Gwylie's POV
Lagot.....
Sobrang sama namang tumingin nito. Akala mong papatay. Creepy.
"S-so-rry..." nauutal kong sabi. Dahil, SWEAR nakakatakot talaga siya.
"Sorry!!! Sorry!!! May magagawa ba yang SORRY mo ha!!? Matatanggal ba niyan yung ginawa mo sa damit ko!!? Ang mahal ng binili ko dito tapos mamantsahan mo lang!" mahabang sabi niya. Halata sa kanyang nagpipigil ng galit. Tumayo muna ko bago magsalita.
"B-bayaran ko na lang. M-magkano ba yan?" nanginginig kong tanong sa kanya.
"HA! Sa tingin mo pag binayaran mo to makakabili uli ako ng bago!?" He said in angry tone. Hindi ako makasagot sa takot.
"No!! Kasi nag iisa lang to! At sisiguruhin kong pagbabayaran mo tong ginawa mo sa damit ko." Napayuko ako.
*gulp*
"S-sige b-babayaran ko kahit na magkano. M-magkano ba yan?"
Nauutal kong tanong.
He smirk with anger on his eyes.
"Hindi ako tumatanggap ng pera, dahil mayaman naman kami. Pero sisiguraduhin kong mababayadan mo ito sa ibang paraan" napalunok ako sa kaba. Hindi pa rin nawawala yung ngisi sa labi niya habang sinasabi nya yon.'Ano naman kaya yung ibang paraan na sinasabi niya?'
Hindi ko naiwasang kabahan sa naiisip ko. "Ano ba iyong ibang paraan na sinasabi mo?" pilit kong pinatatatag yung loob ko para di nya mahalatang kabado ako. Dahan dahan siyang lumapit sakin at nagulat ako sa ginawa niya.
O_O
Literal na nanlaki ang mga mata ko. Habang siya naman ay sobrang laki ng ngisi. Palapit pa rin sya ng palapit at ako naman ay atras ng atras. Di ko namalayan ka-aatras ko napasandal ako sa pader at nilagay nya ang kanyang dalawang kamay sa magkabilang gilid ko.
*gulp*
Nilapit niya ang mukha niya sakin at napapikit naman ako. Hanggang sa bumulong siya sa kaliwang tenga ko. "Be my slave..." at literal na napadilat ako at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi nya. Ngising ngisi naman siyang nakaharap sakin habang naka cross arms pa. At sa pagkakasabi niya non ay hindi parang nanghihingi ng request kundi parang nag-uutos na kailangan mong sundin sa ayaw at sa gusto mo.
"At kapag hindi ka sumunod. I will give you a kiss. A french kiss exactly. That is the exchange of messing up with my shirt. So, its your choice. Be my slave? Yes or No." dagdag nya pa. Napalunok ako lalo. Kapag na NO ako makukuha niya yung first kiss ko. No way. Sa first boyfriend ko lang yun ibibigay noh. So, no choice ako kundi..
"Y-yes." utal kong sabi. Dumoble ang kaba ko nung makita ang ngising demonyo nya. Creepy.
"Ok. Starting tomorrow you will be my slave. And I want to see you 8:00 am in the morning. Wait for me there in the parking lot. And lastly I dont want you to be late. Because I hate waiting. Understand?" Sabi nya pa. Napatango na lang ako saka siya umalis bigla. Don lang ako nakahinga ng maluwag nung makaalis na sya. Grabe yung kabang inabot ko don.Whew.
Umalis na rin ako sa lugar na yon at umuwi dahil baka hinahanap na ako ni mom. Pagkauwi ko ng bahay ay pagkapasok ko ay hinanap ko na si mom at sinabi ng katulong namin na umalis daw siya at maya-maya pa daw ang balik. At dahil don dumiretso na ko sa kwarto ko at saka naligo muna saglit at pabagsak kong hiniga sa kama ang katawan ko at inisip ko ang mga nangyari kanina hanggang sa...
Zzzzzzzzzzz. -_- zzzzzzzzz
--------
AN: short story lang po ito.