Ikalawang Pautot: Muling Pagkilala

35 0 0
                                    

Nagpasensiya ako sa kaniya makalipas ang ilang linggo
Kaagad niya namang tinanggap iyon.
Nagkwentuhan kami sa chat,
At sa tingin ko hanggang sa chat na lamang iyon.

Nagtagal ang aming pag uusap hanggang sa nag araw-araw na,
Pero ako ang laging nauuna-
Nauunang mangamusta, nauunang nag-message
Kasi ako yung interesado.
Ako lang? O siya rin? *asa pa more*

Nalaman ko na may girlfriend sya
Subalit ibinalita niya rin sakin na wala na sila,
Nang dahil lang sa isang maliit na di pag kakaunawaan.

Lubos akong nanghinayang dahil matagal na sila,
Hindi ko din naman alam sa sarili ko na ako pala'y nagselos rin
Nung sandaling nalaman kong may nag mamay-ari ng puso niya.

Dumating ang araw ng aminan.

Syempre ako yung nanguna, kasi ako nga yung interesado. Palagi naman tsk

Umamin ako na oo crush ko siya.

Pero siya, tanong lang ng tanong kung bakit, kailan, at paano-
Dinaig pa 'yung news article ko na sinulat ko para sa diyaryo.

Pinilit kong sagutin lahat ng kaniyang katanungan,
At alam ko naman siguro na natuwa siya sa lahat ng aking sinabi, at ng naramdaman.

Hanggang dun na lang yun-

Wala siyang inamin,




Kasi wala naman talaga siyang dapat aminin.

Hindi ko kailangang umasa, dahil ako itong naka-tali pa,
Isang mahigpit na kasalanan ang ma fall sa iba.
Ipinilit kong magustuhan niya ako,
Hindi ako sumuko't hindi nagpatalo.

Sa araw araw'y laging kinakausap,
Pero sa paglipas rin ng mga araw'y tila ba'y siyang tinatamad
Dahil paulit ulit na lang ang aking mga sinasabi,
At wala nang bagong kaabang-abang.

Para Sa LahatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon