"Ayan! ang ganda ganda mo talagang bata ka."
Pagmulat ko ng aking mga mata ay hindi ko nakilala ang aking sarili. Magaling talagang mag ayos ang ninang Pretty niya. Ninang Pretty is the owner of one of the famous salon here in the Philippines.
"thanks Ninang mana sayo eh"
"nako nambola ka pa talaga, maliit na bagay lang naman" sagot niya kaya napatawa nalang kami pareho.
"ready na ba ang aming princessa?"
napalingon kami sa pintuan. Naroon ang mommy at nasa likuran naman nya ang dad. Nakangiti silang lumapit samin.
"You're so pretty anak dalaga ka na talaga " sabi ni mom at niyakap ako
"syempre naman san pa ba magmamana ng kagandahan yang si Cha kundi sa mommy at ninang " sabi pa ni ninang.
"oo naman" sagot naman ng mom at kumalas sa yakap sakin.
"aba hindi naman ako papayag dyan ano. Nagmana kaya sakin tong baby namin" komento naman ni Dad na lumapit sakin at niyakap ako.
"dad I'm not baby anymore " i told him.
"oo nga pala dalaga na ang baby namin so. Parang kailan lang nung buhat buhat ka pa namin at umiiyak ka tuwing naghahanap ka ng gatas."pumunta sa aking likuran si Dad at naramdaman ko na may malamig na bagay ang dumantay sa aking leeg.
"Happy Birthday anak" hinaplos ko ang bagay na yun at tinignan.It was a necklace with a crown pendant that has a topaz stone in the middle. Topaz is my birthstone and yeah today is my eighteenth Birthday.
"Thank you for everything Dad. You're the best and I love you both." tumingin ako kay mom na nanunuod samin atsaka ko lang napansin na umalis na pala si ninang. Lumapit samin siya saamin at nakiyakap narin.
--
"Ladies and gentlemen let us welcome the beautiful debutante Ms. Ma. Avery Chahna Gonzalez"
Kinakabahan akong lumapit sa hagdan at bumaba. Sa punong hagdan ay naghihintay sakin si kuya Liam. Siya ang pinakamatanda saaming magpipinsan sa side ni Mom. He's already twenty three at tumutulong na sya sa company nila Paps. Maliban sa shares sa school namin ay isa ring kilalang hotel magnate ang Paps at si tito Lyndon which is CEO ngayon ng LAE empire ngunit si Paps parin ang president.
Sinalubong nya ako gitna ng hagdan at inalalayan pababa.
"Siguradong mas lalong hahaba ang listahan ng manliligaw mo ngayon Cha dahil bukod sa napakaganda mo ngayon ay you are at the legal age already." sabi nito habang pababa kami.
"Si Kuya talaga syempre maganda talaga ang lahi natin kaya wala akong magagawa tungkol dyan. Gaya mo nasayo nga yata ang atensyon ng maraming babae dito at wala sakin." tugon ko
"Likeyou said a while ago Cha, wala tayong magagawa tungkol dyan" sabi nito at ngumisi kapagkwan kaya nakangiti kaming naglakad patungong stage kung saan naroon ang aking upuan bilang bedutante.
Nagpatuloy ang program. Nagbigay ng mensahe ang Dad at mom at syempre naging emosyonal ang parteng iyon. Nang dumako na sa 18 roses ay natuwa talaga ako dahil ang unang nagsayaw sakin ay ang bunsong pinsan ko na si Mike which is chubby kaya napaka cute na bata at napakasarap pisilin ang pisngi kaya hindi ko napigilan ang aking sarili.
"Ouchi ate ganda naman, my most pretty cousin, bitaw na po please?" at nag puppy eyes pa kaya binitiwan ko na.
"Nako binobola mo nanaman ako Baby bunso ha. Syempre ako lang kaya Babae sating magpipinsan at wala naman kayong pinsan kay tita Lea(their mom) dahil nagiisa siyang anak. At saka kelan ka pa natutong mambola ha 8 years old ka pa lang e." sabi ko ko at napalabi nalang.
"Kaya nga ikaw ang pinakamaganda ate e" katwiran naman nito
"Okay tama na ang bolahan " napitingin ako sa nagsalita at ang nakakalokong muka ni kuya Mikael ang sumalubong samin. Kahit fifteen years ang pagitan ng edad nila ay magkasundong magkasundo parin ang dalawa.
"Kuys diba totoo naman syempre sya kaya ang pinakamaganda alangan naman sabihin pa nating pangit sya nagiisa na ngang babaeng Gonzalez e." sabi pa nito sa kuya nito bago umalis at ang magaling namang kapatid nito at tumango tango pa.
"Aba kuya pinagtutulungan nyo talaga akong magkapatid isusumbong ko kayo kay grandaddy kapag talaga nakauwi ako sa tagaytay." biro naman sakanya
"Okay ayan na titigil na po Princess"sabi nito at kunwaring ziniper pa ang bibig. Takot lang nito kay grandaddy dahil lahat silang lalaki ay palaging napagsasabihin nito tuwing niloloko sya kahit pa nuong mga bata pa sila dahil ako nga ang paborito. Perks of being the only girl in the family.
Sumunod pa sila Kevin, Andrie, kuya Lincold, ang mga tito ko, si Hunter, Tristan, Luke and now si Dad which is pangalawa sa huling magbibigay ng rose sakin.
"Baby wag munang mag aasawa ha?" bilin pa nito
"Dad naman asawa agad di muna ba pwedeng boyfriend po muna?" sabi ko sabay bungisngis. Yumakap ako sa leeg ni dad.
"Baby ha sisiguruhin ko munang dadaan sa karayom iyang sinasabi mong magiging boyfriend mo"
"Dad naman, mabait naman si Nick at kilala nyo naman na ho sya"
"So may balak ka nga talagang sagutin ang lalaking yun? siguruhin nya lang na hindi ka nya paiiyakin dahil maghahalo ang balat sa tinalupan . Nagiisa kang princessa ng Gonzalez kaya dapat ka nyang ingatan dahil tandaan nyang marami kaming hahunting sakanya kapag nagkataong sinaktan ka nya." seryosong sabi ni Dad at humigpit ang pagkakayakap sakin na para bang ayaw nya akong pakawalan.
Napangiti na lang ako sa pagiging protective niya or nila sakin. Of course I know that they are only like that because they don't want me to get hurt and I love them more for that.
Tinawag ang pangalan ni Nick bilang last dance ko.
"Sir" pagbibigay galang niya kay Dad.
"Take care of her or else..." banta pa ni dad nang iaabot nya ang aking kamay kay Nick.
"Dad!" apila ko naman
"I'm just reminding him baby"
" With pleasure sir. I will take care and love your princess. " sagot ni Nick at tumingin ng deretsyo sa aking mga mata. Ayan nanaman ang mabilis na tibok ng puso ko. tuwing nasa malapit sya saakin ay ganyan ang nagiging reaction ng aking puso.
Satistfied with Nick's answer ay binitiwan na ni Dad ang kamay kong hawak nya. Napatingin ako kay Dad.
"I love you baby" bulong nya pa"love you too Dad" tugon ko naman at tuluyan na syang umalis.
"Can I have this dance?" nabalik ang aking tingin kay Nick na nasa aking harapan. Napakagwapo nya talaga kaya maraming babaeng may gusto sakanya. At isa ka na din sa mga iyon dahil nahulog ka na hiyaw pa ng utak ko.
BINABASA MO ANG
Make him chase you.
Teen FictionIt's funny how the people that hurt you the most, are the ones that swore they never would. Ma. Avery Chahna E. Gonzalez or known as Cha Gonzalez is simple and normal girl. She experience heartache that made her change from being so normal girl tur...