Fear of falling in love

11 0 0
                                    

PHILOPHOBIA
- It's the fear of falling in love.

So yung mga malalandi FEARLESS?

Hahahaha
Tch. Pwede namang lumandi ng hindi nahuhulog ah? Pwede namang pigilan yan eh kung matalino ka at strong gaya ko 😏 pero kung hindi, well wag ka na lumandi kasi mabilis ka lang ma-fall kasi weak ka.

So eto, meron yung lalake, malamang. Itago natin sa pangalang Kaneki. Nagcocosplay rin sya tapos nalaman laman ko lang na drummer rin pala sya. Sobrang galing nya magdrums. Eh sakto kulang sa drummer yung binubuo naming banda. Nagcocosplay rin ung singer ko, ang astig nya, pambabae at panlalake yung voice nya. Oh diba pang pilipinas got talent. Hahaha , okay okay, balik tayo kay kaneki. Habang nagjajamming kami, ayun napapalapit sya saken. Syempre friendly naman ako. Pero ang ayoko lang eh yung dumating sa point na maglandian kami. Pero shet, punyeta ayun na nga, napansin ko, di naman sa pagmamayabang pero astig talaga kasi ako pag naggigitara. Pati ako na aastigan sa sarili ko. Ayun siguro dahilan nun, nilandi nya ako. Pinipigilan ko pa naman nung una kasi alam ko mafa-fall sya. Di nagtagal pinatulan ko rin ampota. Nilandi ko , pero konti lang. Hahaha pero para hindi sya masyadong masaktan, ginagawa kong pa joke at nilalagyan ko ng "bes" sa hulian ng mga panlalandi ko para malaman nya na friendzone na sya agad at wag na syang umamin kasi magiging awkward lang. Tsaka ayoko ng ganun. Pagkatapos kasi umamin ngay yung tao eh mawawalan na ako ng gana. Iisipin ko eh ang weak nya. Ni hindi nga ako umeffort na mapafall sya tapos nahulog na agad, eh words lang yung binibitawan ko. Tingin ko tuloy sa mga lalakeng ganun eh weak. Tangina edi pag ibang babae ang manlalandi sakanila mahuhulog rin sila agad? Tss . Manloloko talaga lahat ng lalake tangina.

Di nagtagal nag open up sya saken. Kesho may gf daw sya na wala nang pakialam sakanya at nagpapakatanga na raw sya ng 2 years dun sa babae. Gusto ko sya irealtalk at sabihan na ang tanga nya straight to his face kaso di ko ginawa. Baka maging bitter kagaya ko eh. So ang ginawa sinabi ko parin na tanga sya pero in a nice way like " ganyan talaga pag nagmamahal ka ng totoo, nagmumukha ka ng tanga pero go ka parin ng go"
Yan yung advice ko para naman di halatang sinasabihan ko syang tanga sya. Pero ang tanga talaga. Tapos ang malupet eh nilandi nya ako eh may gf pala sya that time -_- hahaha keri lang. Wala lang naman sakin yun kasi hindi ko naman sya sineryoso. Kaso eto mas malala, umamin sya na may gusto sya saken-_- ang nakakabwisit lang, kakabreak lang nila ng gf nya diba? Ano ako REBOUND? Heh tigil-tigilan nya ako puta sya. Jahaha ginawa ko nanaman yung best way to dump humans =
" bes, pakinggan mo yung KUNDIMAN ng Silent sanctuary bes, yan lang masasabi ko sayo. Sorry :'("

Ayan. Na-KUNDIMAN ZONED tuloy sya. HAHAHAHA

Pero totoo yan. No hard feelings pero marami na akong na-KundimanZoned na mga malalanding lalaki. Seryoso man sila o hindi yan lang lagi ang sinasabi ko sakanila. Ayoko ng commitment. Ayoko ng lalake. Ayoko rin sa tao. Tangina nyong lahat. Ang bitter bitter ko ulol dont me. Sarili ko nga di ko kayang mahalin, KAYO PA KAYA?! Pwe!

-ps. Ayoko sirain yung image kong AmpaLayla. I'll stay single and bitter.
-Pps. Lyrics ng kundiman kung hindi nyo alam:
"kun di man tayi hanggang dulo wag mong kalimutan
Andito lang ako
Laging umaalalay
Hindi ako lalayo" .. Pakinggan nyo nalang kung gusto nyo. Btw may cover ako nyan sa sound cloud :)

AmpaLaylaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon