Dedicated po sa lahat na madlang werewolf na nag-vovote at nagcocoment.No proof reading, Sorry for wrong grammars, typos and errors.
Happy Reading :)
Love you all
-----
Part two: Rogue’s Mate
Yhuna’s Pov
Rinig na rinig ko ung alulong.
Nanginig ang tuhod ko
"Hindi! Hindi maari!"
Alam ko ang ibig sabihin nun.
’Papa! Papa!’ paulit ulit kong bulong
Ramdam ko! Wala na si Papa, Hindi ko na maramdaman na buhay pa ito
Tumulo ang aking luha.
"Papa! P-P-Papa!"
’Babalik ako!’ sigaw ko sa aking utak
’Huwag!’ sigaw ng wolf ko
’Babalik ako! Si P-P-Papa un! maghihiganti ako!’
’No! Yhuna! Mapanganib!Di mo ba alam na kaya ka namatay ung papa mo dahil sa pagprotekta sa iyo, sa atin tapos babalewalain mo pa ung bagay na iyon? Knock your senses Yhuna! Nagbuwis ang tatay natin ng buhay! Huwag nating sayangin ang bagay na un’ Inis na sabi ni Ysa
Natigilan ako
Tama si Ysa, kaya nagpatuloy ako sa pagtakbo, kahit na hinang hina ako.
Alam kong mababalewala ang lahat kung babalik ako. I can’t take a risk
Ilang sandali pa ay napahinto ako dahil sa isang amoy.
Isang unique na scent na ngayon ko lang naamoy
Kumabog ang dibdib ko. Pinakiramdaman ko ung paligid.
Nasa loob pa rin ako ng gubat at malayo pa ang lalakbayin ko upang makapunta sa kaparangan na hangganan ng isang Pack.
Pulo’s tuyong dahon lang ang nakikita ko at ngayon ko lang napansin na taglagas pala.
Pinagana ko ng mabuti ang pakiramdam ko.
Umiilaw na naman ang aking berdeng mata.
Nakarinig ako ang malakas na howl na galing sa kanlurang bahagi ng gubat.
BINABASA MO ANG
The Rogue's Mate (Completed)
Werewolf-- Thank you for the awesome cover @yanariks. A Rogue's Mate Iyon ang iniiwasan ni Yhuna. Kaya mas ginusto niyang mag-imagine na isang Alpha ang kanyang magiging mate But Destiny is a player. A one damn cheater. Nagtagpo sila in a wrong time...