Unang Pautot: Mula sa Una Hanggang sa Magkita't Magkausap

76 0 0
                                    

Alala niya pa kaya, nung una kaming nagkita
Medyo bata pa ako nun at, ewan ko lang siya
Pero hindi ako nagwapuhan sa kanya
At sigurado akong hindi din siya nagandahan sakin.
Wala--- wala talaga siyang ka appeal-appeal noon
Parang gusgusing batang nilimot lamang sa kung saan (pero sikat)
Pinakilala, pinagtagpo

Pero hindi pinagtadhana.

Tumuloy ang mga taon at di ko na siya naalala pa
Pero nakikita ko pa rin siya sa eskwela
Medyo awkward pag nagkakasalubong kami
Dahil naalala ko pa din yung simpleng tagpo noong nakaraang taon.

Lumipas ang isa pang taon, ganoon pa rin
Tila 'di nagkita't nagkakilala dalawang taon nang nakalilipas.
Kahit na tali na'y di mapigilang naibulalas,
"Ang pogi talaga niya."

Nang marinig ng mga tsismosang kaibigan, agad naipagkalat
Na napogian raw ako sa isang tulad niya
Ewan ko kung ano bang naging pagpupulong pero talagang nakarating
Ang balitang nais ko'y akin na lamang kikimkimin.

Isa pang taon, ako'y naging sunud-sunuran
Sa mga nakatataas na estudyante sa paaralan
Di ako nag iisa, nagsimula kami sa limampu mahigit,
Ngunit tila naipagkait, tatlumpo't isa lamang ang nagkamit.

Sa mga araw na ako'y naging sunud-sunuran lagi siyang naroon
Sapagkat siya'y isa sa mga nakatatandang estudyanteng nabanggit
Hindi ko alam kung assuming lang ba ako o totoo talaga,
Nakikita ko siyang sumusulyap sa akin paminsan-minsan.

May mga bali balita na-

May gusto siya sakin?

Oo gusto,

Frixion pen ba?

Natuwa lamang siguro siya sa akin dahil lagi akong namumula,
Kapag siya'y papalapit sa lupon
At kapag tinatawag niya ang pangalan ko.
Napagtripan? Baka. *hehe*

Matapos ang kalbaryong sunud-sunuran,
Nagsisulat kami sa damit ng may damit.
Nagulat ako nang siya'y lumapit sa akin,
Nagpapasulat sa kaniyang suot na baro.

Di na ako nagpakipot pa kahit nahihiya,
Kaagad kong kinuha ang panulat at sinulatan siya.
Sinulatan niya rin ako. *omg*

Balak ko nung araw na 'yun ang makipag selfie sa kanya
Pero hindi natuloy dahil pinangunahan ng kaba
May nalalabi pang isang linggo at sana nama'y
Makahakot nako ng lakas ng loob.

Miyerkules ata noon ng tinuran kaming humawak ng sandata
Siya ang nagturo sa amin ng aking pinakamatalik na kaibigan.
Kinakabahan talaga ako at di mapakali
Dahil siya ang nasa harap ko sa gayong sandali.
Sa akin pa ipinahabilin ang kaniyang sariling gamit
Para i-uwi sa amin at siyang ingatan. *kilig much*

Anyway,

Natapos ang isang linggo, at siya nang tutungtong sa entablado
Habang kaming mga dating sunud-sunura'y nakalinya sa baba
Nakahandang magbigay-pugay sa mga nagturo sa amin.

Natapos ang buong seremonya, at ako parin ay nanghihinayang
Di lang dahil ang selfie na nakuha ko kasama siya'y medyo low quality.
Dahil din yata may gusto akong sabihin sa kanya
Na noon pa ri'y di ko matiyak kung ano ba.

Kumanta sila sa stage. Umiyak ang iba, siya ay hindi
Inintay ko siyang bumaba sa entablado pero inatasan akong magbenta ng litrato nilang nagsipag tapos.
At iyon ako, nagmamadali sa pagbebenta
Upang maabutan siya at baka makaalis pa.

Inip na inip ako sa bagal maubos ng mga litrato
Pero ikinagagaan ng loob ko ang hindi pag alis ng iba niyang kasamahan
Dahil naniniwala pa rin ako na nandoon pa siya at di pa nakakaalis.

Tumiad ako ng kaunti para makita siya,
Nakita siyang masaya at nakikipag usap sa kanila.
Doo'y iniisip ko na ang dapat kong sabihin
Ngunit ako'y napatigil






Nang siya ang lumapit sa akin.



Congrats po, sabi ko sa kaniya
Pero iniabot niya ang kaniyang kamay
Nakipag kamay ako sa kanya.

Wala siyang ginawa, kundi ang tumitig
At hindi maalis sa akin ang nais kong sabihin
Na hanggang sa pangyayaring iyon ay di ko pa rin alam
Habang nag iisip ako ay nakangiti pa rin siya sa akin.

Di ko na inisip mga kaklase kong nakapaligid,

Niyakap ko siya nang para bang walang nakakita.

Alam kong nagulat siya, pero noon ako'y hindi
Dahil noon ay nalaman ko na yoon pala ang nais kong gawin.

Nagpatuloy ang pag dalamhati at pagyayakapan ng kaniyang mga kasamahan,
Pero muli kaming nagkita
Nakipag picture siya sakin.

Natuwa ako

Oo. Natuwa ako. Sobra.

Dahil tinitiyak ko nang HD na yun, kasi iPhone yung cellphone nya.
Nagpasalamat siya at ako'y umalis
Naging masaya ang gabing iyon at ako'y lalong naganahan sa pag aaral
Dahil huling bilin niya saki'y gagalingan ko palagi sa eskwela.

Ilang beses niya inulit ang bilin
Kaya hindi ko ito makakalimutan.

Para Sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon