"omg! omg! omg! omg!" paulit-ulit na sinabi ng classmate kong si Daniella habang papasok sa classroom na parang excited na parang ewan."ano ba 'yan? ang aga-aga Dan ang ingay mo!" sabi ng classmate kong Shiela sa kaniya.
I couldn't agree more.
"eh kasi naman! hinding-hindi kayo maniniwala sa sasabihin ko! sigurado akong kikiligin kayo ng sobra-sobra!" excited niyang sinabi.
agad namang lumapit ang lahat na girls. actually, girls kami lahat dito sa class na 'to. But ako nandito parin sa upuan ko nag hihinatay sa professor namin. palage 'yon late sa klase, mga 15 minutes, eh 5 minutes pa lang ang natapos so may 10 minutes pang natira sa paghihintay.
"sabihin mo na dali!!" sabi ng isa kong classmate na sinunod din ng iba.
"sina Calvin Lowell.."
"ano? ano?" tarantang sinabi ng classmate habang nanlaki ang mga mata.
pare-pareho rin ang reaction ng iba, parang excited na parang kinikilig na parang natataranta na parang ewan.
"dalian mo na!" iritang sinabi sa kaniya ni Jane.
inirapan lang siya ni Daniella bago siya nag patuloy.
"babalik na sila di--"
hindi ko na narinig ang sunod niyang sinabi kasi nilagay ko na yung headset ko sa mga tenga ko at nagpatunog.
"kyaaaaaaaah!!~"
kahit nagpatunog na ako ng malakas naririnig ko pa rin ang mga tili nila at nakikita ko pa sa peripheral view ko ang pagtalon nila.
I sighed. so irritating.
binuksan ko ang notes ko sa english para makapag review ng kahit konti.
after 10 minutes..
ano nanaman kaya ang ipapa-quiz sa amin ng professor namin? parang araw-araw kasi nagpapa-quiz siya eh. parang walang ara--
napatigil ako sa pagiisip nung may humampas sa desk ko kaya agad ko kinuha ang headset ko.
"curious lang ako ha? lahat kami nandoon tapos ikaw nandito umuupo na parang wala lang" sabi ni Maddie
"ikaw talaga, Maddie, parang hindi ka pa nasanay kay Luna" sabi Jane na hindi pinansin ni Maddie.
hindi sana ako magsasalita pero lahat sila parang hinihintay yung sagot ko.
kaya sasagot na sana ako nung biglang pumasok yung prof namin.
napabalik na lang sila sa mga upuan nila, tapos nakinig na kami sa lecture ng prof namin.
bakit hindi ako lumapit? ang panget naman siguro kung lalapit ako doon na hindi naman ako interesado diba? ang sama naman kung magpanggap lang ako.
-12:15 pm
pumasok na ako sa canteen para kumain ng lunch.
"kyaaah! dito na sila ulit papasok, which means makikita ko na sila palage!"
"I'm so kinikilig!"
"dito ba naman papasok ang mga prince natin? oh my god!"
"I'm so excited na talaga!!"
"but I heared that Calvin is already taken by Chanel Vergara"
"no, they said that Calvin doesn't want her naman daw eh"
"yep, pinipilit niya lang daw ang self niya sa kaniya"
psh. mga chismosa.
iba't ibang sulok ko ang mga 'yan naririnig, galing sa iba't ibang grupo ng girls dito, at ang dadami pa ng nagsasabi, naguusap at kinikilig tungkol diyan.
siguro ang lalaking pinag uusapan nila marami nang sugat ngayon sa kakadapa.
hindi naman masasabi na hindi ko siya kilala. well, hindi ko nga sila kilala, but I've heard his name and their group A LOT, kahit saang lugar dito ako pumunta, puro pangalan nila ang naririnig ko, especially yung girls at mga feeling girls. siguro nga ganun sila ka popular, pero isa sa palage ko naririnig ang pangalang Calvin.. uhh.. kung ano man yung surname niya.
tss.. nagugutom na ako.
-8:00 pm
kalalabas lang ng prof namin kaya niligpit ko na ang mga gamit ko tapos umalis na.
pumunta na ako sa parking lot at in-unlock yung kotse ko, pumasok na ako at pinaandar 'yon.
hindi ko 'to palage ginagamit, every tuesday and thursday lang kasi hanggat gabi ang mga klase ko eh, masyadong delikado naman kapag lumakad lang ako.
when I arrived at my house, lumabas na ako at pumasok sa loob.
binilin ko muna ang mga gamit ko sa living room.
pumunta ako sa kitchen at kukuha sana ng pagkain nung nakita ko sa labas ng glass door na naka bukas din yung glass door sa bahay na katabi ng bahay ko.
may nakapasok kaya doon? meron bang magnanakaw na naka pasok?
tss. bilin pa naman sa akin ni tita Lucille na bantayan daw ang bahay na 'yan hangga't wala pang may naka bili nun. siya yung may ari ng bahay na yon at itong bahay na tinitirahan ko pero binili ko na ito.
kumuha ako ng flashlight at dahan dahang lumabas..
dahan dahan din akong pumasok doon, ang dilim.
napahinto ako sa paglalakad nung may humawak sa pagitan ng elbow at wrist ko.
ito ba yung magnanakaw? eh bakit hindi nag sasalita?
tss. wala akong may makita.
hindi man lang ako tinutukan ng baril o kutsilyo.
kaya hindi siguro ito magnanakawa.
pero teka..
hindi kaya..
sh*t.
dapat na ba ako maniwala sa mga ganun?
nung sumagi 'yan sa isip ko, agad kong siniko ang kung ano man 'yon.
"f*ck!" giit ng kung ano.
tumakbo na ako, sinara yung door at pumasok na sa bahay at ni-lock 'yon.
wala akong kinatatakutan, but dahil sa nangyari parang meron na.
sh*t! ano kaya 'yon? multo ba talaga 'yon? hindi naman siguro kasi nag-mura pa siya.
bakit? wala namang multo na nagmumura ah?
ugh! ano ba 'tong mga iniisip ko?! nababaliw na ako. tss..
kinalimutan ko na lang 'yon at nag ayos na para matulog.
nawalan na ako ng ganang kumain.
hindi pwedeng multo 'yon, those do not exist!
pero seryoso, ano kaya 'yon? multo? sana naman hindi!
BINABASA MO ANG
Breaking her new habits
Fiksi RemajaLuna Devlin? siya yung walang pake alam sa mundo, sobrang ikli ang mga salitang binibitawan, hindi ngumingiti, at walang kinatatakutan. If may isang taong dadating sa buhay niya, a person who will always get through her business, yung palage siyang...