Bitter Choice

13 1 1
                                    

Lahat tayo may karapatang mamili kung ano yung gusto nating mangyari sa buhay natin. Ayoko mang magkalove life, it's my choice. Bitter man ako, it's my choice. Pranka man ako o palamura, it's my choice parin.
Choice mo rin kung pakikialaman mo ako, o kahit sino man jan tutal judgmental ka naman eh diba? Aminin mo. Lahat naman ng tao ganyan. Pwe. pero choice ko rin mawalan ng pake. Kahit kung ano ano na sabihin mo saken wala parin akong pake kasi nga di ka naman importante at kahit anong gawin ko, di kita mapipigilang manghusga kasi nature na ng tao yun.

Oh pakyu kayo. Husga pa more kingina wala akong pake.
NBSB ako, No Boyfriend Since Bitter, pero wala kang karapatang sabihin na saksakan ako ng kabitteran kasi hindi mo pa ako natitikman! Che! Oona, bakit kaya kahit di pa ako nagkakalablayp eh bitter na ako? Puta ewan ko rin, nalulong kasi ako sa wattpad, anime, at movies na masasaklap ang ending kaya ayun, takot na ako magmahal kasi nga masakit raw. Tsaka matalino ako, utak ginagamit ko hindi puso. Oy ha, manhid rin ako alam ko yan. Puro cholesterol na bumabalot sa puso ko. Minsan may nanligaw sakin , at gusto ko rin sya, kaso mas pinili kong wag syang bigyan ng chance, kesho alien ako, or bakla ako ang mga excuse ko sakanya para lang hindi manligaw kasi ayoko sya paasahin eh hindi ko rin sasagutin kasi takot ako sa commitment.

Alam nyo ba yung SKINNY LOVE?
;Means when two people love each other, but are too shy to admit it, yet they show it anyway.
In short mga naghihintayan, nagkakahiyaan na mga pabebe na di mo alam kung takot rin sa commitment or sadyang torpe lang.
Yan 👆 ganyang ganyan yun. Punyeta kung alam ko lang na skinny love tawag dun edi sana nagpapayat na ako. Bweset 😒

AmpaLaylaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon