Langit-Lupa

296 4 6
                                    

_____________________________________________

Sir, because I remember few months ago that you said I am versatile in terms of wrting poems in Filipino though an English major, eto po, the cover poem dedicated for you..

Thanks for instilling to us the love for writing. It made me want to exercise my novice pen..

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Sabi nila masyado daw akong ambisosya

Dahil sa'yo ako'y walang pag-asa

Wala namang mali sa pangangarap

Kung pagmamahal ay buhat ako sa alapaap

Bakit ba puso ko'y iba ang pagpintig

Kapag nar'yan ka aking pag-ibig?

Parang kidlat ang tama na dulot mo

Ako'y nagmistulang adik sa'yo

Ngunit tama na itong panaginip

'Di tayo bagay, 'di mo nga ako maisip

'Pagkat ambrosia* ang sa inyong hapag

Habang sa'min nama'y pagpag**

Bakit pa kasi nauso ang mayaman at mahirap

Lovelife ko tuloy ngayo'y napakasaklap

Sana naman sumagi sa'yong puso

Ang taong lubos na nagmamahal sa'yo

                                                            - Inday

* - Ambrosia: Pagakain ng mga diyos at diyosa na sinasamba ng mga Griyego

**- Pagpag: Tawag sa pagkain na dinadampot sa basurahan, pagkatapos mahanap ay pinapagpag muna ito bago itago sa bulsa o anumang lalagyan..

Langit-LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon