITA NI JADE. UMUPO SIYA SA ISANG PUNO AT DOON NILABAS ANG LAHAT NG SAKIT NA NARARAMDAMAN NIYA.
MAYA-MAYA AY BIGLANG BUMUHOS ANG NAPAKALAKAS NA ULAN. BASANG BASA SI SHAIRA. IYAK SIYA NG IYAK AT HINDI MALAMAN ANG GAGAWIN. PARA SA KANYA ITO NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO. HINDI NIYA MAINTINDIHAN KUNG SAN SIYA NAGKAMALI. MULI NIYANG BINALIKAN ANG KANILANG MGA ALA-ALA. HINDI NIYA MAWARI KUNG PANONG NANGYARI NA NGAYON MAWAWALA NA SA BUHAY NIYA SI JADE? ANG KANYANG BESTFRIEND. BESTFRIEND NA KANYA RING MINAHAL... ANG ARAW SANA NA DAPAT AY MAGATATAPAT SIYA NG KANYANG MGA NARARAMDAMAN PARA KAY JADE AY NAGING ARAW NG PAGTATAPOS NG KANILANG MGA PINAGSAMAHAN, PINAGSAMAHAN NA BILANG NA LANG SA MGA DALIRI ANG MAYROONG GANITO, PINAGSAMAHAN NA WALANG KATULAD AT PINAGSAMAHAN NA INAKALANG SILA NA ANG PARA SA ISA'T ISA.
BINABASA MO ANG
Bakit ngayon pa? Kung kailan naman mahal na kita! >.<
Teen FictionNagmahal ka na ba ng isang tao kung kailan huli na ang lahat? Kung ikaw siguro ang nasa posisyon niya grabeng panghihinayang rin ang mararamdaman mo... Kaya kung ako sayo hanggat may nagmamahal sayo at nandyan sa tabi mo, huwag mong antayin ang oras...