Carlos (nagseselos habang sinusuyo ni Budoy si Inday, tuloy muntik ng masisante)

29 0 0
                                    

Humanda ka Budoy kung ako’y malaya na,

Malaya mula sa pagdidikta ng aking ama.

Hindi ko man malahad damdamin ko ngayon

Ngunit darating din ang takdang panahon

Maghintay ka lang at iyong makikita

Mag-ingat ka sa iyong pananalita

‘Wag mo akong itulad sa aristocrat na walang puso

‘Pagkat si Inday ang tanging iniibig ko.

Langit-LupaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon