Ngayon may nasabi siya sa akin,
Na litrato naming dalawa palang kinuha noong gumraduate sila ay set up lang nilang magbabarkada.
Hindi ko kinaya aking naramdaman,
Dahil naramdaman kong ako'y naloko ng aking sarili.
Bakit di ko naisip na maari yun mangyari
Sa aking sarili ko ibinunton ang lahat ng pag sisisi
Nais nang magpaalam pero hindi sigurado
Sapagkat nanghinayang sa panahong ginugol sa pagsusulat nito.
Ngayon ay di ko na ninanais na siya'y handugan pa
Ng kahit ano pang tula na ukol sa nadarama.
Kung ito'y narito pa bukas makalawa,
Hahayaan ko na lamang ito dito para sa iba.Maaring mawala na ito pag aking pinagsisihan,
Dahil lubha akong nagpakatanga sa aking mga naging aksiyon.
Winawakasan ko na ang tulang ito dito,Dahil sa huling pagkakataon,
Ako'y bigo,
Ako'y talo.
(end)
