"Wala talagang kwenta yang si Genos!" Hiyaw ko dahil mabilis siyang natalo ng kalaban.
"Si Saitama kasi dapat ang tinitignan mo. Weak yang si Genos, puro porma lang! Mas astig si Saitama."
"Oo na! Alam ko yun e nakakainis yang ulo ni Saitama. Kalbo ang putek dahil sa kakaensayo!"
Sagutan namin ni Brent habang nanonood ng One Punch Man. Putcha! Ang astig kasing tignan ni Genos. Blonde ang buhok niya, mahilig ako sa mga blonde character gaya ni Usui, Kise, Alibaba, Kyohei at Tamaki. Pero syet lang cyborg pa siya ang astig nun diba? Tapos!!!! Aish. Hindi naman sa mahina siya pero kasi! Ay ewan. Ano bang paki niyo? Ni hindi niya nga ata alam ang One Punch Man, baka One Piece lang alam niyo.
"Hoy Georgina! Halika nga dito, kumain na tayo pwede? Gutom na gutom na ako. Tigilan mo na si Brent!" Sigaw ni Harvey
"Mauna kana! Tatapusin ko muna 'to." Hindi nakatingin na sagot ko sa kanya.
"Georgina! Halika na, para san pa't pinanood natin yan last week? Tapos mo na 'yan! Tara na bago pa kita kaladkarin" Naiinis niyang sabi. Panira talaga 'tong si Harvey. Ang ayos ayos kong nakikinood kay Brent biglang manggugulo.
Last week kasi inaya ko siyang I marathon 'yang One Punch Man. Ilang episodes lang naman kasi kaya mabilis lang namin natapos. Isang upuan lang.
"Nakakabanas ka, alam mo 'yun?! Tara na nga. Baka ibato ko sayo tong Iphone ni Brent sa inis ko." Nilapitan ko siya tsaka pinatong sa likod niya ang mga kamay at tinulak siya para maglakad na.
"Ano bang problema mo at nagmamadali ka? Eh kakameryenda lang natin. Magpurga ka nga!"
"George! Hindi yun. Basta gutom ako. Period. Hindi ba pwedeng manahimik ka nalang at samahan ako? Dami mo pang satsat" Tsaka niya binilisan ang paglakad. Tignan mo 'tong kupal na 'to. Mamadaliin ako tas bigla akong iiwan?
"Hoy Harvey! Hintayin mo nga ako." Tumigil naman siya pero hindi lumingon. Asus! Pabebe ang putek!
Pagkalapit ko sa kanya ay ikinawit ko ang kamay ko sa kanya. Pero hindi pa rin siya tumingin sa akin. Kaya sinundan ko ang tinitignan niya. And as usual sa iisang tao lang naman tumitigil ang mundo niya at sa napaka cliche na pagkakataon hindi ako 'yun. Kay Gwen nakatuon ang pansin niya. Wala e. Di pa nakamove on 'to.
At wala akong balak ikwento ng buo ang love story nila. Basta dati naging sila, sa akin pa nga nagpatulong si Harvey na ligawan yang si Gwen. Nung mga panahon na 'yun wala pa akong alam tungkol sa nararadaman ko para sa kanya. Pero nang unti unting nawalan siya ng oras sa akin, hindi na namin nagagawa iyong tulad ng dati, nasasaktan ako kapag nakikita silang magkasama. Nag sink in dito sa slow kong kokote na mahal ko siya. That time kami naging close naman ni Brent parehas kasi kami ng mga hilig. Aish! Hindi pala tungkol sakin 'to. Okay. So yun 8 months din silang mag on. Sa 8 buwan na 'yun pinagaralan kong kalimutan ang narardaman ko and natuto akong maging manhid. Wala nang effect lahat sakin ngayon. Akala ko nga papatunayan pa nilang may forever. Hindi siya nagkwento at hindi din ako nagabalang magtanong.
"Hoy Harvey. Akala ko ba gutom ka? Tara na!" Nuon lang siya nagbalik sa tamang huwisyo.
"Hah? Tara na nga." Hinila niya ako papunta ng canteen pero napansin ko ang pagbalik ng tingin niya kay Gwen.
Yan ang matibay na ebidensya na ang isang tao ay hindi pa nakakamove-one. Pasulyap sulyap mula sa malayo. Pinipilit niya sa akin kapag tinatanong ko siya na wala na daw siyang feelings. Utot mo Harvey!
"Oh ano? Mahal mo pa?" Tanong ko sa kanya pagkaupong pagkaupo niya palang.
"Hindi na George. Matagal na nga akong nakamove on sa kanya."